Chapter 1: First Day (Room 101)

22 1 1
                                    


Angeliqe's POV

First day of school

Dito ako ngayon sa may hallway naglalakad patungo sa room ko

Maraming estudyante ngayon syempre dahil unang araw ngayon pero habang lumalayo ako ay feeling ko umuunti ang mga tao sa paligid ko

Lumakad pa ako ng lumakad hanggang sa malapit na ako sa room ko pero may iba akong napansin ngayon

Umuunti ang tao

Biglang sumagi sa damdamin ko ang pagkakaba kaya't napahawak ako sa dibdib ko

Ang lakas ng tibok nito

Nilingon-lingo ko ang paligid at ni isang tao ay wala akong nakita

Lalo akong kinabahan kaya't medyo binilisan ko ang aking paglakad. Ang tahimik ng lugar na ito at tangin tibok lang ng puso ko ang naririnig ko ng biglang

*Psst*

Napatda ako sa kinatatayunan ko ng marinig ko iyon

Ayokong lumingon dahil pakiramdam ko ay may ibang mangyayari

"Tulong"

"Tulungan mo ako"

"Tulong!!"

Isang boses ng babae ang narinig kong bumubulong sa akin dahilan para tumaas ang mga balahibo ko at mas lalo pa akong kabahan

*Psst*

May sumitsit na naman sa likuran ko kaya napatakbo na lang ako papasok ng room ko

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko

Napakagulo ng room na ito yung mga dingding ay mga vandal at mas lalo ako kinabahan sa nakita ko

"Du-dugo!! Waaaa tulonggg!!"

May dugo kasi sa may parteng gitna. Ngayon ay lumuluha na ako

"Tulong/tulungan mo ako"

*Psst*

Ito yung mga naririnig ko ngayon

*tulong*

Bulong sa akin

Di ko maiwasang tumingin sa gilid ng mata ko

"*Psst*"

"Tulong"

Yung mga boses sa likuran ko

Di ko na talaga mapigilan ang sarili kong lingunin ito at sa paglingon ko

*boggss* (pagsarado ng pinto)

"Ahhhhhhhhh!!!!"

----

Napabalikwas ako ng bangon at naghahabol ng hininga

Isang masamang panaginip

*kringgg*

Napalingon ako sa gilid ng kama ko yung alam clock kasi tumunog

Agad ko itong pinatay at bumalik sa kinauupuan ko

Napahawak ako sa dibdib ko

"Anong meron sa panaginin ko??"

Natanong ko ito dahil iba yung panaginip ko ngayon

Kung noon yung panaginip ko nababalewala ko pero ngayon gusto kong limutin pero ang lakas parin ng tibok ng puso ko at di ko maiwasang isipin ang panaginip na iyon

Isang buntung hinigan ang pinakawalan ko

"Ahhh never mind"

Bumangon na ako at dumeretso ng banyo matapos noon ay nag-ayos na ako ng sarili

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon