She's Point of View
Haaay, nakakabored na magikot-ikot dito sa mall na 'to. Kabisadong-kabisado ko na kung anong store ang meron sa mall na to at mas lalong kabisado ko na kung saan sila nakapwesto. Halos araw-arawin ko ba naman ang pagpunta dito eh pero hindi dahil sa shop-aholic ako kundi dahil sa isang computer shop na nakapwesto sa third florr ng mall na 'to. Isang oras na akong naglilibot sa mall pero hindi ko pa magawang pumasok sa computer shop. Ayoko muna. Hindi pa oras pero hindi na din naman gano'n katagal ang hihintayin ko para pumasok sa shop na 'yon.
At dahil nauuhaw na din naman ako ay bibili na lang muna ako ng slush. Paulit-ulit lang ang routine ko pag nasa mall ako at kabisadong-kabisado na din ni ate Karen ang gusto ko kaya madali niyang ginawa ang order ko.
Matapos kong makipagkwentuhan kay ate Karen at maubos ang slush ay sakto ding pwede na akong pumasok sa computer shop, 5pm na kasi at siguradong nando'n na ang pakay ko.
Bubuksan ko pa lang ang pinto ng shop ay damang-dama ko na ang ambiance ng lugar. Tahimik at walang pakialamanan sa iba, ganito palagi dito. Dito nga lang din ako nakakita ng shop na wala masyadong gamer eh pero palaging full pack ang shop na 'to lalo na sa umaga hanggang hapon. Madalas na client nila? Mga kumukuha ng job requirements. Meron kasing lingkod-pinoy center sa mall na 'to at dito pwedeng-pwedeng kumuha ng requirements ang mga tao, advantage pa nila dahil ito lang ang computer shop dito sa mall.
"One hour." Sabi ko sa server at nginitian siya, ngumiti naman din siya pabalik pero halatang alanganin, pero kahit gano'n ang gwapo niya pa din.
"Number 2 ka na lang." Sabi niya at tumutok na sa computer kaya dumiretso na ako sa pc number 2 which is kaharap lang niya, halos. Buti na lang bakante to. Madalas kasi sa number 16 or 22 ako eh. Sobrang layo sa server kaya pagnagi-extend ako ay kailangan ko pang lumapit sa kanya which is pabor naman sakin pero madalas kasi hindi na ako nagi-extend eh. Hindi kasi talaga ako mahilig magcomputer. Sadyang ito lang ang way para, you know. Hahaha
Nang makaupo ako sa harap ng computer ay binuksan ko agad ang facebook, gmail at wattpad ko. Ito lang naman ang ginagawa ko pag nandito ako. Boring I know pero no choice te eh. First kong binisita ang facebook ko, wala namang bagong notif., kaya puro scroll up and down ako at like na din pag may kakilalang nagpost. Hindi kasi ako pala-post ng statuses and such kaya napakaboring ng facebook ko at kawawa ang magi-stalk sakin, kung meron man. Haha
Next kong chineck ang wattpad ko kung may bagong update ba ang librong on-going na binabasa ko at buti na lang meron kaya nagbasa muna ako ng update...
Dahil hindi naman pala gano'n kahaba ang update ng author eh maghahanap na lang muna ako ng interesting stories. Madalas na nasa library ko ay English stories at ngayon ko lang din napansin na tapos ko na palang basahin ang ang majority ng libro sa library ko, perfect! I just have to remove first those stories na tapos ko na bago magdagdag. Ayoko kasi ng magulo ang library ko, I want everything to be fix.
After removing the finished books ay naghanap agad ako ng bagong babasahin. Search, scroll down, click, read, back, then search, scroll down, click, read, and finally, add. Paulit-ulit kong ginagawa yan at nung nakuntento na ako sa dami ng bagong babasahin ko ay nagpunta naman ako sa gmail ko and downloaded my original and updated resume. After kong madownload ang resume ko ay tumayo ako at lumapit sa server.
"Pa print. Deanna ang--"
"File name." Putol niya at tapos sa sinabi ko kaya napangiti ako at tinitigan siya pero hindi siya nakatingin sakin. Nakatutok lang siya sa computer niya. Hindi siya yung tipo ng lalaki na heartthrob pero malakas ang dating niya para sakin. Hindi din siya yung tipo ng lalaki na kinababaliwan pero nababaliw ako sa kanya. Hindi rin siya yung tipo ng lalaki na ika nga nila ay makalaglag panty, pero ang hot niya sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
RESUME
Short Story"Uhm. I don't need resumes talaga, I'm indirectly giving you my number." --Deanna