Chapter CLXRXNCX

37 1 1
                                    

Matagal na akong may gusto sa'yo. In fact, four years na. Pero hindi pa rin ako umaamin. Graduating na tayo this year. Malapit na. Isang buwan nalang hinihintay natin. Actually wala na nga tayong masiyadong ginagawa sa school. Parehas tayong magtatapos sa kursong med tech. Magkaklase din tayo sa ultimong bawat subject na pinapasukan natin. Walang palya. Para bang nananadya yung tadhana.

Hanggang sa dumating yung pagkakataon.

"Christopher!"

Tawag mo sa akin. Naglalakad ako sa campus nun pauwi na. Agad naman akong lumingon. Kabisado ko na kasi yung boses mo. Yung malalim mong boses na araw araw na nakapagpapasaya sa akin tuwing naririnig ko.

"Oh, bakit Clarence?"

Tugon ko naman sabay ngiti. Napansin ko na naman iyong lalagukan mong prominenteng prominente. Pero agad kong binawi iyong mga tingin ko kasi baka mahalata mo.

"Sabay tayo uwi?"

Tanong mo sa akin habang nakangiti. Nagulat naman ako sa sinabi mo. Bakit? Anong dahilan? Mga tanong na bumabagabag sa kalooban ko.

"Sige ba. Ayos lang."

Agad ko namang sagot kahit medyo naguguluhan pa ako, kahit di ko pa tiyak yung intensyon mo.

Naglalakad tayo ng tahimik. Walking distance lang kasi yung dorm ko. Ewan ko lang sa'yo kung sasakay ka na ba doon sa kanto bago ako tumawid.

Pero hindi. Hindi ka sumakay doon.

Nagulat na lamang ako nung pareho tayong nahinto sa tapat ng apartment kung saan naroroon yung dorm ko.

"Dito ka rin pala..."

Sabi ko sabay tingin sa'yo para masilayan ko ulit yung mukha mong hindi nakakasawa tingnan.

"Oo. Nagulat ka ba? Sorry, di ko nasabi sa'yo ha. Actually, magkatabi lang yung room natin. Nalaman ko lang noong isang gabi habang nakatayo ako sa terrace tapos nakita kitang naglalakad sa corridor na lasing kaya siguro di mo ko napansin at agad na pumasok sa kwarto mo."

Malumanay naman niyang sabi.

"Hindi. Ayos lang. Wala kang dapat ihingi ng tawad."

Sabi ko naman. Ngunit ngiti lang ang itinugon niya. Saka biglang bumibils yung tibok ng puso ko. At naging abnormal yung mga pagpintig ng pulso ko.

Umakyat na tayo nun at pumasok sa kaniya kaniya nating kwarto. Pero bago mo isara iyong pintuan mo.

"Sabay ulit tayo bukas ha."

Sabi mo sabay pakawala ng isang ngiti. Ako naman 'tong parang tangang namumula na parang kamatis na tumugon.

"Sige ba. Walang problema."

Kinabukasan, hindi lang pala tayo magkakasabay sa paguwi. Pati rin pala sa pagpasok.

Habang naglalakad papuntang university, tumingin ka sa akin, habang ako naman, nakayuko lang at diretso ang tingin sa dinadaanan.

"Chris."

Tawag mo sa akin. Kaya naman lumingon ko. Kaso paglingon ko, hindi ko mapigilang hindi mamula. Kaya naman agad kong ibinalik yung mga tingin ko sa aking dinadaanan.

"B-bakit?"

Medyo pautal ko pang tanong.

"Ang weird ko ba?"

Tanong mo naman.

"Hindi naman."

Matipid kong sagot. Bukod sa kinakabahan ako, pinagpapawisan pa ako ng malamig. Tapos natatakot pa akong baka mautal ulit ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mind Reader (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon