Chapter 19

1.4K 25 10
                                    

Actually dapat nung sunday pa talaga ako dapat magu-update dahil sembreak na namin kaso lang hindi po talaga ako makasingit sa laptop dahil gamit po ng ate ko ito dahil sa thesis niya. Alam niyo naman po sigurong mahirap gumawa nun diba? Kaya sana maintindihan niyo na ngayon lang ako nakapag-ud. Anyway enough of this. Enjoooooy! :)

======================================================================

Chapter 19:

 

Julia's POV

Andito kami ngayon sa Las Vegas, ang 2nd destination ng Princess And I Royal Tour. Nasa VIP kami nakaupo nila Kath, Bianca, Caryl, Nica and Gaile. Remember? Kaming anim magbabarkada ang nanalo? Every destination kasi ng tour nila eh sa VIP kami nakapwesto. Syempre kami yung nanalo kaya dapat lang na dito kami sa VIP.

Anyway, kasalukuyang nagpeperform si Enrique and Julia Baretto. Di mo mapagkakaila na bagay silang dalawa. Pero for me, mas bagay talaga si Khalil and Julia. Nakakakilig kasi eh. Halata naman kasing may gusto si Khalil kay Julia. Pero I think magkakatuluyan si DJ and Julia Baretto sa Princess And I. Compare kasi sa tatlong loveteam, mas sikat at mas pinapaburan ang loveteam nilang dalawa. Kumbaga sila ang "Hottest Loveteam" sa ngayon.

Marami ngang fans ang gusto silang magkatuluyan kahit na nilinaw na nilang dalawa na hanggang trabaho lang sila, na hanggang magkaibigan lang ang relasyon nila. Pero masyadong pinipilit ng media na meron silang tinatagong relasyon. Sikat si DJ and Julia, kaya halos araw-araw na atang nasa dyaryo or magazine ang pangalan ng dalawa.

Pero sa showbiz, hindi lang media ang nanghihimasok sa buhay ng mga artista, maski ang mga fans. Lalo na sa usaping "LOVE LIFE." Gusto ng mga fans nagkakatuluyan talaga yung sinusuportahan nilang loveteam. Ganun naman talaga sa mga loveteam diba? 

Minsan nga kapag may nagsabi na ang isang artista na may "crush" dun sa partner gusto mong loveteam, aawayin na nila agad. Sasabihan ng kung anu-ano. Yun ang bagay na hindi ko maintindihan sa mga fans.

Bakit? Sila lang ba ang pwedeng magka-crush sa mga iniidolo nila? Yeah,artista sila, pero wala na ba silang karapatan na magka-crush sa kapwa nila artista? Tsaka duh? Iba ang ibig sabihin ng salitang "CRUSH" sa "MAHAL"

Masyado silang possessive. Masyado silang nanghihimasok sa buhay ng iniidolo nila. Ultimo makakasama sa panghabang buhay ng iniidolo nila eh papakialamanan nila. Hindi man lang sila magbigay ng privacy sa mga ito. Daig pa nila ang magulang ng mga iniidolo nila. Ano yun? ARRANGE MARRIAGE lang ang peg? Ipipilit nila na magmahalan ang dalawa na ayaw nila?

Tsaka sa pagkakaalam ko ang trabaho lang ng artista ay magbigay saya sa mga tao lalong lalo na sa fans nila. Pero hindi kasama sa trabaho nila ay yung ibunyag na nila ang buong pagkatao nila at sumunod sa gusto ng mga fans nila na mahalin ang kapwa nila artista na ang turing lamang ay katrabaho o kaibigan.

Sana suklian na lamang ng fans yung pagpapasaya sa kanila ng PAGSUPORTA, mapa project man yan o sa pagpili man ng taong mamahalin nila? May sense naman sinasabi ko diba?

Di ko nga alam kung bakit gustong gusto ni DJ ang maingay na mundo ng mga artista eh. Naisip ko nga paano kung magkabalikan si Kath and DJ? Aawayin kaya ng mga fans si Kath na hindi kilala? na hindi man lang artista? Hah! Subukan lang nila at ako ang makakalaban nila noh.

Speaking of Kath, kanina ko pa napapansin na may kakaiba talaga sa kanya eh. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatungo siya. Nung tumingin ako sa stage, si DJ na pala ang nag peperforrm. Hindi ko lang napansin dahil siguro sa kung anu-ano ang naiisip ko.

The Hottest Star Of The GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon