Chapter 1

12 0 1
                                    

NAKAUPO ako sa bench sa loob ng gym habang tinitingnan ko ang picture ni Ian Montenegro.

Ang gwapo talaga niya, sana talaga ma meet ko na siya. Habang tinitingnan ko ang picture ni Ian, dumating na ang mga best friend ko kaya tinago ko agad yung phone ko.

"Huli ka!" Saad ni Nica.

"Alam mo Yesh kahit na itago mo yang phone alam naman namin na tinitingnan mo yung picture ni baby Ian." Nang aasar na sabi ni Yna.

"Hindi ko tinitingnan yung picture niya nu." Saad ko naman. Kahit na alam kong hindi sila maniniwala.

Umirap silang dalawa sa sinabi ko.

"Asus nag dedeny ka pa, ee halatang halata namang tinitingnan mo yung picture niya sa phone mo." Saad ni Yna at sumangayon naman naman si Nica.

Hays hindi talaga ako makakapag tago sa mga taong ito. Sinuot ko na lang yung earphones ko, para matago ko yung pag kapahiya ko.

"Ay grabe siya oh, oy tanggalin mo nga yang earphones mo alam naman namin na hindi na nakikinig ng music na naka earphones." Natatawang sabi ni Yna.

Inis na tinangal ko yung earphones ko, oo hindi ako nakikinig ng music na naka earphones.

"Oo na tinitingnan ko na yung picture yung ni Ian." Inamin ko na lang saakanila dahil hindi nila ako tatantanan hanggan hindi ako umaamin.

"Aun umamin ka narin, kahit naman hindi ka umamin alam naman namin na tinitingnan mo ung picture niya." Saad ni Nica.

"Atasaka wala namang masama dun, basta ba hindi ka nag iisip ng ano sakaniya." Nang aasar na sabi ni Yna, tinaas baba pa niya yung kilay niya. Tumawa si Nica sa sinabi ni Yna.

Namula ako sa sinabi niya, saaming tatlo siya ang pinaka green minded. At si Nica naman yung napaka girly saamin.

"Ayan ka nanaman Yna ha, hindi ako tulad mo na pinag nanasaan yung mga crush ko."

Tumawa sila Nica at Yna sa sinabi ko.

"Wala akong sinabi na pinag nanasaan mo siya, ikaw mismo ang nag sabi niyan." Natatawa paring saad ni Yna.

"Ikaw Yesh ha pinag nanasaan mo ang pinsan ko." Tumatawang saad ni Nica.

Hinayaan ko na lang sila, parati na lang nila akong inaasar mula ng malaman nilang may gusto ako kay Ian.

Nakilala ko si Ian dahil kay Nica, dahil ni rereto niya saakin ang pinsan niya. Pero hindi ko pa siya na memeet sa personal dahil sa America siya at never ko siyang nakausap. At ang masaklap dun hindi ako kilala ni Ian.

"Ehem ehem ang lalim ata ng iniisip mo Friend, hindi namin ma reach grabe."

"Alam mo Yesh wag mong masyadong isipin si Pinsan at baka mas lalo kang ma in love sakaniya." Natatawang saad ni Nica.

"At sino naman may sabing iniisip ko si Ian?"

"Asus ayan ka nanaman sa ka dedeny mo." Saad ni Yna.

Sasagot na sana ako ng biglang may mag sigawan sa kabilang upuan.

Ah kaya pala dahil mag uumpisa na yung practice ng varsity ng basketball.

"Hays ang gwapo talaga Kevin." Kinikilig na sabi ni Yna, at sumangayon naman si Nica.

Nandito kami ngaun sa gym dahil gustong manuod nila Nica at Yna sa practice ng basketball.

"Yung mga laway niyo tumutulo na." Tukso ko sa dalawa. At natawa ako dahil nakita kong pinunasan nila yung mga labi nila kahit wala naman talagang laway.

Tumingin sila ng masama saakin, pero binalewala ko na lang at nanuod narin. Well I can't blame them gwapo naman talaga si Kevin Villanueva, macho, mayaman, sobrang bait at captain ball pa ng basketball varsity.

Nagulat ako ng tumili sila Nica at Yna.

"Ano ba! Nakakagulat naman kayo."

"Friend hindi mo ba nakita yun? Kinindatan niya ako!" Kinikilig na tili ni Yna.

"Wag kang assuming Yna, ako ang kinindatan niya." Kinikilig din na sabi ni Nica.

Hinayaan ko na lang sila mag talo dun. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung may bagong tweet ba si Ian sa twitter niya.

Napatulala ako at muntikan ko ng malaglag ang phone ko ng makita ko ang bagong tweet ni Ian.

"Philippines here I come!"

********

A/N: hi guys I hope that you enjoyed the chapter one.:)

Vote and be a fan.



Be My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon