Part 2

310 11 5
                                    

"Ma?? Maaaaa????? sigaw ko kay mama na nasa taas.

"Ano na naman ba Jerjena? Eh kung maka sigaw ka naman, parang bingi ang tinatawag mo" sambit ni mama habang pababa sa hagdan 

"Ah eh, pahingi naman ng 10 pesos, pambili ng Pancit canton krak krak oh! gutom na kasi ako ma eh. Kaka aral siguro" pag sisinungaling ko.

Teka, di ako natural na sinungaling ah? Kasi di nya naman ako bibigyan kung sasabihin ko na para sa load yun. Alam nya naman kasing wala akong hilig mag text. Eh apat nga lang nasa phonebook ko eh, Si mama, papa, nikki tsaka si lyndon, bunsong kapatid ko.

"Ok. Kuha ka na lang dun sa tukador! may 11 pesos dun.Baka kasi nag mahal na ang singil sa GAANTEXT10 eh. este ng pancit kanton!" sabay ngisi at balik sa taas.

Ano pa ba magagawa ko e nahalata na ni Mama, eh kanina pa kasing umaga ring ng ring ang phone ko eh. Dapat pala sinet ko sa silent mode. HAHA. Ok, dedma na lang. 

Kinuha ko na yung 11 pesos dun sa tukador, sinuot yung naka kalat na jogging pants sa sala tsaka rampa na papunta kina Aling Gina. As usual, nag kalat na naman ang mga tambay at lasinggero na kanya kanyang pwesto at kwentong payabangan.

"Aling Gina, paload nga po ng 100 sa number na to, sabay abot ng papel kung saan nakasulat ang numero ng telepono nya sa tindera.

"Powie, di mo naman to number ah? Dito ko ba talaga to i lo load?"

"Ah eh saan pa ba? Manang, i load mo na, baka makatulog na yun" sagot ni powie na parang nag mamadali

"Sa lalaki nya yan Manang! sigurado! HAHAHAHA." Sabay singit at tawanan ng mga tambay.

"Eh masama bang tumulong sa nangangailangan? Inggit lang kayo kasi pasaload na dos lang nahuthot nyo sakin." Mataray na sagot ni Powie sabay irap at flip ng mahaba nyang buhok na imaginary. oo. Army cut kasi sya, di kasi pwede sa school ang long hair for the boys eh. 

"Bye Powie! Witwiw!" sabat naman ng mga tambay.

"manang Gina, GAANTEXT10 nga po" sabay hugot ng pera ko sa bulsa. teka, perang papel lang pala ang hinuhugot,eh wala namang 11pesos na paperbill eh. OK. Sabay kuha ng mga barya ko sa bulsa. HAHA

"Anong number mo Jerjena?" pasigaw na tanong ni Manang Gina

"Ah, eto po, Zero Nine One Zero Six Six..

"Pare nakuha mo ba?" bulong nung isang tambay

"Di ko narinig yung iba eh, basta may zero nine ata yun" sagot naman nung isa

"Ah manang, isusulat ko na lang po, nakikinig ang lupa eh, este yung mga alagad nung nasa ilalim ng lupa" sabay abot sakin ni Manang ng papel at bolpen

"Ok na Iha! bale 12 pesos." sabi ng matanda

"12?? Eh diba gaantext10 ang pinag pa load ko sainyo? Eh bakit 12 pesos lahat? tanong ko.

"Eh ganun talaga ang singilan Iha pag gaantext10" pagpupumilit ni Manang.

"Gaantext 10 nga po diba. sabi nga dun sa commercial eh 10 lang dapat. Wala naman kasi akong napanood na ine endorse nila na gaantext12" sabay bilang ko sa mga hawak kong barya ng paulit ulit kahit alam kong sakto naman talagang 11 pesos yun.

"Alam ko na manang, ganito na lang, diba 100texts naman yun? Edi ipapasa ko na lang sayo yung 50 texts? Ano, deal? 11 lang kasi tong dala ko eh. (*evil smile)

"Ahmm" nag iisip si manang..

"Ang mean ko talaga, gagawin ko pang tanga yung matanda para lang makalusot yung pisong kulang ko? Eh di naman napapasa ang freetexts eh. HAHAHA" sabi ko sa sarili ko 

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon