The One That Got Away (ONE SHOT)

11.6K 302 42
                                    


'This is how it should have been from the beginning, but this is how we come to writing our final chapter.'

Yan ang sabi sa article ng isa sa mga paborito kong bitter na manunulat. I'm following her updates in social media and stalking her feeds kasi para bang ang dami na nyang napagdaanan sa buhay. At syempre kaya ko sya sinusundan ay dahil nakaka-relate ako. Kung baga sa bawat matulis na kutsilyong hinahagis nya, sapol sakin. Saksak puso, tulo ang dugo. Patay na nagpupumilit mabuhay.

Ang mundo daw ay bilog. Sabi din nila ay oblong. Pero kahit alin sa dalawa ang tunay na hugis nito, wala itong sulok kundi isang walang katapusang hugis pabilog, na kapag tinahak mo ay darating ka sa puntong minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba ngunit umiikot ka lang. Parang buhay ng tao. Kampante ka lang kapag nasa ibaba dahil mas komportable mabuhay sa ganong lebel. Ngunit pag nasa taas ka madami kang alalahanin at takot na baka mahulog ka at bumagsak.

I was enjoying my chicken joy in Jollibee when you found me. Tears streaming down my cheeks while I was eating kaya siguro nakuha ko ang atensyon mo. I was broken back then dahil sa isang pagkakamali ko. I fell in love with someone who can't be mine. Isa sa pinakamahirap sa buhay ng tao ang magmahal sa hindi pwede. You two are not forbidden to be together but the thought of you both being together is the thing why you can't. Trusting someone for the second time is just too hard as fuck. 

We stayed casual for the mean time but you didn't let it goes that way. You did everything to make me comfortable with you without forcing me to. Until you finally earned my trust in the end. I fell deeply in love with you. Kumpara sa naramdaman ko noon sa kanya, walang wala yon sa pagmamahal na meron ako ngayon para sayo. You were just too perfect for me. Hindi ka man masyadong gentleman at katulad ng mga pinapangarap nilang lalake na sobrang sweet, wala akong pake dahil ikaw na ang pangarap ko. Straight face ka lagi. Yun ang isa sa pinakanagustuhan ko sa'yo. Hindi ko nga alam non kung ngumingiti ka ba. Yung napaka-expressive mong mga mata, makapal mong kilay, yung matangos mong ilong, yung mga labi mong maganda pa sa labi ko, lahat yan nakakatatak sa utak ko. Walang sandali na nawala ka sa isip ko. Kahit nasan ako o kahit sino pa ang kausap ko, ikaw pa rin naiisip ko.

Mahal kita, mahal mo 'ko. Yun nga lang ay walang tayo. I know that it's partly my fault dahil sinabi ko sayo na hangga't hindi ako nakakagraduate, 'di pwedeng maging tayo. You agreed kahit alam kong hindi okay sayo since 'yon ang pinangako ko sa magulang ko. Days and months have passed. We're getting there. Nakagraduate na 'ko at napakasaya ko na kasama kita sa isa sa pinakamemorable na pangyayari sa buhay ko. You were so supportive. Nanjan ka lagi sa tabi ko nakaalalay. Laging nagpapaalala tuwing may mga desisyon akong padalos dalos. Sa pagdating mo sa buhay ko, naging nanay, tatay, at kuya ka saken. All in one kaya sobrang mahal na mahal kita. Kahit kunwari nagagalit ako kapag sinesermonan mo ko, ang totoo ay kinikilig ako dahil sobrang ramdam ko yung pag-aalala mo saken. I was just so happy and blessed knowing that someone is there for me, always. Finally God has granted me the man I was wishing for.

(Angel's note: please play the song above. Thanks!)

Isa na lang ang kulang para maging tayo. Yun ay ang tanungin mo ko. Sobrang excited ako kada magkikita tayo dahil malay ko ba pag-uwi ko may boyfriend na ko. Kilig mats lalo na't alam kong ikaw 'yon. Ilang beses na tayong nagkita pero wala kang nababanggit kahit ano. Ako naman chill lang dahil baka nahihiya ka or naghahanap ng perfect moment. Months have passed again at nagtatrabaho na rin ako. Nakakatuwa dahil magkalapit lang tayo ng office. I thought that was a good thing for us. You got busy with your work and I got a pretty bad schedule kaya di na tayo masyadong nagkikita. I'm missing you more every second. Tipong kahit busy ako sa office ikaw pa rin pinagpapantasyahan ko. Natutuwa pa kong ikwento sayo pano kita pagpantasyahan sa utak at tawang tawa ka naman.

The One That Got Away (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon