Angklet

19 1 0
                                    

Hindi ko alam kung pano ko sisimulan yung story ko. Pero tungkol toh sa mag bestfriend.

Siya si Emily ako naman si Jio, magkababata kami magkaibigan yung family namin. Lagi ako nasa bahay nila noon inaalagaan namin yung aso niya si Tobi. Isang araw nagfamily outing kami kasama sila, naiwan kami ni Emily sa cottage
Jio: emily! Gusto ko ikaw magiging girlfriend ko paglaki natin ha.
Emily: ayoko nga! Bakla ka eh
Jio: hindi kaya! Basta gusto ko ikaw girlfriend ko

Makalipas ang isang buwan, nalaman ko nalang na lumipat na ng bahay sila Emily. Sobra akong nalungkot noon pero may binigay sakin si mama
Mama: anak, pinabibigay ng Emily. Isuot mo daw yan para pagnamimiss mo siya pagsuot mo daw yan parang magkasama parin kayo.
Jio: (naluha ako) thanks po mama

Lumipas ang sampung taon, graduate na ko ng high school yehey!!!! May girlfriend ako! Si Lorize, siya first ko since 2nd year high school. 2 years kami noon sabi nila di daw kami mapaghihiwalay hahaha kaso nagkamali sila.
Russel: pre! Break na ba kayo ni Lorize?
Jio: ha?! Hindi pa
Russel: nakita ko kasi siya sa may park may kasama
Agad agad akong pumunta sa park at totoo nga ang sinabe ng tropa ko. Sobra akong nasaktan nung nakita ko yun. Kaya nagkasakitan kami nung lalaki.
Pero nanatili kaming magkaibigan ni Lorize :))

1st day of my college life! Woohoo! Single ako :)) madaming magaganda hahahaha! Lumipas ang panahon nakilala ako sa school namin bilang gentleman at skater. Hindi naman sa pagmamayabang pero dean's lister ako :)) inaasar nga nila ako kasi ang yaman ko na daw pero tinanggap ko pa yung scholarship. Hahaha! Sayang naman diba? Nagkaroon ako ng Crush si Anne, super mahinhin, tahimik, matalino tsaka maganda. Liligawan ko na sana kaso naunahan ako kaya ayun! Broken haha!

Second sem na, di ko expect na magiging blockmate ko si Anne friends kami. Haha! Bitter at the same time. Accounting! First subject introduce yourself daw sabi ng prof.
Jio: hi my name is Jio Maverick J. De vera i love skating and i also collect Vans
Then after ng 12 na students may nagpakilala
Girl: hi guys, my name is Laureen Emily B. Santos, i skate and i love to dress up

Huminto yung mundo ko nung narinig ko yung pangalan na Laureen Emily. Siya nga! Siya yung kababata ko na pinangakuan ko ng magiging girlfriend ko. Tumingin ako sa likod at nakita ko siya, ibang iba na siya sobrang ganda maliit parin hahaha :)) sumigla ako noon sobra! Tropa siya ng tropa ko, pinakilala siya sakin after ng class namin.
Harry: Ji! Tara pakilala kita kay Laureen
jio: ha?! Ay sige sige (kinakabahan ako, di ko alam kung makikilala pa niya ako)
Harry: em! Si Jio tropa ko
Emily: hiiii jio!
Jio: hi Emily :)
Huminto yung oras nung hawak ko yung kamay niya. Sobra akong pinagpapawisan nung oras na yun sobrang saya ko kasi nakita ko ulit yung gelpren ko HAHAHA!

Naging magkaibigan naman kami ni Emily. Pinakilala ko siya sa family ko naalala na niya ako! Pinakilala din niya ko sa family niya ayun! Bestfriends ulit kami :) walking distance lang yung bahay nila sa amin kaya pagpupunta ako sa kanila naglalakad nalang ako.
Emily: jio! Skate tayo. Sunduin mo ko
Jio: sige Em! Wait mo ko
Sinundo ko siya, dala ko sasakyan ko Black siya and two seater lang.
Emily: hoy Jio! Pagawa ka nga ng plate number na EMILY pleeeeeaaassseeee?
Jio: opo opo
Ayun! Plate number sa likod ng sasakyan ko eh EMILY hahaha! Siya ata may ari ng sasakyan ko eh.

