PROLOGUE

13 3 1
                                    

"MAS MASARAP talaga kapag ang desert ay graham. Mura lang naman ang graham. Prut kaktel na lang, wag na purong mangga ang itataping."

Ate Gie, it's not graham, it's greyham. Ang it's Fruit cocktail and topping, nakataas ang noong pagtatama ni Jessica sa pinsan niyang laki sa probinsya. Nasa kanila ito ngayon sapagkat nais pag-aralin ng kanyang ama. Kanina pa ito nagbibida sa kanya, mali-mali naman ang pronunciation. Nauunawaan naman niya ito dahil kulang ito sa edukasyon; at kilala naman siya nito sa sadyang taklesa raw at mataray Sa tingin naman niya ay hindi siya ganoon. Nagkataon lang na hindi niya kayang tagalan ang mga taong mali-mali ang sinasabi na hindi itinatama ang mga iyon.

She had always been a smart ass,even as a child. Iyon mismo ang sinabi sa kanya ng kanyang mga kababata na wala ni isang naging malapit talaga sa kanya. Alam niyang hindi komportable ang mga ito sa kanya dahil na rin daw sa kanyang ugali. May pagkakataon nga noon na nag-alala para sa kanya ang mommy niya. Ang sabi nito,hindi raw siya marunong makisama. She couldn't care less.

Nagtapos siya sa De La Salle University tatlong taon na ang nakakaraan pero wala pa rin siyang trabaho dahil wala siyang balak magtrabaho. Hinihintay lamang niya ang kanyang trust fund sa kanyang lolo at lola na kasalukuyang naka-freeze at magsisimula siya ng sariling negosyo.

Dapat ay noong isang taon pa niya nakuha iyon ngunit ipina-freeze iyon ng kanyang daddy. Marahil ay kinausap nito ang lola niya,pinapirma ng extension sa release ng trust fund niya. Her father had his own reasons. Ayon dito,hindi pa raw siya handa at kailangan pa raw niya ng experience.

Aanhin niya ang experience gayong sure ball na ang negosyong nais niyang pasukin? She wanted to go into the cable TV business. Nakapag-feasibility study na siya tungkol doon. Napakaraming lugar pa rin kasi sa Metro Manila,maging sa Cavite,Laguna,Rizal, at mga kalapit na lalawigan ang wala pang cable TV.

Malaki man ang kapital ay lifetime investment naman iyon. Iyon din ang kanyang thesis noong college kaya sigurado na siya. Her father didn't think so. Pero sa tingin niya ay wala lang tiwala ito sa kanya. Kaya naman nagmatigas siyang huwag maghanap ng trabaho. After all,her father couldn't take the trust fund away from her. Ilang buwan na lamang ay makukuha na niya iyon. Kapag nangyari iyon, sisimulan na niya ang lahat. Nakaayos na ang mga contacts niya, pera na lang ang kailangan.

Hinawakan ni Ate Gie ang kanyang braso. Asus, ikaw naman. Walang pagkapahiyang mababakas sa tinig nito. Graham ang tawag dito sa Cavite,ikaw talaga.

Naitirik na lamang niya ang mga mata at nagpaalam na rito. Umakyat na siya sa kanyang silid. Napangiti siya nang makita ang photo album sa kanyang kama. Kanina ay tinitingnan niya iyon. Naroon ang larawan ng mga BF niya sa nakalipas na mga taon. She first had a boyfriend when she was fourteen so it was quite a collection. In total, she had twenty boyfriends, three were able to kiss her. And the rest. Hangang holding hands lang.

Aside from being a smart-ass and a complete bitch, she had also been labeled as the "ice queen", and of late, the "beautiful slut". She didn't mind at all. Alam niya ang katotohanan. Mga bitter na lalaki ang nagsasabi ng ganoon, mga exes niya na na-dump niya. Bitter men were the ugliest, most disgusting creatures on the planet. Nababaliw ang mga ito kung naiisip ng mga ito na patatayuin niya ang balahibo niya sa komento ng mga ito.

She went straight to her PC. She checked her email. Awtomatikong minarkahan niya ang mga forwarded mails at binura iyon. She hated those stuff. Ang binuksan niya ay ang mga sulat mula sa mga pinsan niya sa abroad. Pagkatapos sagutin ang mga iyon ay binuksan niya ang isang mail na talagang nagpa-curious sa kanya. Mula sa isang free account, wala namang attachments kaya nasisiguro niyang hindi virus iyon. Simple lang naman ang laman niyon. Isang Internet link at mensaheng You've got to see it to believe it! She shrugged and double clicked the link. At dinownload niya ito. Nang makita niya ang larawan na dinownload niya ay isang tili ang kumawala sa kanya. Siya ang nasa larawang iyon at malaswa ang kuha nito.

Comment,Follow and Vote! \m/

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SOME KINDA FISHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon