Time of writing it: 10:19 pm -friday- october 11, 2013
Time of typing it: 9:48 pm -sunday- october 13, 2013
Posting of it: 2:35 pm -wednesday- october 16,2013
okay... narawriters block na naman ako XD. Actually wala pa akong balak na magsulat nito kaso ewan, kaya nga ganyan ang panimula eh,
katatapos ko lang kasing magsulat ng isa sa mga ginagawa kong story na "7 things" (nagpromote) kaya medyo block pa ang utak ko para
magsulat dito pero.. datapwat-subalit hindi naman ako dalawin ng aking antok kasi iniinsomia na naman ako kaya forcing ang pagsusulat ko nito... choss!
hindi joke lang! pagdating kaya kay "JUNG YONG HWA" inspayrd ako (inspired) kaya nga nagsusulat na ako dito kidding lang yung kanina. Inabot lang ng
ilang weeks ako ng di pagtutuloy nito kasi... *insert drum roll*
.
.
.
.
.
.
TINAMAD AKO!! hahahahaha XD, pero eto na.... itutuloy ko na.
"JUNG YONG HWA"
Born: korea (seoul) June 22,1989
Height: 180 cm
Weight: 63 kg
Blood type: A
Other description pa? eh di iwikipidia nyo na! mahirap magtype eh, tamaders nga kasi ako!... taka kayo kung bakit yan ang panimula ko sa kanya noh?
well... gusto ko lang kasing ipaalam sa inyo ang ibang info about him na kinuha ko lang din sa wikipidia XD, pero eto di ito galing sa wikipida or kung saan mang
'what so ever' kasi galing ito sa ikabuturan nang aking mind na naggaling pa muna sa aking heart na gusto kong ishare sa inyo.... kung bakit ko l-o-v-e si "JUNG YONG HWA"!!!
San ko nga ba sya unang napanuod?
Sa pagkakaalala ko, una ko syang napanuod sa "Heartstring" sa local TV program ipinalabas, hindi ko lang sya napanuod ng maayos nung first airing kasi
nagpunta kami ng hospital ng mama ko. And after ng incident na yun di ko na inisip na panuorin yun ulet kasi di ko naumpisahan ng maayos. Back to school
ang time nun after sembreak kasi.... basta mga january 2012 yun.
Months past at inisnob ko parin ang "Heartstring" nalaman ko na nga lang bigla na magtatapos na yun at sa mga classmate ko pa yun nalaman, kaya nung last airing
nitry ko yung panuorin kaso... ang masaklap di ko nagawa :(. Pero cheer-up ako kasi may cd nga pala kami nun! isa't-kalhating shunga din ako eh >.< nastock na
nga yung cd na yun samin dahil di pinapanuod, nauna pa nga yung dumating sa bahay namin kesa ipalabas yun sa TV. Pero kahit naisip ko na meron nga pala
kaming cd nun di ko pa rin pinanuod, isa't-kalhating shunga nga di ba? nyehehehehe
Dumating ang summer at tambay ang peg ko samin. Ang schedule ko tuwing umaga is manunuod ng myx and after nun do some other stuff na. And speaking of myx
dun na naman nagcross ang landas namin ni Yong Hwa ko XD. Ang bopols ko talaga nakakainis!!! pano ba naman kasi nasa top 10 pala nung time na yun ang kanta
nilang "Hey You" pero di ko pinansin, masama man para isulat ito pero nung una ayoko sa kanila (kunyare di nyo nabasa) kasi di ko maintindihan ang kanta
at tsaka di pa ako 'absolutely' makaK-pop star or BOICE fan hehehehe pero FYI nung una lang yun! kasi habang tumatagal, nagugustuhan ko na ang kanta nilang yun.
At sumunod pa ang "Intuition" na kanta din ng CNBLUE and there it goes na tuwang-tuwa ako dun lalo na sa "LOVE GIRL" nila (yun talaga ang pinakapaborito ko),
ang masaklap lang yun na ang huling mtv nila na napanuod ko sa myx kasi back to school na ulet ako. No worries pa ako ng mga time na yun na 'pano ako
manunuod ng mga mtv nila' kasi "Belieber" pa ako ng mga panahon na yun kaya yun lang ang piniproblema ko kung pano ko papanuorin, kaya wala pang
"JUNG YONG HWA" or "CNBLUE" sa life ko XD.
Teka, wait lang ha..
.
.
.
.
sandali lang
.
.
. SHETE!!!!
Okay. Suko na ko!di ko mahanap sa isipan ko yung time na nagsimula ako magbasa nang "Wattpad". Anong conect ng wattpad dito?, malalaman nyo.
Soooo dahil sa hindi ko maalala ang araw or kahit man lang month ng mga panahong nagsimula akong magbasa ng wattpad, ang gagawin ko na lang is pano ko yun
nalaman and the connectment of that thing is doon ko simulang nalaman si "JUNG YONG HWA"!!
BINABASA MO ANG
I love him..;) *^_____^*
Short StorySimple/trip ko lang na gawin, yan kasi bigla ang pumasok sa isipan ko . Hope matripan nyo din basahin kahit maiksi ;)