Chapter 2

3.1K 101 3
                                    

[E D I T E D]


"Right now! I mean later, after mo dyan." Napa-nganga naman ako sa sinabi ni Madison. Akala ko pa naman mabait siya. Akala ko pa naman siya na ang angel ko.





Inayos ko na yung itsura ko. Tinanggal ko na yung mga pasta sa buhok ko. Buti nalang pinahiram ako ni Madison ng damit. Mukhang pang mayaman kaya dapat kong ingatan.

Sweater, tapos binigyan niya ko palda. Yung kalahati ng hita. Medyo maikli, pero ngayon lang naman mamaya huhubarin ko narin .





Pag labas ko sa Restroom na-iiyak na naman ako. Paano ba naman kasi! Ako na nga yung sinaktan, kasalanan ko pa ngayon. Paano na yan?

Pag bukas ko ng pinto sa office ng principal, nakita ko si Madison na naka upo sa tabi ng principal.






"Oh you're here, upo ka na!" Umupo ako sa katapat na upuan ni Madison, naka ngiti siya.





"Siya yun." sabi ni Madison at mukhang mag susumbong pa kaya nauna na ang iyak ko.

Iyak nako ng iyak sa harapan nilang dalawa. iminulat ko ang mata ko at nakita ko silang naka-nganga.





"Hey sweetie, why are you crying? Madison anong ginawa mo!?" Tanong ni Ms. Maris, ang principal namin . 25+ palang siya pero ang taas na agad ng posisyon niya.






"H-hoy! wala akong ginagawa dyan." pag tatanggi ni Madison. Agad naman akong napa-nganga sa pag trato niya kay Ms. Maris ng 'Hoy' para kasing mag-tropa lang sila kung tawagin niya ng ganon si Ms. Maris.






"Sige! Huwag mo akong igalang sa harap niya! Inis!" sabi ni Ms. Maris kay Madison. Ngayon palang nagtataka nako sa kanilang dalawa tsaka parang hindi principal si Ms. Maris kung maka-sigaw siya.






"Sorry na agad! Pero alam mo ate Maris naaawa talaga ako sa kanya, feeling ko nato-trauma na siya sa lahat ng pinag-gagagawa ng mga Brat na yun!" Parang bata na sabi ni Madison kay Ms.Maris.







"Kasama kana sa mga Brat, isa ka na doon." sabi naman ni Ms. Maris. Mag sasalita pa sana si Madison ng mag salita ulit si Ms.Maris.

"Shh, huwag kang umiyak, alam ko naninibago ka sakin hahaha! Ako diba yung principal nyo? Pero call me ate Maris. Tsaka kapatid ko pala yang si Madison." Tinignan ko si Madison na nakangiti ng wagas.





"H-hindi nyo po ba t-tatangalin yung s-scholarship ko?" Tanong ko, mag babaka-sakali na ako. Para madali akong makahanap nang bagong school, pero paano kung hindi nila ako tanggapin?







"Hindi naman kita tatanggalan ng scholarship eh. I just want to ask, na kung pwede, lagi kang pumunta sa library after your class then i'll pay you. Kailangan mo lang bantayan ang liblary nang buong araw para walang makakagawa ng milagro. Tapos yung allowance mo sakin, weekly para may baon ka every day." Muling bumuhos yung luha ko, ang bait talaga niya. Sobrang bait.








"That's a good idea ate! Tapos pwede bang doon nalang siya mag room saamin " tanong ni Madison kay Ms. Maris.








"Doon naman talaga siya naka room eh. Ang kaso lang tinamad ka kaninang pumasok kaya tumambay kalang sa office ko." Napa bungtong hininga ako. Paano na lang kung balikan ako ng mga babaeng yun?







Hindi ko muna po-problemahin yun, iyong libro ko muna kailangan ko nang mag simula sa trabaho ko sa Liblary tapos pag dating 8 pupunta naman ako sa burger machine tapos mag a-out ako doon ng 11:30. Matutulog pa ako, tapos papasok ako ng 7:30 kakayanin ko kaya?







Kailangan eh, pang-college mo Serenity pang-college mo.






"Ms. Maris nakakahiya man pong sabihin pero gusto ko po sanang mag-simula na ako bukas sa trabaho ko sa library, kailangan ko rin po kasi ng pamalit sa libro na nabasa kanina nung may gulo." Nahihiya akong nagsabi kaya naka-yuko lang ako.








"Nako don't worry about that, alam mo kasi meron ka nang new book and new glasses. Bukas ang dating kaya hintayin mo na lang." Nanlaki naman ang mata ko, ang bait talaga nila! Hindi ako makapaniwala.








"P-po? Saan po galing yun?" Tanong ko, baka kasi mamaya bigay nya, ayoko naman ng ganon malaki na nga ang tulong niya sakin para magkaroon ako ng trabaho eh, tapos bibigyan niya pa ako ng gamit.







"Nako! Hindi akin galing yun, doon sa mga nang-abuso sayo. Ayun yung kailangan nilang dalhin para hindi malaman ng parents nila. Napag-kasunduan na namin. Kaya you have a new book and new glasses by tomorrow. Kasi may nabasag daw na part yung glasses mo and tama nga sila. Meron nga, yun oh sa gilid." Lalo naman akong naiyak sa nangyayari ngayon, buti naman at may magandang loob pa sila at papalitan nila yung nasira nilang libro ko at meron pang salamin.







"Bakit ka umiiyak Serenity? Huwag ka ngang nega!" Sabi sakin ni Madison, tumungo naman ako at tinignan yung mga papeles na binigay sakin ni Ms. Maris. Dito ako mag s-sign para sa katibayan na pumayag akong maging working-student sa school.








"So thank you, Serenity Alvarez. See you around." Tumungo ako. Pumunta na sa pintuan ng office ni Ms. Maris.







Pero bago ako maka-alis humarap ulit ako sa kanila at sinabing..


"Thank you po, gagawa ako ng paraan para maging maayos ang library. And thank you, Madison." Tsaka ako tuluyang umalis. Nakaka-tuwang isipin na kahit pala isang tulad ko na mahirap, ay magiging mabait parin ang turing nila.







Nag-lalakad ako sa daan ng makita ko si Jv. Oo nga naman, sa lahat ng makaka salubong ko siya pa. Napaka GGSS niya! Oo, gwapong gwapo sa sarili.

Ex ko siya.. wait? Naging ex nya rin kaya ako sa tingin niya? Pinag-laruan niya lang naman ako ng todo noong nasa kabilang school pa ako. Niligawan, ayun pala gusto lang akong maging slave at taga-gawa ng assignments niya.







Hindi kona siya gusto ngayon, sino nga ba ang gugustuhin ang isang tulad niya? Kahit sabihin ko na minahal ko siya. Nakakadiri na. Ang tali-talino ko eh pumapayag akong saktan niya.







"Serenity, nice to see you again. You look so sexy ah." Sabi niya kaya hinarap ko siya.






"Hanggang ngayon hindi ka parin nag babago no? Ang kapal parin ng mukha mo!" At tuluyan nakong umalis sa harap niya. Nakaka diri lang talaga.




















Edited by syubtail

When The Nerd Is Gone?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon