•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Kung ako ang tatanungin nyo, hindi ko din talaga alam ang true love dahil hindi pa ito nangyayri sa akin, pero dahil na rin sa akin pinag dadaanan, para sa akin ang true love ay totoong pag mamahal. Nakakatawa dahil parang itinagalog ko lang ito pero hindi.
Walang kahit na sinong tao ang makakapag pahiwatig kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng true love, dahil ang love ay basta basta nalang dumadating. Hindi mo ito mamalayan, para bang tumalikod ka lang saglit at pag lingon mo eh naririyan na sya.
Para sa akin, ang true love ay isang salita lamang, dahil magkaiba ang salita sa nararamdaman. Ang pag tibok ng puso natin sa isang tao ay maraming tawag. Katulad na lamang ng mga salitang paghanga, gusto, tipo at marami pang iba.
Walang sinong tao ang makakapag sabi kung ano ang true love, kahit ako eh hindi ko alam kung paano ito sasagutin dahil hindi pa ako naiinlove at hanggang crush lang ako. Hanggang DAYDREAM!
Madami na akong nakita at nakilalang mga lalaki sa paligid ko at marami na rin akong natipuhan sa kanila, pero hindi ibig sabihin non ay true love na yun, dahil imposibleng magkaroon ako ng madaming boyfriend.
Hindi mo talaga masasabing true love na kapag naging kayo na ng lalaking minamahal mo, dahil hindi mo masasabing sya na yung taong mag manahal sayo habang buhay. Hindi mo masasabing kayo na hanggang huli dahil wala naman talagang true love, dahil ito ay salita lamang. Pero ang love, totoo yan. Dahil ang love nararamdaman mo sa nanay mo, sa tatay mo, sa kapatid mo, sa lola, lolo, tita, tito, pinsan, bayaw at kung sino pa yang kapamilya mo. O kaya sa isang taong, HINDI MO NAPAPANSIN!
Ano ba talaga ang true love?
Siguro ang maiisagot ko sa tanong na iyan ay... Ang true love, hindi totoo yan. Dahil wala naman talagang true love. Kahit anong tanong mo kay "gugle" [google] ay hindi yan masasagot. Kahit si kuya Kim ay walang maiisagot na tamang tama dito.
Kasi, "true love is just a word"
Pero ang love, totoo yan. Dahil kahit sino ay makakasagot nyan. Kahit sinong tao ay maisasagot dyan. Dahil ang love ay nasa paligid lang natin. Sabi nga sa kanta, 'kahit sino ka man may nag mamahal sayo' dahil lahat ng tao ay nag mamahal. Lahat ng tao ay may minamahal.
Bakit ko ito nasabi? Simple lang, dahil hindi pa tayo naipapanganak may nag mamahal na sa atin. At sila ang mga magulang natin. Ang mga magulang natin na walang hanggan ang pag mamahal at pag suporta sa atin. Lagi sila nag tatrabaho kahit alam nilang wala na silang oras para sa atin. Lagi silang nag sasakripisyo para sa ating kinabukasan. Lagi silang nasa tabi natin kapag alam nilang malapit na tayong sumuko. Lagi silang lumalaban lalo na kapag hindi na natin kayang tumayo sa mga sarili nating paa.
Maraming nag mamahal sa atin. Mga kapamiya natin, kaibigan, mga kaklse! Kahit na nag kaka away away kayo lagi parin kayong nag kakabati. Pero bakit? Dahil alam nyo na kahit papaano eh minahal nyo ang isa't-isa.
At dahil dito, maupapaliwanag ang totoong ibig sabihin ng true love. Dahil ang true love ay salita lamang. Oo salita. Isang salita. Salitang nag bibigay lakas ligaya at tapang para sa ating lahat. Salita na nag bibigay inspirasyon sa atin. Salitang nag papatatag sa atin. Salitang nag bibigay buhay sa atin.
Dahil ang true love ay salita lamang. Isang salitang kayang baguhin ang lahat.
__________________________________________
A/N: Guys okay lang ba yung twist na nilagay ko? Or medyo magulo??
Please Vote, Comment,.........Follow!!!
😝😋😝😋😝😋😝
BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Ang True Love?
RandomSabi nila, the heart never lies it beats for the person you truly love. Ibig sabihin ba non kapag tumibok ang puso mo sa isang tao true love na kaagad yun? Kapag na starstruck ka sa isang tao true love na yun? Kapag nag slow motion ang paligid, true...