Prologue

10 2 1
                                    

Maaaninag mula sa kinauupuan niya ang liwanag na nagmumula sa labas ng kanyang silid. Gawa sa bubog ang bintana nito kaya't malinaw niyang nakikita ang mga biglaang liwanag na gumuguhit paibaba galing sa langit.

Malalim na ang gabing iyon ngunit hindi man lang sya dalawin ng antok kaya ipinagpatuloy na lamang muna niya ang pagmamasid sa animoy sumasabay sa himig ng isang magandang musika na mga liwanag sa labas.

Maaliwalas naman ang buog paligid, malumanay ang hanging nakapaligid sa lugar at ang mga bulong lamang ng dumadagungdong na mga ulap sa itaas ang tanging maririnig na ingay. Ito ang nagsisilbing liwanag ng madilim niyang silid dahil Hindi siya sanay na nakabukas ang ilaw kung siya ay matutulog na.

Sa hindi kalayuan ay may hindi siya inaasahang matanaw. Sa pag kidlat ay nailawan ang pigura nito. Kumurap siya at itinuon ulit ang tingin sa pigura ngunit sa muling pagkidlat ay naglaho itong bigla. Kinabahan siya na may kahalong patataka. Pero isa lang ang sigurado niya, pigura iyon ng isang tao na biglang naging isang hayop.

---

Sa lugar na ilan lang ang tunay na nakakaalam, sa mga nilikhang pili lang ang nakakakita, ang mundo kung saan pinilit naming itago sa mata ng mga TAO. Paano nalang kung matuklasan nila ito? At ang magiging dahilan nito ay nakasaad na pala sa aming propesiya. Magawa ko kaya ang misyon ko, magawa ko kayang  protektahan ang Aming Mundo-Aking Kaharian.

---

In a world where such cruelty l, inhumanity, selfishness,greedines exist, where people kill to earn, to have the power to control everyone, everything, To live, to be happy. In a world were love and peace is just a word and a dust to be blown away. Is there someone who can accept me, in this world-- in this world where I am in.

---

Buong buhay ko I dedicated myself for them. Sa trabaho ko, sa organisasyon. I gave them the my world pero ano ang naging kapalit? I was just treated as one of their assest! I should be one controlling the organization. Bakit? Dahil dapat lang. I'm a Shielford! I must be.

---

Ang akala nila sila yung inosente, yung nakakaawa, yung mahina. Pero hindi. Nagkakamali silang lahat! Sila? Mga walang Puso! Hindi kami magiging ganito, hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa kawalanghiyaan nila! Pumasok sila sa tahimik na mundo namin. Sinira nila ang tahanan namin. At hindi pa sila nakuntento Pinatay pa nila ang mga kauri namin. Ngayon oras na ng Paghihiganti. Oras na ng paniningil. Buhay sa buhay. Dugo sa Dugo. Lahi sa Lahi.

--




At mag uumpisa ang lahat ng ito sa isang PAGBABALATKAYO.

In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon