Prologue
AYUN SIYA!!
HOOOOOOY!!
Omygosh!! RUN RUN RUN! – tili ng isang babae
LAGOT KA PAG NAABUTAN KA NAMIN!!
KUNG MAABUTAN!! – may pangaasar na sigaw nung babae
AISSHH!!!!
HUMANDA KA!
Ang dadaldal! – asar na bulong niya, binilisan niya ang takbo para naman makaalis na siya sa sitwasyon na iyon,
TULOOONNGGGGG!
Napahinto siya ng marinig ang sigaw na yon
TULUNGAN NIYO KOOO!
Pinakinggan niyang maigi kung saan nanggagaling ang sigaw at saka agad na pumunta doon, sa isang iglap ay napunta siya sa lugar kung nasaan ang babaeng sumisigaw kanina, nilibot niya ang tingin sa buong paligid at napagalaman na dalawang sakay ng jeep bago ka makarating dito at ng mapagtanto niya kung nasaan mismo siya nakatayo ay agad siyang napahampas sa noo niya, agad niyang nilingon ang babae at nakahinga ng maluwag ng makitang nakapikit ito
p-paanong? – sabi ng isang lalaki
s-sino k-ka?! – sigaw naman nung isang lalaki, sampu ang lalaking nakatayo sa harap niya,
hoy liit sino ka ha?! – tapang tapangang sigaw nung isa
psh nilait pa ko! Porke't matangkad sila e – asar na bulong niya
sa dinami rami ba naman kasi ng pagbabagsakan ko bakit naman kasi dito pa mismo sa pagitan ng mga goons na to at nung babae nakita tuloy ng mga pangit na to yung bigla kong pagsulpot tsk – bulong niya sa isip niya at agad niyang nilingon ang babae na nasa likod niya
Miss alis ka na dito – sabi niya sa babae
p-pero p-paano ka – natatakot na sabi nung babae
ako na bahala dito – sabi niya habang nakangiti at kumindat pa sa babae, agad namang tumakbo yung babae paalis
dahil pinasok ng kapilyuhan ang utak niya at natripan ang mga ito ay agad niyang nilabas ang kanyang..
b-bampira!!! Bampira!!! – sigaw ng isang lalaki at nagtangkang tumakbo pero agad itong napaupo ng makita sa harap niya ang babaeng tinawag niyang bampira
BOOGGSSHH!
Sinuntok niya ang mukha nung isang lalaki kasabay ng tornado kick na nagpatumba agad sa dalawang tao, mabilis niyang iniwasan ang lahat ng atake ng kalaban niya, pasugod na sa kanya ang dalawang lalaki ng tumalon siya ng mataas kasabay ng pagsipa niya sa dalawang lalaki na parang nakasplit sa ere
PAAAAK
Walang pagdadalawang isip niyang inatake ang mga ito, lahat ng tira niya ay 40% lang ng lakas niya dahil hindi niya intension na patayin ang mga ito
BLAAAAGG
Para sa panghuling tira ay ginamitan niya ng spinning kick ang natitirang nakatayo, matapos ang stunt na yon may narinig siyang pamilyar na boses
Dito po! – rinig niyang sabi nung babae agad siyang napalingon at nakita ang babaeng tinulungan niya na may kasamang mga pulis
Napanganga naman ang babae ng makita ang sitwasyon, nakabulagta na ang mga lalaki
i-ikaw ang may g-gawa niyan? – gulat na tanong nung babae
ha-ha black belter – sabi niya at nagfake smile
ah kaya pala, hulihin niyo na yang mga rapist na yan – sabi nung babae sa mga pulis agad namang nagsikilos ang mga ito, aalis na sana siya ng pigilan siya nung babae
salamat – sabi nito
no worries – sabi niya at saka naglakad na paalis, ng makalayo na siya agad siyang nag teleport sa rooftop na makita niya
pinagmasdan niya ang city lights, pinakinggan ang mga sasakyan, ingay ng mga taong nagkukwentuhan, nagtatawanan, nagtatakbuhan at kung anu ano pa, napangiti siya,
nilanghap niya ang simoy ng hangin..
cough! cough!
ang usok naman! - reklamo niya, muli ay ibinalik niya ang tingin sa paligid..
ipinikit niya ang mga mata niya.. this is how mortal world works..
I am Gweneivere Ivashkov... and I am a Dhampir..
BINABASA MO ANG
My Savage Dhampir!
VampireShe's Gweneivere the campus crush, she has unearthly beauty that even ladies adore her so much, but she's not ordinary! They adore her yet they call her bad ass, crazy, untamed, uncontrolled and hard-headed. She loves to meddle with other people's l...