Panu manLIGAW?

69 0 0
                                    

"Ty..psst..ty..." habang kinakalbit sya.

"O, bakit?" sya na busy sa pagbabasa ng book.

"Wala ka bang balak mag-GF?"

"bakit mag-aapply ka?"

"Eh? A-S-A"

"e di ka naman pala mag-aapply e bat mo tinatanong?"

"Akala ko kasi BADING ka e.HAHA!"

"E kung halikan kaya kita para malaman mo kung bading ba talaga ako o hindi?"

"Sapak you want?" sabay lapit ng naka clench fist na kamay ko sa mukha nya

"Eto naman di mabiro."

"Pero pag may nagustuhan ka na,tutulungan kitang manligaw ah. Promise yan." Naka-peks man sign pa ako habang nakaharap sa kanya. Nabobored na kasi ako sa life ko Zero lovelife. Walang excitement kaya mang-gugulo na lang ako sa Lovelife nya. Bwahahaha!

"Ayoko nga!"

"Abay! Bakit? Ang damot mo naman."

"ah basta ayoko."

Yan ang conversation namin ng BFF ko last year. As in BESTFRIEND ko lang talaga sya dat time kaso tila mapaglaro ang tadhana nagising na lang ako isang araw gusto ko na pala sya. Si Tyler . Nakakainis. Bakit ko ba kasi sinabi pa sa kanya yun? Napasubo tuloy ako. Hayyyyy.. Malay ko bang papatusin nya yung pangako ko na yun.

Nandito ako ngayon sa tapat ng locker ko. Ipinapasok ang mga books na di ko na gagamitin for to day. Biglang sumulpot ang kumag.

"Yanie.. Anu bang magandang i-regalo sa mga babae?"

Nanlaki ang mga singkit kong mga mata.

"OhmyYie! Dont tell me you like someone na ah?"

"If i say YES will you help me?" naku kung last year nya yan sinabi sa akin i am more than willing to help him at baka nagtatalon pa ako sa tuwa at niyakap sya. Kaso...kaso ngayon nagdadalawang isip na ako kung tutulungan ko pa ba sya. Hay! Hirap talagang magmahal ng kaibigan. Torn between two ships---FRIENDship and Romantic RELATIONship. Pero anung magagawa ko? He's asking my help as his friend not the latter one. kaya..

"Of course. Why wouldn't i?" nag fake smile na lang ako para maitago ko ang lungkot na dulot ng request nya.

"You're the best talaga Yanie!"

"so who is the unlucky girl?" para masabunutan ko. Hehehe..joke only.

"Ah basta mabait yun. Matalino. Maganda at Mahal na mahal ko." Sabay tingin sa akin.

OUCH to the infinite power yung last na sinabi nya ah. Kutongan kita e.

"Tinatanong ko kung sino. Hindi ko sinabing idescribe mo." Tignan mo to ang labo ka-usap naku ewan ko ba bat minahal ko to?

"Makikilala mo din sya sa araw na tatanungin ko na sya if pwede maging GF ko na sya."

"Tss.. may pasuspense pang nalalaman eh."

"Basta tutulungan mo na ako ah. So anu ang mga dapat kong gawin pag manliligaw ako gyftfyrrda" di ko narinig yung huling sinabi nya panu pabulong kasi.

"kumuha ka ng pen at papel dali. Para maisulat mo."

Imbis na maglabas ng papel at ballpen dinukot nya sa bulsa ng pantalon nya ang kanyang iPad.

"Ang sabi ko pen and paper di iPad. Simpleng instruction di makasunod."inirapan ko nga.

"E sa wala ako nun e. Techy ako kaya pede na to."

"Kdot. So eto na nga makinig ka."

Tinulungan ko nga sya panliligaw.Dinictate ko sa kanya ang mga dapat nyang gawin at ibigay sa babaeng nililigawan nya. Grabe torture ito ah. Kung ako sana yung liligawan nya e di ayos sana di ba? Kaso HINDI.

"1. Dapat bigyan mo sya ng flowers, balloons or stuffed toys and chocolates. Yung flower pede na yung Red Rose w/c means Love pero mas maganda kung yung paborito nyang bulaklak. Ityendes?"

"Di ba tulips paborito mong flower?"

"Ou. Bakit bibigyan mo ko?"

"In you're dreams."

"Epalogs ka talaga."

"Anu ba yan mauubos ang allowance ko nito."

"well ginusto mo yan kaya tiis landi ka ngayon. Sige lets continue. 2nd Serenade her. Gusto ng mga girls ng kinakantahan sila. Shocks! Nekekekeleg keye yen." Sabi ko sabay hawak sa pisngi ko at kinikilig pa. Ako na po, ako na talaga maharot.

"Kung maka-gigle ka naman jan parang kinukuryente sa silya elektrika."

"E kung di kaya kita tulungan jan."

"Aray! Nakakarami ka na ah."binatukan ko nga. Epal e.

" Lakas mo mambasag trip. 3rd na tayo. Padalhan mo ng loveletterS. "

"LoveletterS. w/ S? Ang dami naman nun? Di ba pedeng LOVELETTER lang?"

"Ang sabi nga "more entries the more chances of winning. Gets? Basta pag may manliligaw sa akin gusto ko madaming loveletter na ibibigay sa akin." Sinigaw ko yung huling sentence.

"Bat kailangan sumigaw?"

"Malay mo may balak na manligaw sa akin sa tabi-tabi. Para malaman nya na yun ang gusto ko.HIHI." nasa study area kasi kami ngayon.

"Tss. Asa ka namang may manliligaw sayo." I just ignore him na lang masyadong nega e.

"Hoy FYI MS. ACCOUNTANCY to! Kaya maganda to." Kita mo to walang bilib sa ganda ko?

"Dont brag about it.I know that already."

"ikaw e. You should not under estimate my beauty. Haha. Ok 4th na tayo. Ihatid sundo mo sya. Super dagdag pogi points yun pwomiz!"

"Hay. Magmumukha pa akong driver nung nililigawan ko."

"Ang dami mong arte boi! Pursigido ka ba talagang manligaw o sinasayang mo lang ang oras ko sa pagbibigay ng advice sayo??"

"I'm serious with this Yanie kaya nga liligawan ko e. Mahal ko talaga yun." Tinignan ako mata sa mata. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Grabe lang parang aatakihin ako sa puso. Agad kong iniwas yung tingin ko at nagpatuloy sa last tip.

"Ou na mahal mo na paulit-ulit?"nasasaktan na nga yung tao e. Manhid.

"ok sa last Tip na tayo. Surprise her. We girls love surprises. Pag tatanungin mo na sya para sa matamis nyang "OO" dapat bongga ang pakulo mo para pag kayo na di nya makakalimutan yung araw na sinagot mo sya. That's all thank you."

"Yun na yun? Ang dami naman. Pero gagawin ko na rin. Thanks Yanie." At niyakap po nya ako. Kyaaaaaaaaaaahhh.. pede nyo na po akong kunin Lord. Hehe JOKE lang po.

BestFriend ♥♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon