Totoo

104 3 1
                                    

    "Friends should be like books. Few, but hand-selected."

     Sino nga ba sa mga kaibigan mo ang tunay at sino ang hindi?

Sabi nga nila, hindi mo kailangan ng maraming kaibigan kung sila naman ay nandyan lang kapag sila ay nangangailangan.

  Ano nga ba ang katangian ng isang tunay na kaibigan?

 
  Kasi para sa akin, ang tunay na kaibigan ay yung masaya siya para sa'yo. Susuportahan ka sa mga gusto mo. Hindi yung naiingit siya kung anong meron ka.

   Ang tunay na kaibigan, handang magparaya maging masaya ka lang. Yung tipong ayos lang sakanya na hindi siya masaya, basta ikaw masaya.

   Sasamahan ka sa hirap at ginhawa. Hindi yung kapag nakaaangat ka na tsaka lang siya lalapit sayo.

    Mabait at mapagkakatiwalaan, nakaharap ka man o nakatalikod. Hindi yung kapag nakatalikod ka na kung ano ano na ang sinasabi sa'yo.

   Sasabay sa mga kabaliwan mo, paprangkahin ka at kunware sasabihin sa'yo na "Ampanget mo."  o kaya naman "Wag ka na umasa! Di ka mahal 'non!" Pero alam mong nagsasabi siya ng totoo para pagaanin yung loob mo.

  Kasi sabi nila, pag tunay daw na kaibigan, ayaw na pinaplastik ka kaya nagsasabi ng totoo.

Karamihan satin, eh ang mga tunay na kaibigan ay ang ating mga kaklase, kasi sila yung madalas natin makahalubilo sa araw araw, sila yung madalas na suma-sama kapag may lakad tayo, kapag magre-recess at kung saan saan.

   Kaso ang iba naman, kapag hindi na nila kaklase yung "tunay na kaibigan" nila, eh hindi na sila masyadong kinakamusta o kinakausap. Teka, tunay na kaibigan pa ba tawag dun?

  Kasi kung totoo mo silang kaibigan, magkaron man sila ng mga bagong kaklase, kakamustahin at kakamustahin ka padin nyan kahit anong mangyare.

Marami akong nakakahalubilong tao sa araw-araw. Pero hindi ko masasabing sila yung "TUNAY" kong mga kaibigan.

Alam mo yon? Yung masaya silang kausap at kasama, pero sa bandang huli hindi mo sila matatawag na tunay na kaibigan.

  Kasi para sakin, mas maganda kung meron kang tunay na mga kaibigan. Yung magiging kampante ka. Yung tipong hindi mo na kailangan maghanap ng malaking circle of friends kasi kahit kaunti lang sila, Alam mong tunay sila at mapagkakatiwalaan.

  Kasi ang mga kaibigan, kailangan natin yan sa ating pangaraw-araw na buhay. Nandyan sila kapag malungkot ka, nandyan sila kapag masaya ka.

  May mga oras na nagkakatampuhan ang mag kaibigan. Hindi magkagalit ah? Kasi magkaiba ang magkagalit sa nagkatampuhan. Hindi porke nagtampo siya sayo eh hindi mo na siya tunay na kaibigan, may mga oras kasi na kailangan kang itama ng kaibigan mo sa mga kamalian mo.

Hindi ibig sabihin na pinagsabihan ka niya eh taliwas siya sa gusto mong mangyari, malay natin, ginawa niya yun para din sa ikabubuti mo.

  Pero hindi lahat ng kaibigan eh magandang impluwensya sayo. May mga kaibigan na hihilahin ka pababa o kaya naman pasasamain ka sa harap ng ibang tao.

  Yung tipong akala mo, tunay mo na siyang kaibigan kasi nakuha na niya yung loob mo, yun pala ginagamit ka lang.

 Alam kong karamihan sa inyo eh naka en-counter na ng ganyan. Yung akala natin "Tunay na kaibigan" na, yun pala eh kung ano ano sinasabi tungkol satin.

 
Kailangan natin ng kaibigan, hindi yung kaibigan lang natin sila kasi may kailangan tayo sakanila.

   Kaya ano nalang ang mangyayari sa buhay natin kung walang kaibigan?

Ika nga nila "No man is an island"

Hindi ko sinasabing hindi ka mabubuhay pag walang kaibigan. Pero sige, isipin mo, magiging masaya ba ang buhay kung walang kaibigan na dadamay sayo pag may problema ka? Sasaya ba ang buhay kung walang kaibigang nandyan para patawanin ka? Hindi diba?

Kaya pahalagahan natin ang mga kaibigan natin hangga't nandyan pa sila.

Pero ako? Masasabi kong kampante ako dahil alam kong meron akong mga tunay na kaibigan.

 

Kaibigang TunayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon