Ate ko Yan!!

6.9K 20 4
                                    

Renia POV

Pagkababa ko ng hagdan nakita ko si ate kriena na nagwawalis ang bait niya swerte ako dahil may ate akong maganda at palabiro at ubod ng bait

"Ate Aalis na po ako " huminto sya sa pagwawalis at tumingin sakin

"Asan si Baby "

"Nasa taas po ate natutulog"

"Ganun ba at saan ka naman Pupunta? NakaPagEnroll kna ba? Hintayin nalang natin si gravel malapit na ung umuwi pinapunta ko lang kina Tito romel para humingi ng pagkain dahil tinatamad akong magluto"

Ang sungit yata ni ate ngayon ah sasagot na sana ako pero biglang dumating si gravel

"Wag mong takutin si ate Renia ate! Ate renia ganyan talaga yan si ate nagsusungit pag may kaaway o paggutom .. Ooh ayan na ang pagkain kumain ka na rin ate renia ako nang bahala ky baby ranie" ni lagay ni gravel ang pagkain sa misa bago umakyat

Nang matapos kaming kumain ni ate iniwan namin ang mga pinggan mamaya na daw un huhugasan pagnakauwi na kmi

Nang makarating kmi sa paaralan na di kalayuan sa bahay namin si ate na nagasikaso lahat alam nya dw anung gagawin dahil nga nagCollege naman dw siya noon .. Lumipas ang mga oras sinabihan kmi na pwedi na dw akong pumasok bukas pipila nalang daw ako bukas sa pagawaan ng ID

Naglalakad na kami pauwi nasa likod lang ako ni ate.. napansin ko hindi naka sintas ng mabuti yung sapatos ko kaya huminto muna ako para e tali yun.. Tapos ko ng itali yung isa nung sa kabila naman ang itatali ko bigla nalang may bumungo sakin kaya napahiga ako sa kalsada tumingin ako sa taong naka bunggo sakin isa siya lalake masmatanda pa siya sa ate kriena ko

" ms. sa susunod ha pagmagtatali ka ng sintas ng sapatos mo doon ka sa gilid oh nakaharang ka kasi ayan yung napala mo !"

Abat! Kasalanan ko pa ngayun kuya ako yung na bunggo oh!  Sasagot na Sana ako ng biglang may lumipad na sapatos at na sapul sa mukha yung lalake tumingin ako sa pinangGalingan ng lumipad na Sapatos

Ate..

 Kay ate ang sapatos na yun! Bakit iba ang kulay! Kahit giba na ang sapatos ni ate kulay Puti parin yun bat iba na ang kulay

"T@ng!na! Hoy! Babae bat mu ko hinagisan! T@ng!na ang sakit ng noo ko! At Ang Baho pa! Papatayin kita!!" Matitigas na hakbang nagmartsa yung lalake ng bigla kung ikinawit ang isang paa ko sa paa niya kaya na tapilok siya pwes ngayun may first kiss na ang kalsada na to !

Tumakbo ako at nagtago sa likoran ni ate .. hinubad ni ate ang isa pa nyang sapatos at tumakbo papunta sa lalake at tinadtad niya ng  pokpok sa ulo ang lalake!
Dinaganan niya sa likuran ang lalake at inipit niya ang leeg nito gamit ang mga binte niya habang pinupokpok parin nito ang ulo ng lalake!!

"Ikaw ang unang papatayin ko!! Ahhh!! Papatayin talaga kita!!!"
Ang lakas ni ate Hindi na nakagalaw yong lalake dahil cguro sa bigat ni ate tumakbo ako at hinila si ate dahil kawawa na yung lalake Hindi na  makahinga ! Pero kahit anong hila ko Hindi ko  mahila si ate dahil sa bigat niya at sa pagipit nya ng mga binte nya sa leeg ng lalake

"Ate tama na yan! Mapapatay mo na siya!"

"Yun nga ang gagawin k---" di na natapos ni ate hung sasabihin nya ng biglang maylalaking pumalit sa pwesto ko at sya ang humila ky ate

"Bitawan mo koo!!"
Nahihirapan din sa paghila yung lalaking tumulong na hilahin si ate kriena

"Ms yung binte ng ate mo! tanggalin mo!"
Pinaghiwalay ko ang binte ni ate kaya ayon sa lakas ng pwersa ng paghila ng lalake napahiga silang dalawa agad namang tumakbo yung lalake habang hawak ang leeg nya tumayo si ate susundan nya Sana ung lalake ng bigla siyang hawakan sa paa nunglalaking tumulong samin

"Bitawan mo ko pupunta lang ako sa kapatid ko!"
Binitawan naman ng lalake si ate..

Tumakbo ako papunta ky ate na papalapit na rin sa akin

" okay kalang ba renia? Nakalmot ba kita? Nagasgasan ba yung tuhod mo masakit ba?" Sunod sunod na tanong ni ate lumuhod pa siya para tignan ang tuhod ko swerte talaga kami ng mga kapatid ko sa ate kriena namin kahit hindi pa gaano ka tagal na nakikilala ko si ate kriena alam ko nasisisguro ko na mapagmahal at mabait siya.. Tumango na lamang ako bilang sagot sa mga tanong ni ate kriena

"Hello babae mukhang ako ang dapat mong tanungin jan! Tignan mo naman yung kalmot na gawa mo oh!" sigaw ng lalake na di kalayuan sa kinatatayuan namin

"Hala Humingi ba ako sayo ng tulong lalake?! sa katunayan nga ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko na patay yung lalake kanina eh! Dapat lang sayo yan!" sigaw ni ate

"Ikaw na nga tong pinigilan ! alam mo nang mapapatay mo na yung lalake hindi mo parin tinigilan! Ako na nga itong nagmamagandang luob para di ka maka patay ako pa ang naging masama Hindi mo siguro alam ang Salitang Salamat babae !"

"Pigilan mo ako renia baka mapasubok na naman ako sa lalaking to" bulong ni ate sakin

"Ako nalang ang kakausap sa lalaki ate wagka-nang magalit tatanda ka nyan" pabulong na sagot ko


Lumapit ako dun sa lalake at nakiusap na wagnalang patulan ng sagutin si ate na ngayun sumisigaw ng " magpapasalamat? bakit humingi ba ako ng tulong jan sa isang tao jan!" kahit hindi siya nakatingin sa gawi namin alam ko at alam nung lalayake na nagpaparinig si ate sa kanya

"Kuya salamat po talaga sa tulong mo .. patawad po sa inaasta ng ate ganyan po talaga ang bibig niya pasinsya na po talaga"

" Akala mo naman kung sino ! Salamat daw bakit? mapapatay ko ba yung walang hiyang lalake kung magpapasalamat ako sakanya?! nakakavovo naman!" sigaw ni ate

"Sige na umalis na kayo ilayo mo na yang ate mo baka masakal ko na yan eh napipikon na talaga ako sakanya "

"Sige po kuya"  lumapit na ako sa kinaruruonan ni ate kriena .. ang daming tao na nakatingin samin karamihan mga studyante nasa labas lang kasi kami ng paaralan eh

Lumakad na kami pa alis dun ... kating kati na talga ang bibig ko magtanong bakit inaway ni ate yung lalake kanina na tumulong samin

"Ate bat ba kayo nagpaparinigdun sa lalake"

"Ha? narinig nyo ba yun? binulong ko na ngayun eh!"

"Ate naman eh! pero ate bat ba galit kayo dun sa lalake? ayaw mo ba sa mga lalake ate?"

"Hindi sa ganun kriena! I Love boys katulad ni gravel"

"Eh bat ganun ka umasta kanina ate? tinulungan na nga tayo nung tao eh nagagalit ka pa.."

"Bakit humingi ba ako ng tulong? hindi ko naman talaga papatayin yung lalake eh tatakutin ko lang alam mo yun.. pero mas maganda din naman yung ideya na patayin yung walang hiyang lalake na yun! kumukulo yung utak ko sa galit nung makita kitang na binundol nung lalaki akala ko tutulungan ka pero nung iba yung lumabas sa bibig niya talaga nagalit na ako ayaw kong ginaganyan ka o kayo ng kapatid ko sa harapan ko o kahit man wala ako dapat hindi kayo nagpapaapi"

"Ate... NapakaSwerte talaga namin at naging ate ka namin ate" nakatingin ako sa mga mata ni ate habang binabanggit yun kung sa iba ay yayakapin sila pagkatapos marinig yun iba si ate inakbayan lang ako at nagpatuloy sa paglalakad....

"Tandaan mo renia Mas Swerte ako at naging Kapatid ko kayo" 

Ate ko Yan! yan ang Ate namin.. Maganda Mabait Sexy at Mapagmahal

My Sexy ATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon