August.
Noong una kong marinig ang boses mo…
Unang linya pa lamang alam kong pogi ka… hindi pa man kita nakikita, ramdam ko na.
Wala naman akong interest na kilalanin ka. Wala, trip lang kitang pakingggan
Pakinggan ng paulit-ulit. Yung Unli.
Namemorize ko na nga bawat linya, bawat kataga.
Every single detail tumatatak sa akin.
Dumating yung time na nagging busy ako…
Naging madalang ang pakikinig ko sayo… at medyo nagsawa narin ako…
Hanggang sa bumalik ka…
May baong bagong linya at bagong mga kataga na siguradong tatatak sa akin…
At hindi nga ako nagkamali…
When curiosity hits you, everything changed…
This time na curious na ako kung anong itsura mo. Gusto kitang kilalanin, gusto kong alamin lahat. Kaya ayun, nag-research ako ng lahat ng tungkol sayo. Daig ko panga ang NBI at SOCO sa pagiimbestiga at pagstalk sa yo…
Nagsimula ako sa mga pictures… Then nagiging updated na rin ako sa mga nangyayari sayo. Yung konting pictures, naging daang-daang pictures… yung "nagiging updated" naging "laging updated"
Grabe, ang dami kong nalaman… I discovered how wonderful you are as a person. Marami akong nalaman na facts tungkolsayo. Yung favorites mo, favorites ko na rin, yung gusto mo, gusto ko na rin. At higit sa lahat yung pagiging masaya mo ang magpapasaya sa akin.
Alam kong mabuti kang tao, pero bakit ang daming nananakit sayo? Ang daming tao hindi kayang irespeto ang privacy mo?... Gusto kitang tulungan pero wala akong magawa. Kung pede nga lang isa-isahin ko sila eh… ginawa ko na, para sa iyo. Pero hindi kasi maliit lang ako, kung merong mang paraan para makatulong ako, yun yung gumawa ng simpleng bagay na magagawa ko, kahit na hindi mo alam na nag-e-exist ako…
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito… ewan ko ba kung bakit…
above all the people in this world bakit sayo pa?...
Bakit sayo pa na kahit anong gawin ko… hinding hindi kita maabot…
(Baka isipin nyong mga readers bestfriend ko siya or something cliché…)
Literal na hindi ko siya maaabot…
Literal na langit at lupa ang pagitan namin...
Literal na hindi siya nag-e-exist sa mundo ko.
Sa katayuan ko ngayon sa buhay, ang posible ko lang gawin ay ang magsulat ng magsulat hanggang sa maubusan na ako ng isusulat. Nahihirapan na ang akong i-differentiate ang reality sa fantasy eh… Hindi ko kasi matanggap ang realidad na hanggang dito lang ako. Hindi ko kayang mawalan ng pagasang one day magkikita kami…
Isa lang naman talaga ang tanong ko.
May pagasa kayang maging reality ang fantasy kong makita ang EXO?
BINABASA MO ANG
Fandom
FanfictionExo fan ka ba? Kasi ako OO. Sinulat ko lang ito dahil gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko... kung pano ko sila nakilala at kung pano nila ako na impluwensyahan... so bahala na kayo :)