Eto ako ngayon.. Katabi mo..
Di ko akalaing sa gantong panahon at oras tayo magkikitang muli.
Bakit ganto? Bakit ngayon pa?
Ano ba talagang nangyari?
Madaming tanong ang gumugulo sa isip ko..
Ngunit, ang malinaw lang sa akin ay ngayo'y malaya ka na...----------------------------------------
YEAR 1980"Avery! Tara na! Ano ba! Lagi kanalang matagal nakakainis kang babae ka!"
"Hay nako! Eto na magbibike lang naman tayo masyado kang excited!" Hi! Ako nga pala si Avery Gomez. At etong kaibigan kong atat na atat e si vina. Actually, madami kami. Siya lang talaga yung as in masasabi kong pinakaclose ko kahit na napakataray neto. HAHAHAHA.
"Baka mamaya wala na yung crush ko dun sa kabilang kanto alam mo namang minsan ko na lang makita yun noh."
"Ano ba! Ilang taon pa lang ba tayo? Jusko! 15 years old pa lang tayo ano bang iniisip mo dyan!"
"Wow. Nahiya naman ako sayo. Ikaw nga andami daming nagkakagusto sayo pinigilan ko ba sila! Hahaha! Tara na dali! Habang nasa mood mommy mo! Baka mamaya lumipad nanaman ang mga sandok at kawali sa kalsada. Tara na dali!!"
"Eto na nga! Tara na." Eto na nga magbibike kami at iikutin ang buong lugar dito samin. Pero bago yun aarkila muna kami ng bike kela Mang Baste. Ako nanaman manlilibre sakanya hahaha! Grabe kasi tong kaibigan ko walang ginawa kundi maglinis ng bahay, ipaglaba ang magulang pati na ang kapatid. Hay grabe. Maaga kaming namulat sa mga ganung bagay. May kaya naman kami pero gusto ng mommy ko matuto ako sa mga bagay bagay. May malaki kaming karinderya dito. Sa panahong ito masasabi kong sobrang sikat at lakas ng benta namin. Pano kaya sa susunod na lima? O sampung taon? Ganto pa din kaya ang takbo ng karinderya namin? Isa sa mga pinakasikat na kainan to sa lugar namin syempre naman! Napakasarap magluto ng mommy ko eh! :)
"Avery! Yung crush mo oh!"
"Ano ba! Tigilan mo nga ako sinabi ng hindi ko crush yan!"
"Osige na ikaw na maganda! Sila na may gusto sayo hindi na ikaw. Ikaw na!"
"Ewan ko sayo magbike nalang tayo kesa maghanap ka sa taong wala naman jan."
"Aw. Sakit ha."
"Avery! Vina!"
"Uy! Kaden! (Keyden)"
"San punta niyo? Sama naman ako!"
"Sige ba! Asan na yung iba nating mga kaibigan?"
"Ewan ko ba. Sila Mart nagbabasketball may liga sa isang linggo eh ewan ko lang sila Pearl."
"Oh? Eh bakit ikaw andito? Ikaw nga ang MVP diba bakit di ka nagppractice? Ganun kanaba kagaling, Kaden?"
"Hindi naman Avery. Syempre gusto ko naman magpahinga muna."
"Sus! Daming kuda! Ang sabihin mo binabantayan mo lang tong si Avery sa mga nagkakagusto sakanya! At eto pa ha? Gusto mo lang siya makasama!"
"Tigilan mo nga kami Vina. Magbabarkada tayo dito ha. Simula pagkabata tayo na magkakasama nila Mart, Pearl, Kaden, Gina, Grace, Kennedy at Steve! Ano bang pinagsasabi sabi mo jan! Diba Kaden?"
"ha? Oo nga! Grabe ka samin Vina!"
"Oo na sige na hahaha nakakatawa ka Kaden. Sige humayo tayo't magpakarami!"Simple lang akong babae. Madaming pangarap. Masayahin, mapagmahal na Anak, Pero minsan napapaisip nalang ako.. Sino kaya makakatuluyan ko? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Marami rin kayang nagkakagusto sakanya? Magsasama kaya kami pang habang buh- *bog*
"Aray!!"
"Ano ba yan! Ano ba kasing iniisip mo Avery! Napakalampa mo talaga! Wala ka sa palabas okay? Nalipad nanaman yang utak mo! Halika nga kaya mo bang tumayo?"
"Halika Avery tulungan na kita"
"Thankyou Vina. Thankyou Kaden. Okay lang ako. Kaya ko naman. Buti nalang hindi masyadong malakas pagkakabagsak ko."
"Ano ba kasing nasa isip mo?! Talaga naman to! Gusto mo na atang mauna eh."
"Hahahahah hindi naman may naiiisip lang ako."
"Lampa ka talaga Avery kainis! Alalayan mo nga yan Kaden."
"Oo sge tara na umuwi na tayo sainyo. Baka pag tinuloy pa natin to mas grabeng disgrasya na mangyari sayo."
