Why, bakit, apay?

14 0 0
                                    

Sa tuwing lilimusan nakikita ang halaga ng pera, sa puntong hushusgaan ang nanlilimos. Kapag nasa kapehan na may air-con ay walang kaabog-abog na magaabot ng mahigit 100 piso para lang sa Kapeng nablender. Nakapagtataka lang, why, bakit, apay?

Kapag may sasakay sa dyip, matumal na umusog paharap ang mga taong nakaupo na. Uusog palikod, ayaw paupuhin agad ang bagong sakay. Nakapagtataka lang, why, bakit, apay? 

Maski hilaw pa ng konti ang fishball ay tutuhugin na agad kapag maraming kasamang tao sa fishbolan. Kapag-magisa hinihintay na maluto ng mabuti, minsan tostado pa. Nakapagtataka lang, why, bakit, apay?

Ang mga sanggol kumakain lang kapag gutom. Ang matatanda kumakain maski busog, sabay reklamo kung bakit tumataba. Nakapagtataka lang, why, bakit, apay?

Iibig, masaksaktan, babangon, rinse and repeat the vicious cycle. Nakapagtataka lang, why, bakit, apay? 

Pwede bang maunang bumangon kung di naman tumihaya muna ? Oh yeh, nganaman, sugayam!!!

-Nagmamahal Shameless Wall of Text

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Why, bakit, apay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon