Fred Divino

374 9 0
                                    

_ _ _

 Thank you for adding this in your list! :D

_ _ _

Namulat ako bigla. Aga pa. Wala pang araw.

"Kuya dre," bati ko kay Coach na gising na pala. 

"Oh Fred, aga mo ah?" sabi niya.

"Opo, gantong oras ako nagigising eh," sabi ko.

"Talaga? Aga naman."

"Kailangan ko pa pong magigib ng pangligo ng kapatid kong babae eh," sabi ko.

Oo. Mahirap ako. Nakatira ako sa isang barong-barong at oo katulong ang nanay at drayber ang tatay ko. Hindi ko kinakahiya kasi sila ang dahilan at nakapasok ako sa eskwelahan.

"Fred, magalmusal ka muna oh," aya sa akin ni kuya dre.

Kuya dre ang tawag ko kay Coach. Pakiramdam ko kasi hindi bagay sa'kin ang salitang Coach. Tunog mayaman kasi eh.

"Ano to?" turo ko sa mahahabang pagkain sa harap ko. Hotdog ata ang tawag dito..

"Ah bacon yan, tikman mo," sabi niya.

Tinikman ko na nga, sarap nga. Lasang karne na ewan. 

Sino nga raw ba ako?

Ako si Fred Divino. Mahirap pero gumiginhawa rin. Mukha raw akong basagulero at yan ang laging akala ng mga tao. Yun ang imahe ng mga skwater sakanila. Mabuti naman akong tao, masama lang pag ginalit. Pinalaki naman ako ng maayos eh kaya ayos pa naman.

Oo naiilang ako sa mga kagrupo ko. Lahat sila mayayaman, mapoporma, de kotse eh ako? Kupas na bag lang at wallet na kulang-kulang.

Dati akong snatcher, oo snatcher katulad ng naroon sa mga eskinita. Tinigil ko naman yun, simula ng isang insidenteng hinding-hindi ko malimutan.

Gabing-gabi na nun, madilim na rin. May namataan akong isang babae. Ayos, may madadali ako. Sabi ko sa sarili ko.

Nilapitan ko na siya at hinanda ang panakot ko, kutsilyo.

"Akin na yang bag mo, miss," tangka ko.

Nakaraan ang ilang segundo may narinig akong tunog. Nanginginig na rin ang babaeng biktima ko, taas baba ang balikat niya. 

Umiiyak na pala siya nun. Natakot ko ata. Hindi naman ako nananakit ng biktima, may panakot lang. 

Sinilip ko siya nun at nakita ang nakakasilaw na mukha ng anghel na lumuluha. Tangnaglass. (AUTHOR :P) Napaiyak ko siya. Natakot ko siya.

"Sorry miss, hindi mo na kailangang ibigay yan. Pasensya na," binigay ko sakanya yung panyo ko. Isang bagay na mabango sa'kin. 

Simula nun hindi na ako nangholdap o nangsnatch pa at kung may ninanakaw man ako, yun ang mga sulyap sa isang anghel na hindi ko na maalis sa isip ko. 

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah," pagpapabalik sa'kin ni kuya dre.

"Ah wala. Napaisip lang. Sarap nito," sabi ko nalang.

Nasaan na siya? Hindi ko alam. Pero sana masaya siya. Nasaan na siya? Wala na. Nalaman ko nalang na nawala siya dahil may sakit, dinala ata sa ibang bansa para magpagamot.

Kung sana alam lang niya...

Kung sana kaya kong lumapit...

Ang lungkot ng buhay pag-ibig ko? Nakakaumay! Mangchichiks nalang ako dun sa pupuntahan namin.

"Fred! Fred! Tara, laro muna tayo!" narinig kong tawag ni Vince.

"Andyan na dre!"

_ _ _

Anothere character, Fred Divino. 

That's true love.

:D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Basketball Team Gets Stuck With The PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon