third person's
"hyung, nakatulala ka na naman jan sa mga letters ah?" - bigla namang natauhan si Hoseok dahil sa pagsalita ni taehyung.
Umiling lang ito tsaka ngumiti. "ang gwapo ko kasi hehe. alis na nga!" - sambit nito tsaka sinipa ng marahan si taehyung.
Pero imbis na umalis ay umupo pa ito sa tabi nya. "Ano bang meron sa mga letters na yan? Parerehas naman ah. Galing ba yan sa isang fan?" - tanong nito sa kanya.
Umiling lang ulit si jhope tsaka itinago na ito sa isang box tsaka tumingin kay taehyung. "sabihin nalang natin na sa taong mahal na mahal ako" - sabi nito tsaka nagwink pa kaya napatawa si taehyung.
"naks hyung! mahal na mahal talaga yiie sino yan ah? pakilala mo naman ako! Madaya" - sabi nito at nagpout.
Yung mga ngiti ni hoseok ay biglang naglaho ng parang bula dahil sa sinabi ni taehyung. Hindi nya alam kung bakit bigla nyang naalala lahat ng kagaguhang nagawa nya noon.
"Mahal ko sya pero huli na ang lahat at wala na akong magagawa kasi nangyari na" malungkot na sambit ni hoseok na nagpagulo sa isipan ni Taehyung. Pilit na iniintindi ni taehyung ang nais iparating ng binata ngunit hindi nya ito maiintindihan dahil wala sya nung nangyari yun.
Bago pa man makatanong ulit si taehyung ay agad ng tumayo si hoseok at tuluyan nang lumabas. Sinuot nya ang kanyang mask at hood. Para na rin sa proteksyon dahil baka may mga fans na nagaabang sa kanya. Sumakay sya sa kotse at agad na ipinaandar iyon.
Sa pagtingin nya sa daan ay may nakita syang isang babae na tumawid kaya napapreno sya ng mabilis. Napapikit muli sya at tinignan ang unahan ngunit wala na ang babaeng iyon.
Napakagat sya sa labi nya at umiling. Naalala nya na naman yung mga nangyari...
Nagpatuloy na sya sa pagdrive pero patuloy pa ring sumasagi sa kanyang isipan ang mga ala-ala noon.
"hope... mahal kita."
Naitigil nya ang kanyang sasakyan ng marinig nya ang boses na iyon. Pinalo nya ang kanyang manubela at napasabunot din sa kanyang buhok.
"Tama na, please" marahang sambit nya.
Tumingin sya sa mga letters na nadala nya kanina. Unti'unti ding kinuha ang mga ito.
Ito ang mga sulat na natatanggap nya mula sa babaeng nandyan lagi para sa kanya, pero huli na ang lahat ng mabasa nya ito.
Kinuha rin nya ang kanyang wallet at pinagmasdan ang litrato ng babaeng sinayang nya. Kinuha nya ito kasabay ang isang papel na nasa likod nito.
Pinagmasdan nya ang litratong iyon. Naramdaman nya ang paglabo ng paningin nya at ang pagbagsak ng luha nya. Pinunasan nya rin agad ito at ngumiti.
"Ayokong umiiyak sa harap mo, my angel." Natatawang wika nya.
Hanggang sa napansin nya ang papel na nasa likod ng litratong iyon. Ito yung gustong gusto nyang ibigay sa babaeng yun pero huli na ang lahat dahil kahit kailan, hindi nya na mababasa iyon.
Huminga sya ng malalim at nilakasan ang loob para basahin iyon kahit alam nyang masasaktan sya.
My angel,
Hello, angel!
Naalala mo pa ba ako? Ako si Jung Hoseok. Yung laging nagpapabuhay ng klase natin noon. Kahit naman corny yung mga jokes ko, napapansin kong ikaw lagi yung sumusuporta. Napapansin na kita noon pa. Hindi mo lang napapansin ang pag ngiti ko sa'yo kasi lagi kang nakayuko. Ano bang meron sa sahig?Hanggang sa nagbago yung Jung Hoseok na nakilala ng lahat. Nagbago ako dahil nakilala ko yung babaeng minahal ko. Yung transferee na nabanggit mo sa sulat, sya yung minahal ko. Mahal ko sya noon pa kaso nga lang lagi nya akong nirereject. Pero nagulat ako dahil sya na mismo ang nagsabing gusto nya ako. Kaya niligawan ko na sya hanggang sa maging kami.
Tama ka nga, napapabayaan ko na ang sarili ko dahil sa kanya. Ako yung top 1 sa klase natin pero bigla akong nawala sa ranking. Lagi akong huli sa klase, laging itlog sa quizzes, laging walang maisagot sa recitation. Nangyari yun dahil binigay ko lahat ng oras ko sa babaeng yun, wala man lang akong naitira sa sarili ko.
Kahit nahihiya ka, nilakasan mo ang loob mong kausapin ako. Hindi ko ineexpect na sasabihin mong hiwalayan ko ang taong mahal ko. Hindi ako naniwala sa lahat ng sinabi mo, nagalit ako sa'yo noon at pinagtabuyan kita. At sobrang nagsisi ako noong malaman ko ang totoo.
Noong naglalakad ako pauwi sa bahay ay nararamdaman kong may sumusunod sakin. Tumingin ako sa likuran ko at nakita kong ikaw yun. Sinigawan pa kita noon na pakealamera eh. At sinabi kong layuan mo ako. Pero umiling ka lang at tumakbo ng mabilis palapit sakin. Mas lalo akong nagulat noong tinulak mo ako ng malakas papunta sa gilid ng kalsada. Hanggang sa matagpuan nalang kitang nakahandusay sa kalsada habang padami ng padami ang lumalabas na dugo mula sa ulo mo. Hindi ako makatayo noon dahil sa nakikita ko. Sobrang bilis ng pangyayari.
Nagsimula na akong tumakbo papalapit sa'yo. Nakita ko ang pag ngiti mo. Pinipilit mo ring huwag pang isara ang iyong mga mata. Nang makarating ako sa kinaroroonan mo ay ang huling salitang binitawan mo ay, 'hope... mahal kita'.
Alam kong hindi mo na mababasa to pero ewan ko ba kung bakit sinusulat ko pa rin to hahaha. Kung nasan ka man ngayon, sana masaya ka. Sana hindi mo na maramdaman yung sakit na naidulot ko sa'yo. Sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo at thank you sa pagprotekta sakin.
I'm still your hope and you're still my angel, forever.
— jung hoseok
(J-hope)———
THE END.
BINABASA MO ANG
your angel || hoseok
Short Story[ hyung-line series #3 ] 「jung hoseok」 " you're my hope and i'm your angel " - angel written by blueseom started: june 2017 ended: june 2017 [ COMPLETED ]