Chapter 1: Wake up

13 0 1
                                    

Ako si Trisha Gonzales meron akong amnesia at wala akong maalala miski isa pero ito muna ang flashback ko bago ako magising..

.-*.-*

Bigla na lang ako nagising sa isang puting kisame at nasa puting kwarto ako hindi ko alam kung bakit ako nandito nakita ko sila mama at papa

"Trisha anak? Gising ka na!" Umiiyak si mama pero alam ko naiiyak sya sa tuwa
"George ang anak natin gising na better call the doctor!!"
Agad naman tumakbo palabas si papa para tawagin ang doctor
"Mama bakit po ako nandito?"
"Mamaya na natin pagusapan ang mabuti nagising ka na"
Sabay niyakap ako ni mama.

Dumating ang doctor at nagusap sila ni mama at papa sa labas hindi ko alam ng pinaguusapan nila pero ang hindi ko alam kung bakit wala akong maalala miski isa. Pumasok na agad si mama at papa sa kwarto ko kasama naman ang isang babaeng kaedad ko matangkad, maputi, short hair at nakangiti ito sakin
"Trisha masaya akong gising ka na!" Nakangiting sinabe nya sakin pero hindi ko sya matandaan.
"Ahm.. Sino ka?" Hindi ko alam pero kitang kita ko ang gulat nila..
"Melanie, may anmesia kasi si trisha kami lang ang naalala niya" nakita ko ang mukhang lungkot na lungkot na babae, kaibigan ko ba sya? Sino ba sya?

Nagpaalam muna sila mama at papa para bumili ng kakailanganin kong gamot at pagkain. Pinaiwan muna nya si melanie.
"Pasensya ka na, di ko kasi matandaan kung sino ka pwede mo ba sabihin sakin kung ano ba kita?"
Nakangiti sya habang nagkkwento sya
"Ako nga pala si melanie reyes, matalik mo kong kaibigan simula nung pumasok ka sa intra university.." So best friend ko sya pero di ko padin matandaan ni isa walang pumasok sa utak ko ang hirap ng ganto.

"Ah ganon ba? Bakit ba ako nandito?"
"Ahm mabuti pa trisha sila tita cindy na magkwento sayo" nakangiti pa din sya hindi ko alam kung palangiti ba sya o tinatago lang nya yung emosyon nya. Biglang tumahimik after namin magusap parang naguguluhan pa din kasi ako sa pagkatao ko.

Nakabalik na sila papa at mama dito may dala silang prutas at pagkain tamang ta parang gutom na gutom na ata ako, habang kumakain ako ng ramen di ko maiwasan hindi itanong kela mama ang nangyare sakin.
"Mama, ano bang nangyare sakin?"
Nakita ko ang reaksyon nila na parang di alam ang sasabihin. Please mama sabihin mo sana
"Comatoese ka ng isang buwan. Hindi namin alam kung mabubuhay ka pa ba kasi tanging machine na lang ang nagpapagana sayo anak pero alam namin na di ka susuko kaya di kami nawalan ng pagasa."
"Pero ma, bakit nga po ako nandito sa hospital at ano ba ko bilang isang tao?" Oo natanong ko yan kasi di ko talaga matandaan ang nangyari sakin

"Nabangga ka ng truck anak perp aksidente lang yun. Pero ikaw anak isa kang mabuti at masiyahin na bata trisha." May halong lungkot ang mga mata ni mama habang sinasabe nya ang pangyayare. Gulong gulo pa din ako sa pangyayare at sa mundo.

.-*-*

Nakauwi na kami sa bahay at tinuro ni mama kung saan ang kwarto ko. Hanggang ngayon naninibago pa din ako parang hindi ko kilala ang sarili ko dahil konting idea lang ang sinabe ni mama kung sino ako. Agad akong lumibot sa kwarto ko, malinis at maaliwalas ito pero maliit lang sya. Cellphone? Oo tama yun yung unang steps para makilala ko sarili ko.

Agad naman akong bumaba sa sala para kunin kay mama yung cellphonw siguro naman may cellphone ako.
"Mama, asan po ang cellphone ko?"
"C-cellphone? Nasagaan din ng truck anak kaya tinapon namin ng papa mo mabuti pa bibilhan ka na lang namin ulit"
Nakakapagtaka naman, sayang yun sana ang unang step para malaman ko kung sino ako agad naman ako umayat at bumalik sa kwarto ko.

Nakahiga ako sa kama at nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto. Iniisip ko padin kung sino ba ako. Tumayo ako at tumingin sa bintana. Binuksan ko ito para may makapasok na hangin, tintignan ko ang palagid pero may nakita akong naka hoodie jacket na lalaki. Alam ko sa direksyon ko sya nakatingin. Wait sakin ba? Sino ba to.

Bigla ko na lang sinara ang bintana ko di ko alam pero naweweirduhan ako sa lalaki. Bakit sya nkatangin sakin, stalker ba sya? Mukha naman kasi walang nabanggit si mama.

Humiga na ko sa kama ko at nagpahinga na dahil bukas papasok na ulit ako sa eskwelahan ko.

"Kaya mo to trish, maalala mo din lahat"
Bulong ko sa sarili ko at pinikit ko na ang mga mata ko.

My Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon