Lahat balik sa dati. Wala na namang paramdam si Abbi. AHAHA dapaaak. Bakit ko ba iniisip yun? Wala naman akong naging malalim na attachment sa kanya. Wala pa rin naman kameng magandang pinagsamahan para maalala ko siya ng ganito. Well, if talking with her like we've friends for years count (anu daw?), siguro pwede ko na siyang ituring na close friend. Ewan.
AHAHA It's December 24!! Christmas Eve! Busy lahat sa bahay, pero hindi ata makakauwi dito sa Manila mga kamaganak namen from Nueva Vizcaya. Sa New Year na lang daw sila luluwas dito. Pero ang saya sana kung nandito sila, kasama ko na naman si Kevz.
Pinsan ko 'yun, tukmol din. Ahaha! Simula pa pagkabata kame na magkasama nun kaya magkasundo kame sa lahat ng bisyo't kalokohan. Syempre, gwapo din yun. Lamang lang ako ng konting kuskos at ligo. Tsaka isang hilamos.
Chill lang sila Mommy sa baba sa pagluluto. Pero naaamoy ko na yung spaghetti sauce from the kitchen. Oh sweet aroma of the food most exhalted all over this land, you make my digestive system crumble to its weakness and make my whole sanity, charot. Gutom lang 'to.
*ding dooooong!*
"EZEKIEL! BUKSAN MO YUNG GATE! HINDI KO MAIWAN TONG NILULUTO KO!"
Sows, pwede namang si Nikki na lang di ba? Anyway, sige na nga. Nang makalanghap man lang ako ng hangin. Tinakbo ko na papunta sa gate, baka kase importanteng tao yung nag-doorbell. Muntik pa kong madama sa hagdan kakamadali, matapilok sa tiles sa front door. Pero nung binuksan ko yung gate..
AMP. HINDI NAMAN PALA IMPORTANTENG TAO 'TO. PERO PWEDE NA.
"OY KEVZ! LOKO KA BAKIT KA ANDITO?!"
"Ikaw na dinalaw, ayaw mo pa? Ahahaha musta na?! Mukhang hindi ka pa naliligo ah!"
"Pakyu. Ahahaha ge, diyan ka muna sa labas. Akyat na ko."
Biglang kong tinulak pagilid ni Kevz, tapos tumakbo papunta sa loob ng bahay. Sabay pasigaw na binati sila Mommy tsaka Daddy. OKAY. #MedyoBadboy
Mommy: Uyy Kevin Jay! Kamusta ka? Bakit ikaw lang pumunta? Nasan ang mama at papa mo?
Kevz: WAg naman buong pangalan ko Tita! Ahaha eh sa New Year na daw sila, ako muna pinaunang pumunta dito. Para naman daw makapag-enjoy na ko bago magpasukan.
Mommy: Sabi ko nga, oh pano. Balik na muna ko sa niluluto ko. Malapit na rin to matapos, kaen na tayo ng lunch in a bit. And nga pala, maki-share ka na lang ng kwarto kay Zeke.
Kevz: Sige tita! Salamat!
What?! Share pa kame ng kwarto?! Sa lapag ko patutulugin tong hayop na to. MWAHAHA.
New Message
clsm8.Jake
Uy pre! Laro daw tayo ngayon, kasama ko sila Paul tsaka Reimond. Dun pa rin sa ClickRight, hintayin ka namen.
Okay. DotA na naman daw. AMP. Baduy, pero pwede na rin. Ahahaha! Isasama ko si Kevin para saktong lima kame.
"Oy Kevz! Baba mo na bag mo, alis tayo ngayon na."
"San mo ko dadalhin?"
"DotA, nag-aya mga kaklase ko eh. MOMMY! Laro lang kame ni Kevz, balik kame before 6pm!"
Mommy: SIGURADUHIN NIYO LANG. INGAT!
"Penge pera!"
Mommy: Pisti ka!
AHAHAHAHAAHA Pisti amp. XD Umalis na kame ni Kevz, 5 minutes na lakad lang naman yung ClickRight mula sa bahay. Pagdating ko dun..ayun. Nandun na yung tatlo, naglalaro na. Hinintay pa namen matapos game nila bago kame nakasali ni Kevz. May mga nag-aya ng 5v5, palag palag na.
Nung una hirap kame. Pano line-up nila:
Nevermore
Leviathan
Kardel
Rikimaru
Warlock
GG di ba? Tapos kame:
Goblin Techies
Furion
Bat Rider
Oracle
Io
BAKA MANALO, ahahahaha! Pero nilaro pa din namen kahit nakikipaglokohan na lang kame. Pero while playing, nag-a-alt+tab ako to check my facebook.
Nadaan ako sa profile ni Abbi. Walang updates. So I checked her photos again. Ang cute cute niya talaga. Ewan, pero she's my type of girl.
Maputi
Singkit
Matangkad
Black hair na mahaba, may bangs pa
Kwela, hindi maarte.
At higit sa lahat, ahahaha! All of the above sya. BASTA! She's my type of girl.
Pagka-respawn ng Hero ko, nagpa-feed ulit ako para maka-alt+tab again to continue looking at her pics. Then napaisip ako..medyo hawig niya si Tiffany Hwang, crush ko sa Girls' Generation. I love her <3 Shiyyyeeet.
Then may sumagi sa isip ko..
Zeke, alam mo na ba ang hihilingin mo?
Okay, yung matanda. AHAHAHA pero ngayon? isa lang naman wish ko eh.
I wish to meet Abbi in person, in a situation na mag-eenjoy na kame, masaya, at mas makikilala namin ang isa't isa. Yun lang naman.
Suddenly, I felt dizzy. Parang umiikot yung monitor. Hinde, parang yung buong comshop umiikot.Tapos pagyuko ko, parang may bilog sa sahig. Akala ko dumi lang, pero napansin ko..lumalaki siya. Oh god, hindi na ko mag-papapak ng Milo. Hallucination na ata to.
Then parang nasusuka na ko, gusto ko ilabas yung buong esophagus ko.I tried to stand up, pero parang hindi ko maangat paa ko. Then nakita ko yung paa ko kinakaen na nung bilog. Para kong nahihigop. Nakita ko yung mga tao sa shop, nagpapanic na. Hindi rin nila alam gagawin nila. Naka-kapit saken si Kevz, higpit ng hawak niya sa braso ko. Hayop to, nanakit pa.
Then suddenly, dumilim ang paligid..Dumilim ang paligid, may tumawag sa pangalan kooo..
"Uyyy! Bumangon ka diyan! Tulungan mo ko umuwi! HOY ANO BA! BANGON NA! PARA NAMANG GULAY TO!"
Pamilyar yung boses..
"Tatadyakan kita! Bangon na! Hindi ko alam kung nasaan tayo! Tae naman oh!"
Okay, di ako makahinga. Parang may something na basa akong knasubsuban. Malagkit..
SHEET, putik ata.
Bumangon ako agad, pinunasan ko mata ko para makita kung sino yung katabi ko na tawag nang tawag sa'ken.
MOTHA-F*CKIN UNCLE OF ALL DESTINY PRESENT IN THIS DIMENSION.
Kilala ko to eh!!"Oh ano? Para kang nakakita ng multo? Magsalita ka kaya! Sino ka ba?"
shiiiyyeeeemay, wait lang. Kinakabog ako, para kong nakakita ng artista."Hoy!"
Binatukan niya ko.
Masaket, malamang. Pinunasan ko na buong mukha ko habang nakayuko.Then tumingala ako sa kaharap ko..
"ZEKE?!"
"ABBI?!"- to be continued -