One

8 3 0
                                    


I'm here at School. Pinapanuod ang aking best friend na maghabol sa taong mahal nya.

Ako nga pala si Icelyn Fame Aragin. 17 years old. Third Year college.

"Please! Ako nalang! Pangako hindi kita sasaktan tulad ng ginawa sayo ng g*g* mong Ex!" Hay di talaga sya susuko.

Dale Jad Calara. Sya naman ang Best friend ko. Pero para sakin higit pa doon. Simula pagkabata kami na ang magkasama, parang hindi na nga kami mapaghihiwalay eh. Pero lahat ng pinagsamahan namin nagbago ng may maramdaman sya para kay Claudine. Kung dati kami lagi ang magkasama, ngayon naman minsan nalang, kase lagi syang nakabuntot kay Claudine.

"Ano ba! Tigilan mo nga ako! Hindi kita mahal, pwedi ba tigil tigilan mo ako!" Sabi ni Claudine sabay pasok sa Room nila.

"Tara na Dale. May pasok pa tayo." Pagyaya ko sa kanya. Marami na namang nakatingin samin.

"Hold On Dale! Kaya mo yan! Mamahalin ka rin nya." Bulong ni Dale sa sarili nya bago kami umalis sa Room nila Claudine, dahil katabi ko lang sya eh dinig ko ang sinabi nya.

Hold-On Ice! Kaya mo yan! Sabi ko sa isip ko.

Matagal na akong may pagtingin sa Boy Best Friend ko. Pero kahit isa hindi ko sinabi sa kanya, at wala akong balak na sabihin yon sa kanya. Baka kapag nalaman nya magbago yung pakikitungo nya sa akin. Hindi na nga kami masyadong nagkakasama tapos gagawa pa ako ng dahilan para lalo kaming hindi magka-usap? No way noh!

Naniniwala ako na balang araw mapapansin nya rin itong nararamdaman ko. Hindi ako susuko, naniniwala ako.

Hold-on Ice! Kaya mo yan!

---------------------

2 Weeks Passed like a blur. Nandito kami ngayon sa Park kung San kami Unang Nagkita ni Dale. Saturday kase ngayon kaya okay lang na maglibot. Wala nagbago, tuloy parin sa panliligaw si Dale Kay Claudine, at ang masakit, idadamay pa ako.

"Please, Fame Tulungan mo naman ako oh." Kanina pa nya ako kinu-kulit!

"Ayoko okay?! Ikaw manliligaw tapos idadamay mo pa ako. Ang sakit na nga eh!" Syempre binulong ko lang sa sarili ko yung huli. Mahirap na baka lumayo sya!

"Ano yung huli mong sinabi?" Paktay!

"A..no, hmm w-wala! Tss." Sabi ko sabay talikod sa kanya.

Syempre dahil makulit sya at Gusto nya talagang maging sila ni Claudine eh hinabol nya ako. "Please! Fame. Kahit ano gagawin at ibibigay ko basta tulungan mo lang akong mapa-sagot si Claudine!" Pagma-makaawa nya sakin.

"Ano ba?! Ang kulit din ng lahi mo noh? Sabi ng ayoko eh!" Pag-tanggi ko sa kanya.

O_O? Nagulat ako ng bigla nalang syang lumuhod sa harapan ko!

"Please! Please! Please! Nag-mama-kaawa ako sayo fame. Tulungan mo akong mapa-Oo si Claudine." Sabay hawak nya sa kamay ko. Gabi na kaya wala ng masyadong tao sa park.

"Teka nga! Tumayo ka nga dyan!' Sabi ko sa kanyan habang hini-hila ko sya patayo.

"Hindi. Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ako tinutulungan." Aba. Ang tigas ng lahi neto!

Hold-On (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon