Dare Game (One Shot)

44 0 1
                                    

"Laro tayo ng dare game! Mauna ka na Gail!" Hala? Alam ko ang mga 'to ee. Mapapahamak niyan ako. Sigurado iyon. Ako nga pala si Gail Fe. Pure Filipino at kasalukuyan akong nakikipaglaro ng Dare Game sa mga kaibigan ko. 

"Kaaay. Oh anung dare niyo?" Pataray na sinabi ko. Nagevil smile ang isa sa mga kaibigan ko. Si Andy. Mukhang innocente pero baliw na babae. Nagbulungan sila at bigla nalang nagevil smile ang mga kaibigan ko habang nakatingin saaken.

"Okaay. Napagdesisyonan na namen ang dare namin sainyo." Pabitin pa itong babaeng ito. Binulung niya saakin ang dare para may thrill daw. Nabigla naman ako sa sinabi niya at..

"W-what?! Hell! No! Di ko gagawin yan! Anung kapalet kapag di ko ginawa?" Pasigaw na sinabi ko sa harap nila at napatayo pa ako. Andito kase kame ngayon sa may open field ng university at konti lang ang tao kaya okay lang kahit nagwala pa kame dito. Pero hindi okay ang dare nila saaken!

"Kapag di mo ginawa? 10 000 pesos lang naman ang ibibigay mo saamen. Each ah!" What?! Helly! Anung pinasok kong ito!

"Okay! Gagawin ko na! Anung price naman aber?" Pataray kong tanong sakanila habang nakacross arms.

"Price? Marshmallows for 1 year."

"..All you can.." Ohmyyy! My Favorite. Pero di sapat yon! Malala ang dare nila saaken!

"Hindi sapat yon!" Pasigaw na sabi ko ulet. Kinuha ko ang bag ko at umaktong aalis na at hindi ako payag sa deal.

"Wait! Gail! Okay! Anything you want.." Sabi naman ni Quen. Heartbreaker ng grupo namen.

"Okay! Ang gusto ko ay, kapag nag tagumpay ako sa gusto niyo, I'll receive 100 000 pesos in cash ah." Pacute na sabi ko. 

"Deal! Pero! Kapag failed ka sa dare, shopping tayo. Credit Card mo ang gagamitin nating lahat!" Fine! Di naman kame mahirap para magig kuripot ako. May business kame at kilala ito sa buong mundo! Lahat kame sa grupo namen ay mayayaman. Kaya wala lang sakanila kung magkano ang itaya nila.

"Okay! Magsimula kana ngayon. Goodluck Gail! Alam naman namen na okay na sayo ang lahat. Bye!" At tumayo na sila, umales at may pawave- wave pa sila ng kamay.

Tanggap ko naman ang deal namen. Pero mahirap ang dare nila saaken. Gusto niyo bang malaman? Ito kase yung dare nila..

*BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOGSH!* 

"Ay! Sorry Miss! Hindi ko sinasadya." Ohmy! Ang husky ng voice niya. Hot, gwapo and Dream Guy ng lahat!

"Ay! Ako dapat magpasorry. Wala kase ako sa sarili ko." Pacute na sinabi ko. 

"Ahh. Okay lang iyon Miss." Sabay hawak sa may pisngi niya na parang may pinupunas.

"Ako nga pala si Lance." Sabi niya. At inabot niya ang kamay niya saaken. Pero wait. What?! Lance?! Ohmyy! Talo na ako sa deal!

"Ah. Eh. Gail." Patipid na sabi ko. Sabay tumawa ng pilet.

"If you don't mind, gusto mo sabay na tayong maglunch?" Sabi niya, ang sexy ng voice niya. Pero di ako pwedeng ma-fall sakanya. Oo. Tama kayo, fall. Yan ang dare nila saaken. Dapat mapa-fall ko si Lance Sy. Hindi ko talaga kilala yung tinutukoy nila. Hindi ko naman alam na gwapo pala ito, at itsura palang ay mahuhulog na ang loob mo sakanya. Back to the topic. Oo. Fall. Kapag napa-fall ko siya, may 100 000 pesos na ako. Pero kapag na-fall ako sakanya, kawawa ang credit card ko.

"Ah? Hello? Pwede ba?" Habang wini-wave niya ang kamay niya malapit sa mukha ko.

"Oo naman! Treat moko? Please? Hahaha." Pacute na sabi ko. 

"Sure! Treat kita! Anung gusto mo? Hahaha." Ang bait naman niya..

"Hey! I'm just kidding! Hahahaha! Tara na nga. Bahala ka.." Sabay hawak ko sa kamay niya.

Lagi na kaming ganoon. Lagi kameng magkasama tuwing break at uwian. Minsan hinahatid niya pa ako sa bahay namen. Gusto daw niya safe ko. Nahuhulog na ang loob ko sakanya, pero dapat hindi ko pa-halata sa mga kaibigan ko. Nagiging mas close kame habang patagal na ng patagal. Hindi nagtagal ay umamin siya saaken na matagal na niya akong gusto. Hindi ko alam anu 'tong nararamdaman ko. Parang bumilis ang tibok ng puso ko nung umamin siya saaken. Pinakita niya ang phone niya na punong-puno ng mga stolen shots ko. Stalker pala 'to! Mas naging close kame dahil sa pagamin niya at after 1year ay niligawan niya ako. 1 year? Ang tagal naming magbestfriends di ba? Kinilala namin ang isa't isa lalo, at syempre mas naging close kame. After noon ay niligawan niya ako for 1year at sinagot ko siya dahil hindi ko parin nakakalimutan ang dare. Hindi alam ng mga kaibigan ko na nahulog na talaga ang loob ko sakanila kaya nanalo ako sa first half ng challenge nila. Oo, first half palang daw yon. Pinaguusapan namen ang second half ng dare ngayon. Di ko alam anung mararamdaman ko, ng biglang..

"What?! Pinagpustahan niyo lang ako?! Oh my god, Gail! Bat mo nagawa sakin ito?!" Kanina pa pala nandito si Lance. Lagot.

"Lance, Babe! Let me explain." Naiiyak na ako ng sinasabi ko iyon.

"No need to explain, Gail! And wag mo akong tatawaging babe!" Pagalit na sabi niya. Galit na siya pero hindi parin nawawala ang pagiging innocent ng mukha niya.

"Lance, Let me ex--" Hindi niya ako pinatapos ng bigla siyang sumabat.

"Tapusin na natin 'to Gail. Tapusin na natin itong stupid joke!" Napansin kong biglang tumulo ang luha niya. Umalis na siya sa eksena pero hinabol ko siya.

"Lance! Oo. Tama narinig mo. Dare iyon." Napasin kong napatigil siya kaya tinuloy ko na. Naiiyak na ako pero tinuloy ko parin ang ineexplain ko.

"Ang dare ay dapat ma-fall ka saken. Da- dapat hindi ako ma-fall sayo para hindi ako matalo sa deal. Nanalo daw ako sa first half sabi nila kaya inayos na nila ang second half. *sob* Hindi ko sinabi sakanila na *sob* nafall na ako sayo. Para hindi ako matalo. Sorry babe, tutuo ang pagmamahal ko sayo. Corny pero totoo. Sa tagal natin nagsama, na-fall na talaga ako sayo. *sob* Sa simula palang noong nakita kita nahulog na ako sayo Lance. *sob* Sana, sana mapatawad mo ako kung di ko sinabi sayo ang tungkol dito. Ayaw ko lang na lumungkot ang relasyon naten kaya di ko na inopen. Sorry talaga babe." Tuluyan nang umagos ang luha sa mga mata ko dahil niyakap niya ako.

"Thanks Babe. Thank you kase inexplain mo parin saaken ang totoo kahit ayaw kong makinig. Sorry kase hindi kita agad pinaexplain. Iloveyou Babe!" Tapos hinawak niya ang magkabilang pisngi ko at unti unting nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Malapit na ang mukha namin sa isa't isa nang..

"Hep! Nanalo ata kame Gail?" Sabat ni Andy. Kinuha ko ang credit card ko mula sa wallet ko at inabot sakanya. Napansin ko na may kinuha din si Lance sa wallet niya at inabot naman ito kay Quen. Anung ibig sabihin nito?

"Babe? Bat mo binigay yung credit card mo sakanila?" Curious na tanung ko.

"Treat ko sakanila. Kase kung hindi kayo nag dare game, baka hindi pa tayo ngayon at stalker parin ako. Iloveyou babe!" Tapos ay natuloy na ang first kiss naming dalawa..

THE END..

Gusto niyo po ba ng part 2? If mabenta ang story ko, Gagawa ako ng book 2 para sainyo, Comment, Like, Be a Fan! Chop chop!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dare Game (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon