Nakatingin ako ngayon sa kalangitan at pinagmamasdan ang napakagandang buwan. Bilog na bilog at tila ba'y nakikiramay sa akin.
Naisip ko ngayon lahat ng mga nagawa ko sa buhay. Naging mabuting tao naman ako pero bakit ganun.
Naglalakbay ang simoy ng hangin sa aking balat. Ang bawat pagdampi nito ay nagbibigay ng matinding lamig sa aking balat.
Nasaan ba ako ngayon?
Oo nga pala.
Nakaratay ang aking katawan sa kalsadang na ni isang tao ay walang dumadaan.
Duguan ang aking katawan dahil sa mga tama ng baril.
Ano ba itong kinasadlakan ng aking buhay?
Inaalala ko ngayon ang mga araw na masaya pa ako.
Mga araw na hindi pa ako nabilanggo.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Selda (Short Story)
Short StorySi Renzo ay isang mabuting binata na napagbintangan sa isang kasong hindi naman niya sinasadya. Mahirap lamang sila at hindi nila kayang magbayad ng piyansa. Ano na ang mangyayari sa kanya sa likod ng mga rehas na bakal? Dahil sa loob ng kulangan ay...