noong magkita tayo ramadam ko'y tuwa
pa text text na nga lang hindi pa mgawa
anong saysay, nung naging tayong dalawa
walang sigla at oras sa isa't isa
Muli kong nakit ang tinext mong 'Cherry'
naalala ko tuloy ang pusong sawi
Desisyong nagawa, tama ba o mali
pusong iyong binihag ng dali-dali
wala nang pagmamahal at ayoko na
pinutol na ang relasyong, walang saya
pagtalikod mo'y mayroong kagad iba
'ayoko' sabi ng puso pero sana..
pagkatapos sumaya at lumigaya
pusong nabihag ay tuluyang lumaya
anong kaylangan, sinabing 'mahal kita'
tumalikod ako, puso'y sa iba na
biglang hinawakan na napakahigpit
anong kahirapan ang aking sinapit
luhang tutulo'y palapit ng palapit
hindi mo nararamdaman ang aking sakit
lumayo ako at binitawan mo ko
tumalikod ako at gustong tumakbo
ano bang puso 'to binibigo ako
kung mahuhulog ba, sa aki'y sasalo?
tuluyan kong iniwan dating minahal
pero sa puso meron lang isang dasal
ika'y lumigaya at muling magmahal
paalam, aking kaisa-isang mahal