Araw araw kami umaalis araw araw kami magkasama, nagustuhan ko siya. Pero hindi ko niligawan kasi sabi ng papa ko ligawan ko oang daw yung babaeng mahal ko hindi yung gusto ko. Tumagal yung feelings ko sakanya, minahal ko na bestfriend ko.


2nd year college na kami!!! :)))) Malungkot ako kasi dalawang subject ko lang makikita s Emily kasi naging irregular student ako. Pero hatid sundo ko siya nun :)) Isang araw sa lugar kung saan kami nagsskate sinabe sakin ng tropa ko na. Sila na ni Emily, gumuho nanaman mundo ko ng malaman ko yun :"( kung kelan ko siya liligawan dun naman naging sila. Nasabi ko nalang sa tropa ko ingatan at wag niya paiyakin si Emily.


Pauwe na kami galing school. Girl talk sila Emily tsaka mga tropa niya. Alam kong ayaw ipaalam sakin ni Emily na hiwalay na sila ni Eric kaso hindi sinasadya ng kaibigan ni Emily na nasabi niya yun sa bus at kasama pa ako. Napatingin ako kay Emily noon, nasaktan ako kasi hindi niya sa akin sinabe agad. Nagbingibingihan nalang ako sa mga naririnig ko. Pero lumakas loob ko nun kasi may chance na ako na ligawan siya. Natotorpe talaga ako pag nanjan siya sa harap ko :( kaya di ko masabi na. Gusto ko siyang ligawan na mahal ko siya. Hanggang bestfriends na lang nga ba kami? Wag naman sana.


Mage-end nanaman ang first sem di ko parin nasasabi </3 hahaha! Isang araw tapos na yung final exam namin pumunta kami sa mall kasama mga kaibigan niya :) this time dalawa na kaming lalaki. Nasa kabilang table ako kasama ko si Cris at si Angel
Angel: jio! May gusto ka ba kay Emily?
Jio: haha! Gusto? Wala ah. Mahal oo :)
Angel: weeee?! Bakit di mo siya ligawan? Eh may pag-asa ka naman siguro
Jio: di ko alam eh. Natotorpe kasi ako sa kanya eh
Cris: pre! Iwas iwasan mo yang katorpehan mo. Sa gwapo mong yan isa palang girlfriend mo? Bakla ka ata eh
Jio: eh kung sapakin kita ngayon? Hindi kasi ako tulad ng ibang lalaki na maging crush lang liligawan na. Liligawan ko lang yung babae pagmahal ko na gets?
Angel: onga Cris! Tama siya! Feeling gwapo ka kasi eh
Jio: yaan mo Gel liligawan ko din si Emily :)) tulungan mo ko ha. Gusto ko kasi pagnagstar city tayo :))
Angel: ay bet! Sige tutulungan kita :))




Star city day na namin! Haha! Do or die for me! Hahaha! Aamin na ko kay Emily :)) kinakabahan ako :( gusto kong umatras seryoso. ....... Habang kumakain kami sa Star city, tumayo ako at sumigaw "Guys! Guys! Gusto ko po sanang makinig kayo sakin. Kung gusto niyo lang po, may sasabihin po kasi ako"
Emily; hoy Jio! Umupo ka nakakahiya ka
Angel: hayaan mo siya Em!
Jio: uhmmm gusto ko po sana ipaalam sainyo na may gusto ko ako ngayong babae. Mahal na mahal ko po siya. Pangalan niyo po ay Emily.
Emily; hoy! Ano nanamang kalokohan yan? Umupo kanna!
Jio: emily! Nagtataka ka kanina kung bakit naka-White akong shirt diba?
Emily: oo
Jio: nagpuputi lang naman ako pag-skate day natin. Pero etong white shirt na toh yung regalo mo sa akin. Isusulat mo dito kung papayagan mo kong ligawan ka or hindi gusto ko may date :))
Madlang people: Yiiiiiiiieeeeee ang sweet :"""> kaiingit!
(Kinakabahan ako sa isusulat niya, di ko alam kung ano magiging reaksyon niya eh)
Pero pagtingin ko sa damit ko! OO nilagay niya as in OO!:""">


