IHATEYOU

5 0 0
                                    

Chapter four

Clark's POV

"Sir Clark, hinahanap po kayo ni Sir Sunny"

"Sabihin mo manang na wala ako"

Paglabas ni manang narinig kong may sumigaw-sigaw dun kaya lumabas naman ako.

"Sabing papasok ako eh!"

"Sorry po sir, makalat po kasi sa loob"

Natawa naman ako sa scene nina manang at ni sunny

"Papasukin nyo na yan manang"

Pumasok naman agad si sunny

"HOY! HUBARIN MO NGA YANG SAPATOS MO SUNNY"

Binatukan naman nya agad ako "Sir. Sunny"

Sa mga nagtatanong jan,

Asawa po ng kapatid ko si Sunny.

"Bakit ka ba narito? Pinalayas ka na ng ate ko nuh? Natauhan na ba sya?"

Binatukan na naman nya ako "Hindi ah. Mahal kaya ako nun"

"Hoy! Nakakarami ka na ah!"

Parang bata naman syang tumakbo sa pintuan.

"CLARK! MAY SURPRESA AKO SAYO. INTAYIN MO LANG" Sinara na nya ang pintuan

Surpresa? Sakin? Naku, loko-loko yun baka pinagtitripan lang ako nun.

♬ Let it rain Let it me and you ♬

nag-ring naman ang phone ko kaya kinuha ko agad.

Uma-pear naman sa screen ang mukha ng bestfriend ko.

"Oh? Ano? Game?" Bungad nya agad pagkasagot ng pagkasagot ko.

"Dito sa bahay"

"Andito na kami" Agad-Agad? Automatic?

"Labas na!" Sumigaw naman agad yung isa kong kabarkada na si Lance

Mga loko talaga tong mga barkada ko. Tsk!

---------

Liza's POV

"Text ko nalang sayo ang adress"

"Okay Sir. Bye, Thank's" Binaba ko na ang phone ko.

Papunta kasi ako sa bahay ng estudyante ko, hindi ko pa alam kung sino hindi kasi nya sinabi sakin, makikilala ko rin naman daw pagdating ko dun.

♬ There's a snake There's a snake ♬

Narecieve ko naman agad ang tinext sakin ni Sir na adress sa tuturuan ko.

Sobrang bobo raw ng tuturuan ko, wala dawng alam na kahit ano.. Kawawa naman, siguro bata yung tuturuan ko.. Pero kahit na bata, teenager o matanda pa man sya hindi ko padin maiiwasan ang kabahan. Hindi naman kasi ako sociable na tao.

"Andito na po tayo mam"

Binuksan ko na ang pintuan ng kotse "Okay manong. Text nalang kita pag magpapasundo na ako"

Isinara ko na ang pintuan ng kotse at paglingon ko sa likod ko, bumungad sakin ang napakalaking bahay. Oh! Let me rephrase it, hindi bahay ang tawag nito kundi mansyon. Malaki naman ang bahay namin pero mas malaki yung bahay na ito. Baka spoiled ang may-ari nito. Tsk.

Nagdoorbell naman agad ako, may maliit na screen pa nga doon.

"Sino po sila?" Sabi nung matanda na nasa screen.

"Um, Liza po.. Pinapunta po ako rito ni Sir. Sunny"

Ngumiti naman sya sakin "Ah. Nasabi nga nya. Pasok ka hija"

Bigla namang nag-click at saglit lang bumukas na ang pagkalaki-laking gate.

Pumasok naman agad ako, bumungad sakin ang mala-paraiso na paligid. Ang daming flowers sa gilid na iba-iba ang kulay at may parang maliit na falls sa gilid. Ang ganda naman nglugar na ito. Nakakarelax ang hangin.

Lakad ako ng lakad doon ng may biglang nagsalita sa likod "Miss?" kaya ako naman itong si Miss. Panic, nataranta agad.

"Miss? Anong ginagawa mo rito?"

Lumingon naman ako sa kanya "U-Uhm. I-Ikaw ba ang tuturuan ko?"

Nagtaka pa sya nung una pero sumagot rin naman sya "Ah. Ou, ako"

"Uhm."

Actually cute sya. Napaka-unharmful ng mga ngiti nya na para bang ansarap titigan.

"Miss? Lets go inside"

Sumunod naman ako sa kanya papasok sa loob.

Ang laki rin ng loob, maraming mga mamahalin na paintings.

"Upo ka muna Miss" tinapik tapik pa nya ang upuan sa tabi nya

Umupo rin naman agad  ako sa napakalambot nilang sofa.

"So, Miss. What's your name?" Sabi nya pagka-upo ko

"Uhm, Liza" Yumuko naman ako, naramdaman kong uminit ang mukha ko kahit na malamig rito kasi may aircon sa sala nila.

For the first time in my life a cute guy asked for my name.

"Oh, I'm Herald by the way.. So, what would you teach me?"

Okay. Back to your real life Liza. Itigil mo na yang illusion mo.

Huminga muna ako ng malalim "Okay, where's your books?"

Nagulat naman ako nung tumawa sya ng malakas, as in sobramg lakas na hinawak-hawakan pa nya yung tiya na.

What the hell was that laugh for?

IHATEYOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon