Hawak hawak nya ang mga kamay ko habang tinititigan ang mga mata ko, dahan dahan nyang nilalapit ang mala anghel nyang mukha, ang mga mata nyang kumikinang, ang ilong nyang matangos, ang pisngi nyang nagkukulay pink dahil sa kaputian at ang labi nyang mapupula na para bang gustong sunggaban ang labi kong naghihintay lang sa maaring mang yari hanggang papalapit ng papalapti ang labi naming ng biglang... (Ring!!! Ring!!) may tumunog.
Inabot ko ang kamay ko sa mesang malapit saakin. "Damn! Hay naku naman Alarm clock ka! Andoon na eh!" naiinis na sabi ko sa sariling para bang nabibitin pa. "Panaginip lang pala" sabay kinanta ko. "Sa pangarap lang pala kita mahahagkan tuwina doon lang"
Parang ayoko pang tumayo, nakahiga pa ako sa malambot kong kama ng biglang tumunog ulit ang Alarm clock. Kinuha ko ulit ito sa mesa at natigilan ako ng ilang sandali sa orasan. "OMG! 7:00 AM na pala late na ako!" dali dali akong bumangon, hinayaan ko na lang monang magulo ang aking kwarto. Kung saan saan na ako pumunta sa mga sulok ng kwarto hindi ko alam kung ano ang uunahin ko dahil sa taranta.
Pagkababa ko naabutan ko si mama sa kusina na naghahanda ng breakfast. Naamoy ko ang mala fried chicken "uhmmm..." yung tipong isasawsaw mo sya sa ketchup. "naku ang sarap!" nabigla akong nagutom dahil paburito kung pag kain iyon. Napansin ako ni mama na paamoy amoy ginagawa ko yun habang lumalapit sa kanya sabay hinalikan sya sa pisnge.
Ako: "Good morning mama" nakangiti kung bungad sa kanya.
Mama: "oh your too early ha baby girl" pang asar ni mama.
I smiled like a cute puppy. And then nagmamadalina akong pumasok sa comfort room.
Mama: "toni? Anditoyung pagkain mo sa mesa kumain ka na naman ha." Pagbibilin ni mama.
Pagpasok ko ng CR tinignan ko ang oras sa hawak hawak kung cell phone. Ilang minuto na lang ay malalate na ako.
Hindi na ako naligo ng mabuti, ligong aso na lang ata ang ginawa ko.
Tumakbo ako papunta sa kwarto, kinalkal ko ang mga damit na aking susuutin pagkatapos hinanap ko ang aking bag nilagay ang mga gamit na kakailanganin ko. Nang matapos ko na ang lahat lahat lumapit ako kay mama na nasa sala mukhang hindi ata papasok ngayon dahil may sakit.
Ako:"ma? Alis na po ako" paalam ko sakanya.
Tumango na lamang sya sa akin.
Pagbukas ko door nakita ko si papa paalis na din, bubuksan nya na sana ang pinto ng kotse pero inunahan ko sya.
Ako:"pa?! pasakay ha?" paglalambing sabi ko sakanya.
Papa:"ikaw talagang bata ka" pilit na ngiti ni papa.
Sumakay na ito at sinimulan na nyang paandarin. Nalampasan na naming ang bahay, nakalabas na rin kami sa village at ilang minuto pa ang lumipas biglang bumigkas si papa.
Papa:"next time do not do it again ha toni." Sambit ni papa na may halong tigas sa boses nya.
Ako:"it's not my fault you know papa" defend ko sa aking sarili.
Papa:"kahit pa anak, hindi magandang makipag away" pagpapayo ni papa.
Ako:"oo na pa. sorry na. Hindi ko naman talaga papatulan eh napuno lang talaga ako." Maamo kung sambit kay papa.
Ngumiti na lang si papa at natulala ako bigla.
Si Jeny, ang dahilan kung bakit sinesermunan ako ni papa ngayon. Sya yung babaeng mahilig makipag away sa school namin, naaawa nga ako minsan dahil broken family sya, dinala sya sa private school sa pag asang titino sya. Lagi syang naghahanap ng gulo, even her mother hindi sya kayang sitahin dahi sa katigasan ng ulo nya, kababae pa naman nyang tao, ibang iba sya sa dalawa nyang kuya. Eh bunso kasi kaya siguro ganun. Pasaway. She's pretty with her long black hair and sempre mala artistahin ang balat.
Papa:"toni?" nakatulala pa rin ako ng inulit ni papa ang pagtawag.
Papa:"toni??"
Ako:"po pa?" sabi ko na hindi pinahalatang nagulat.
Papa:"pasok ka na. nagde day dream ka na naman dyan umagang umaga. Mag aral ka ng mabuti ha." Pilyong sabi ni papa
Ako:"opo" ngiti ko ng may pahabol pa akong sasabihin. "pa pahingi naman ako ng baon ko" sabay ngiti ko sa kanya na abot hanggang langit na ata makahingi lang ng pera.
Papa:"ay sus bata ka. Pasalamat ka mahal ka ni papa. Basta aral mabuti ha? Behave toni." Bilin ni papa.
Tumango na lang ako na may halong ngiti sa aking mga labi.
Naglalakad na ako ng biglang may kumalabit sa balikat ko sila ash at masha ang dalawa kung matalik na kaibigan.
Masha:"ohw you look beautiful today ha."
Ngumiti ako.
Ash:"oo nga pansin ko." Pahabol nya.
Ako:"sus bola na naman. Kayo talaga. Alam ko namang mas maganda kayo sakin." Sabay sabay kaming tumawa.
Hindi naman sa pinagmamayabang pero sa tuwing dumadaan kaming tatlo papunta sa room kami ang center of attraction kasi nga daw may malakas kaming dating at kahit anong isuot naming damit o naka school uniform lang kami attractive pa rin kaya nga siguro nagkukulang ng pansin si Jeny. Hindi naman kami popular sa school simpleng studyante lang kami.
Si ash, morena na ang tangos ng ilong pointed nose, makapal ang buhok and she's pretty also I admit it. Sya ang pinakamatangkad sa aming tatlo. Magkatangkad sila ni Jeny. Pero sa ugali hindi magkaiba sila. Astig syang magdala pareho kami ng taste pagdating sa outfit.
Si masha, tisay maganda ang mga mata may bangs sya na mas lalong lumalabas ang kagandahan nya dito para syang Barbie. Mahaba ang hair and she's beautiful also. Kikay sya pabebe kumbaga.
Nakapasok na kami sa room sobrang ingay may sari sarili silang mundo actually classmate naming si Jeny at talagang nasa likod ko pa sya nakaupo ha. Hindi kami magkakatabing tatlo because alphabetical arrange sa classroom. Pumunta na ako sa dapat na upuan ko ng bigla akong humarap sa harapan nakitingin kasi ako kanina sa side kung saan andoon ang mga kaibigan ko.
Pagharap ko may mukha na malapit na sa maganda kung mukha. "Gash!!! si Mark!!!" ang sambit ko sa aking isipan. Napaurong ako dahil kulang na lang didikit na ang lips ko sa mukha nyang makapal.
Si Mark ay ang pinaka abnormal na kilala ko sa school kung ano ano lang ang pinag gagawa nya. minsan nakikita ko syang nagsasalita mag isa para bang ewan ko masisiraan ako ng pagiisip sa kanya. weird sya na laging nagpapatawa. May alam sya lalo na pag dating sa klase matangkad sya na may kaputian na masasabi mo namang may ibubuga din sa ibang boys pagdating sa face.
Ngumiti lang si mark habang pabalik sa kanyang upuan na may halong pang aasar sa mukha nya. Inirapan ko sya ng bunggang bungga.
Tumabi sya kay Nani ang best friend ni Jeny.
Si Nani katamtaman lang ang puti, pakikay din magdala. Laging may nakalagay na ear phones sa tenga nya tinatakpan ito ng buhok nya naikli, kumakanta sya dito sa shool. Maganda ang hubog ng kanyang mukha dahil sa lakas ng appeal nito sa nga lalaki.
Natigilan na ang lahat ng pumasok na mrs. Castro at magsisimula na ang klase. Nagsisimula na itong magdiscuss ng past lessons noong past meeting. Nasa kalagitnaan na kami ng lesson ng biglang ma distract ang iba naming classmates. Napapatingin sa labas ng classroom dahil sa isang lalaking paikot ikot halatang baguhan lang sya dito sa school.
YOU ARE READING
Sino Sa DALAWA?
RandomIt was my first story here in wattpad. I hope you'll like it.