Matapos ang araw na yun, sinagot na niya ko. At naging kami! Sobrang saya ko kasi yung kababata ko na pinangakuan kong magiging gelpren ko eh naging Girlfriend ko nga! At eto pa , pinakita niya sa akin yung angklet! Nagulat ako kasi pati siya meron :)) hindi daw niya tinanggal yun kasi alam niyang magkikita pa kami. Suot ko din yung angklet na binigay niya, sabay naming tinanggal yun at bumili kami ng bago :"""> promise namin na hanggat suot namin yung angklet namin hindi kami maghihiwalay.



Magtwo-two years na kami!!!!
4th year college na din kami! Onti nalang gagraduate na :)))) sa 2 years na yun hindi pa kami nag-away :)) kasi may rule kaming dalawa
"SABIHAN NG SECRET AT NG MALING NAGAWA AT INTINDIHIN ANG ISA'T ISA" sobrang inlove parin ako sakanya :""""> para kaming baliw pagmagkasama kasi asaran dito! Paluan doon :""> hindi kami perfect couple pero mahal namin isa't isa :"">
May surprise ako sakanya sa espesyal day na toh!!!! Kasabwat ko ata lahat ng staff namin sa school ang gagawin lang nila batiin si Emily ng happy anniversary :)) kasabwat ko din yung prof namin haha! Isa isang pumasok sa room namin yung mga staff ng school namin at may dalang mga box. Mga 7 na box kasi 8 number namin :)) pang-8 ako :))) pinatayo ng prof ko si Emily at buksan niya isa isa yung box bawat laman ng box eh mga gift ko sakanya. Except lang yung akin :""">
Emily: oh? Bat walang laman yang box mo? Bakit heart lang?
Jio: kasi yang heart na yan puso ko yan. Ikaw lang nagmamay ari niyan :""> nasayo yung susi niyan! Hahahaha!
emily: eh saktong 8 lang yung susi na binigay sakin eh
Jio: ayyyy bahala ka. Buksan mo yan
Emily: hmmmmm ....
(Kiniss niya ako, eh yun lang naman gusto kong gift niya eh) hahahaha! Ang sweet ko talaga.
Jio: YUNOHH! ISA PA NGA! Mga 8 na beses. HAHAHA JOKE LANG
It's official 2 years na kami!!! And suot parin namin yung angklet namin :))) kumain kami sa Eat all you can na resto kasama namin friends niya :)) syempre treat namin dalawa :""">





Masasabi ko na ngang si Emily na talaga yung babaeng papakasalan ko :""> siya na talaga! Siya lang maganda sa paningin ko. Lalo na pagngingiti siya :)) pareho kaming skater :)) mahilig kami sa Photography :"""> siya na talaga yung babaeng para sa akin :"">.
Ako si JIO MAVERICK J. DE VERA at siya si LAUREEN EMILY S. DE VERA :""> at masasabi naming dalawa na WAGAS ang pagmamahalan namin
"ANG PAGMAMAHALAN NAMI AY PARANG ANGKLET, NAKATALI SA MGA PAA NAMIN. KUNG SAAN MAN KAMI DALHIN MAGKASAMA PARIN"
-EMILY

"MALAS MAN AKO SA IBA, SWERTE PARIN AKO SAKANYA"
-JIO

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AngkletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon