Unexpected Love

1.9K 16 9
                                    

CHAPTER 1

1 message received.

NASL?

Oh shit! Ano na sasabihin ko? Kahihiyan talaga. Peste naman kasi tong bestfriend ko eh. Kasalanan ba kasing maging NBSB? Eh sa hindi talaga ako mahilig sa lalaki eh. Hep! Hidi ako tomboy. Opo, hindi po, sadyang wala lang talaga akong panahon sa mga crush crush na yan lalo na sa sinasabi nilang LOVE, which is KALOKOHAN lang para sakin. LOVE ba kamo? Mga libro, notes, handouts, exams, Yun! Yun ang LOVE para sakin, ang mag top sa klase at mag valedictorian para naman sumaya at ma proud sakin sina mama. Yung tipong ipagsisigawan nila na "Anak ko yaaaaaaan! " habang umaakyat ako sa stage at sinasabitan ng dalawang dosenang medalya at ribbons na pupuno sa buong katawan ko. OA diba? pero posible yun, POSIBLE!

Toot toot!Toot toot!

1 message received

Hey! NASL????

Hala! galit na ata. OK! Para sa bestfriend ko. Magpapakilala na ko. Kaya ko to! 

Hi! Im George. 16, female, Makati :)

reply ko, sabay buntong hininga. Inhale, exhale.

1 message received.

George? bakla ka ba pare? Ang tanong ko NASL diba? Name, Age, Sex, location ..  hindi Name, Age, Sex, Self description. Di tayo talo! HAHA. BYE! 

Anooo daaaawww??? Eh gago pala yun eh. Female nga diba? Tanga ata. At anong self description? Ako? makati? Eh ni wala nga akong interes sa mga lalaki eh. Tanga ba sya o tanga? Tanga ata. badtrip oh, napagkamalan pakong bakla. T.T

Badtrip kasing dare to eh, ganito kasi yun, Hinahamon ako, este bina blackmail ng bestfriend ko na si Nikki na dapat daw eh magkaroon na ko ng boyfriend within 3 months, kung hindi, hindi nya sakin isasauli yung pinag ipunan kong collections ng mga novels ni Nicholas Sparks. Yun ang buhay ko eh :( Kaya no choice talaga. Eh bahala na, mag hahanap na lang ako ng i bo boyfriend, tapos pag nakuha ko na yung mga libro, E di break na! (*evil laugh) MWAHAHAHAHA

K. back to reality!

Yun na nga di ako umubra kay Gerald, yung maangas na gwapo na school mate ko, na tinext ko pa lang. Oo! Sya yun! Napagkamalan pa kong bakla. Bwiset! Este, baklang makati. Saklap!pero di ako kelangan sumuko. pano na lang yung mga Nicholas Spark's novels ko?? Di pwede to! 

So next page.. Oo, may small notebook kasi ako na listahan ng mga cellphone numbers ng mga lalaki sa buong school. Buti na lang Tita ko yung nasa registrar ng school namin. So bale 150 phone nubers lang kinuha ko. Syempre out of libo libong students dun. E syempre mamimili din ako ng mga may sinabi! Yung gwapo, may class at syempre matalino kagaya ko. HAHA. Kahit naman joke joke lang to, E ayaw ko na man na ang maging first "boyfriend kuno" ko e yung mga tambay lang dyan sa kanto na nag hihithit ng sigarilyo at mas bihira pa sa pag labas ng eclipse kung maligo! Please lang! HAHA. 

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon