Just For a Moment (One Shot Story)
Genre: Romance, Teen Fiction, Short Story
This is a work of Fiction, Name, Characters, Businesses, Places, Events, Incidents and anything related to the world of K-pop is either products of the Authors imagination and any reflection to anything that happened in reality is just Coincidential.
All Rights Reserved 2013
© Copyright 2013 by JustBeautiful Stories
Story Published: 10-/-16-/-13
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
"Ano ba talagang gusto mong mangyare? Ha?!" Sabi niya sabay bagsak ng pinto. Napaiyak nalang ako sa inasal niya. Lagi nalang kaming ganito. Kung sa iba siguro nangyari to magsasawa na sila, pero iba ako eh. Mahal ko siya. Sobra
"Great Actor, JP Gonzales, Dinumog na naman ng mga fans" Lagi nalang siya ang nakikita, sa tv, sa dyaryo kahit sa mga online sites na pinupuntahan ko. Siya nalang lagi ang laman.
"JP!" Sigaw ko sabay takbo papuntang pinto. Namiss ko siya. Balak ko ding magsorry dahil sa away namin kagabe.
"A-ate Kath?" Imbis na si JP ang nakita ko eh ang manager niya ang bumungad saken sa pinto.
"Pinapasabi ni JP na hindi daw muna siya makakauwi ngayon. Mey shooting kase siya. Dun sa bago niyang movie? Alam mo naman yun diba?" Puno ng pagaalala ang boses ni Ate Kath. Alam kong alam niya ang nangyayare samin ngayon.
"Opo"
"Mag-commute ka nalang daw bukas papasok. Wala kasi yung driver niyo eh. Nagkasaket ang mga anak niya. Hindi makakapasok. Gusto mo ihatid nalang kita? On the way naman eh." Umiling nalang ako key Ate Kath at nagtungo sa kwarto ko. Galit siya saken, galit na galet siguro siya saken. Tuwing mey shooting naman kase siya, siya mismo ang pupunta dito para magpa-alam eh. Pero ngayon si Ate Kath ang pinapunta niya.
Paggising ko. 4:30 am palang. Ang aga kong gumiseng no? Kailangan ko kase talaga gumising ng maaga eh. Kailangan hindi ako abutan ng liwanag dito. Baka may makakita pa saken. Issue to, pwede ding masira ang career ni JP dito.
Kinuha ko na ang bike ko at dun nalang sa back door dumaan. Mey shortcut kase dito papuntang school. Second Year Collage na ko. Hotel and Restaurant Management lang ang course ko. Dapat Culinary Arts eh kaso hindi naman kaya ng pera ko.
"Dhan ang pogi pogi ni JP no?" Tanong saken ng mga kaklase ko. Tumango nalang ako at dumiretso sa upuan ko. Hindi ako masyadong nakikipag-close sa mga kaklase ko. Baka madulas lang ako at may masabe akong tungkol samen ni JP.
Nagsimula ang klase ng wala ako sa katinuan. Nagugulat nalang ako ng tatawagin ako ng mga professors ko at itatanong kung mey naiintindihan daw ba ako sa discussion. Tumatango nalang ako bilang sagot. Yung iba nga pina-explain pa saken eh. Alam ko na naman yang mga tinuturo nila. Naga-advance study kase ako sa bahay kapag wala akong JP Gonzales na maaasar. Eh lagi naman siyang wala kaya ayun nilulunod ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa.
Nung pauwi na ako. Muntikan na akong mabangga ng truck. Bute nalang nakapag-preno siya kunde panigurado katabi ko na si Lord ngayon.
"Ano na naman bang pumasok sa isip mo at binalak mong magpakamatay ha?" Nabuhayan ako ng makita ko si JP sa pinto ng bahay. Kaso lang mukang galit na galit siya. Teka hindi ko naman binalak na magpakamatay ah?
"Hindi kaya!" Dapat maging masaya ako ngayon kase nandito na siya eh. Tapos mukang alalang-alala pa siya saken kaso nga lang sasagap nalang siya ng balita mali mali pa.
BINABASA MO ANG
Just For a Moment (Oneshot)
RomantikAnd then it happened. Just for a moment, he died. Right by my side </3