by: Christian Razonable - Tecson
Ang buhay kong masalimuot,
Kahit ngiti'y 'di maisuot.
Walang alam kundi ang lungkot,
Ang buhay kong napakakulot.
Ngunit aking Inay at Itay,
Ang sabi'y buhay ay makulay.
Mga problema'y parang tulay,
Upang sa buhay magtagumpay.
Ating buhay ay parang gulong,
Patuloy itong gumugulong.
Ito ay malakas na bulong,
At para 'bagang umuugong.
Ngunit ang buhay ay masaya,
Salamat, ito ay nadama.
Inay at Itay ang kasama.
Buhay ay naintindihan na.
BINABASA MO ANG
ANG AKING BUHAY
PoetryAng tulang ito ay nagpapatungkol sa isang buhay ng tao na kahit anumang problema at unos na darating sa buhay ay malalagpasan din. Talagang ating mga magulang ang nagpaintindi sa atin kung ano talaga ang buhay.