"Okay lang ako Kaden. Salamat."Huhuhu. Kasi naman eh ba't ba napakalampa ko! :( malay ko bang babangga ako sa poste buti nalang di ganun kalakas impact. Nablangko kasi utak ko eh. Hahahah!
"Anak ng... Avery.."
"Bakit nanaman Vina?"
"Nagsisimula mg lumipad yung mga kaldero't sandok niyo.."
"Hala.. Uwi na ko umuwi na kayo dali soli niyo na tong bike ko! Salamat!"Eto na nga pinagbabato bato nako ng sandok at kung ano ano ng nanay ko jusko! Eto na ang pinakamabait na nanay na kilala ko! Pero pag nagalit nako mas masahol pa sa dragon!
"Anak ng sampung tupa naman Avery oh! San kaba galing ha?! Dalawang oras ka ng nawawala ah!"
"Ma, sorry na. Naglibot lang naman kami nila Vina eh.."
"Tigil tigilan mo ko Avery ah! Malaman ko lang na may Kasintahan ka na hindi ka na makakalabas sa pamamahay na to! Tumigil ka ha!"
"Opo mommy.."Nag iisang anak kasi ako kaya ganto nalang kaprotektado si mommy sakin. Broken family kami kaya nilulook forward ko talaga ang magkaron ng isang buo at masayang pamilya..
"Avery!"
"Po?"
"Andito si Vina at Kaden."
"Sge po lalabas nako sandali lang."
Bakit kaya andito tong mga to? Makikikain to panigurado.
"Avery, pakain kami."
"Oo na sige na ano pa nga ba."
"Avery, ano? Okay ka lang ba? Kamusta pagkabagsak mo?"
"Okay lang ako Kaden wag kang mag alala ano ka ba hahaha. Di ko pa naman ikamamatay yun noh."
"Sobra naman pag aalala mo Kaden. Aminin mo na kasi."
"Anong aaminin, aber??"
"Ay aling Fina wala po yun."
"Ano nga?? Hindi na kayo malilibre ng kain dito!"
"A-ah eh Aling Fina ang ibig sabihin po ni Vina eh aminin na po sayo na nadapa kanina si Avery sa pagbabike.."
"H-ha??? Ano??! Huling beses mo ng pagbabike yan Avery ha! Hindi ka muna pwede lumayas ng lumayas!"
"Ha? Mommy naman.."
"Susunod o susunod?"
"Sabi ko nga po eh.."
"Osige kumain na kayo mamamalengke lang ako para bukas."
"Sige mommy ingat."
"Sige po aling Fina. Salamat po. Sa uulitin."
"Walang anuman.""Vina!!!!"
"Ano ba ate?? Kakain ako tigilan mo muna nga ako!"
"Tara sa bahay tawag ka ni Papa! Dali!!!"
"Hay!! Ano ba yan!!! Maiwan ko nga muna kayo dito Kaden."
"Osige balik kanalang ha?"
"Bahala na."
"Osige."Ayan nanaman ang magkapatid nagsama nanaman hahahah. Isang maldita isang babaliw baliw. Hahhaa! Pero mabait yang kaibigan ko na yan kahit na napakamaldita wala kang masasabi jan!
"Hmm.. Avery."
"Oh Kaden?"
"Pwede mo ba kong samahan bukas?"
"Ha? Saan naman?"
Ano ba to.. Hindi ko alam pano sasabihin kay Avery tinamaan ata ako ng hiya.. Kalma lang Kaden.. Mag isip ka pa ng palusot Kaden..
"hmm.. S-sa plaza m-mag hahanap lang ng gamit para sa pinapagawa samin ni Mrs. Cruz"
"Osige pero baka kasi hindi ako payagan ni mommy pag tayo lang dalawa eh?"
"Okay lang kahit may kasama basta kasama kita."
"Ano??"
"H-ha?? Ang sbi ko isama natin si Vina okay lang na kasama siya basta kasama kanamin para masaya."
"Osige. Walang problema. Ikaw pa ba!"
"Hahahah! Salamat Avery!"
Kinilig ako dun ah! Nako Avery ano bang ginagawa mo sakin naiinis nako makauwi nga muna nakakabakla to!
"Uwi na ko salamat sa pagkain tutulungan ko pa kapatid ko sa bahay.
"Osige! Puntahan mo nalang ako bukas ng umaga."
"Sige!"Hay.. Andami nangyari ngayong araw nakakaloka ano pa ba dapat mangyari na mas nakakapagod dito? Hahaha.
"Avery.."
Hay.. Akala ko tapos nako.. Sino kaya tong natawag na to..
"Sandali lang!.."Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng biglang....
(Hello! Salamat sa pagbabasa! :) umpisa palang to.. Hintayin niyo yung mga susunod. :) xoxo)
YOU ARE READING
LET GO
Teen Fiction"If you are brave enough to say Goodbye, life will reward you with a new hello." -Paulo Coehlo Hope you read and enjoy my newest story. :) Inspired by a true story. xoxo.