Habang paakyat ako sa taas may narinig akong komosyon sa kusina tila nagpapanic na boses ng kasambahay naming si aling metring.
ipagsasawalang bahala ko na lang sana iyon ng may marinig naman akong nabasag na baso. Napahinto ako sa pag hakbang.
ano naman bang meron sa kusina.
pumunta ako sa kusina Nakita ko si aling metring na halos 'di magkandaugaga sa pagpapa-inom ng tubig kay reign.
"Anong nangyari." walang kalatoy latoy kong tanong.
napakunot-noo ako ng makitang pulang pula ang mukha ni reign--- na di pa rin tumitigil sa pag-ngawa
napatingin ako sa mga nagkalat sa sahig na ... sili?
huwag mong sabihing???
oh my ghad!!!
" ANO BANG NAISIP MO AT KINAIN MO YAN!!!?" sigaw ko.
mukhang effective ang pag-sigaw ko at tumahan si reign
itinuro ko ang mga nagkalat na sili sa sahig."ano? masarap?" sarkastiko kong tanong.
napalingon ako nang may marinig akong yapag.
" what happened?!" tanong ng kuya ko-- na ama ni reign.
nang makita niya ang kalunos-lunos na kalagayan ng kanyang unica hija ay dali dali siyang lumapit at binuhat si reign.
"ALING METRING! TUMAWAG KA NG DOCTOR! BILIS!!"
OA doctor agad?
napasimangot ako."utang na loob kuya, kalma lang. walang namamatay sa pagkain ng sili." lumapit ako sa ref." marami pa palang sili rito. akala ko naubos na ng batang iyan." kumuha ako ng tatlong piraso yung malalaki."ito oh. ipalamon pa natin 'to sa kanya, kaya siguro yan umaatungal baka kasi nabitin."pang -iinis ko.
"SHACY!!!" kumaripas ako ng takbo paalis ng kusina.
" suggestion lang 'yun kuya 'di mo kailangan magalit!" sabi ko habang paakyat sa hagdan.
nang makarating ako sa kwarto ko ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama, tumagilid ako ng higa. Napatitig ako sa picture na nakapatong sa bedside table.
mahigit isang taon na ang lumipas ng kunan ang larawan 'yun. inabot ko ang picture frame.
ako 'yun at si wray. ipinadaosdos ko ang daliri ko sa mukha ni wray sa picture. mula sa mata--- ilong at labi.
napapikit ako. impokrita ako kung sasabihin kong wala na akong pakialam sa kanya. the truth is i ... miss ... him ... terribly.
tumihaya ako at nakipag-titigan sa kisame. parang nakita ko ang nakangiting mukha ni wray. napangiti ako hanggang sa bumibigat na ang talukap ng mata ko.
( who lives in a pineapple under the sea...
spongebob squarepants!)
napaungol ako ng marinig ko ang nag-iingay kong cellphone. kinuha ko ang unan sa gilid ko at itinakip 'yun sa mukha ko.
(absorbent and yellow porous is he...
spongebob square pants!)
(if nautical nonsense be something you wish...
spongebob squarepants!)
(then drop on the deck and flop like a fish...
spongebo----)
BINABASA MO ANG
She (on-going)
Humorshacy hate wray--- my ex-boyfriend turn to be my best enemy ever--slash--walking nightmare.bakit ko nasabi 'yun??? wala kasi siyang ginawa kundi pagtrip-an ang nananahimik at nagmo-move-on ko pa ring puso kaya halos isumpa ko siya sa lahat ng santo...