Sam's p.o.v
What a nerd ?!
Nerd na nga Ang taba pa!
Yan ang unang narinig ko pagtapak ko pa lang ng school, kala mo kung sinong magaganda eh parang namang tinabunan ng harina Yung mga mukha nila.
Kung Hindi lang para sa bagong kotse na ibibigay ng step-father ko, edi sana hindi na ko nagabala pang pumasok at magaral.Hindi naman sa tamad ako pero sige sabihin na nating tamad ako eh Hindi ko naman mapapakain si X at si Y sa magiging pamilya ko.
Okay balikan natin ang harina girls-- este papasok na pala ako sa magiging dorm ko, oo tama kayo pinalayas nako ng magaling kong ina Hindi joke lang mehel eke neng ekeng ene sadyang hindi na talaga kami kasya dun anak kase ng anak.
Tiningnan ko muna kung ito nga ang room 155 nakita ko naman na bukas na kaya Hindi ko na sususian, pagbukas ko nagulat ako sa nakita ko tatlong lalake na walang pang-itaas lahat din sila nagulat sakin.
"What the hell ?!" Tanong ng isang lalake.
"Huh ?" Tiningnan ko kung tama ba ako ng dorm keyroom number ko.
"155, tama naman ah ?" bulong ko.
"Miss mali ka ata ng napasukan ?" Tanong sakin ng isang mala-anghel na lalake.
"155 to diba?" Kunyare mataray.
Tumayo Yung isang lalakeng may pinakamalaking biceps, infairness gwapo siya lahat naman sila eh tapos may abs pa-- teka kelan pa ko naging manyak?
"Hey you fat nerd this is boy's dorm you idiot." Sabi nya sabay sarado ay hindi pala sabay balibag ng pinto sa mukha ko.
"Hey you fat nerd this is boy's dorm you idiot" sabi ko with matching make face.
Pero naalala ko, boy's dorm...?
Tumingin ako sa paligid ko."Ay mali pala ko, kaya pala puro kulay blue dito hehe."sabi ko sabay alis dito.
Nang nahanap ko na yung girl's dorm muntik na kong masuka pink here, pink there, pink everywhere pati rin yung tubig na iniinom nila kulay pink, food color ?.
Andito nako sa tapat ng dorm room ko, sinusian ko na at pagbukas ko nagulat ako AGAIN sa nakita ko.
"Oh my" yan na lang ang masasabi ko.
_________________
A.N.
Hi po sana nagustuhan nyo po Ang unang chapter and sorry kung medyo maikli po.
Byee!