RESUME 2

30 2 4
                                    

Halata namang nagulat ang niyakap ko at hihiwalay na sana sakin nung bumulong ako. "Just go with the flow please. Let me just get rid of him." I plead at tiningnan ang niyayakap ko, shocks! My heart began to get wild again. Ang swerte ko!! Si server baby lang naman ang nahatak ko. Pagsinuswerte ka nga naman oh oh.  Kahit papano pala eh may maidudulot na maganda yung kumag na yon eh.

Agad naman siyang tumango sakin kaya palihim akong napangiti ng sobra at nilapitan namin yung kumag. "Kuya, sorry hindi na ako makakasabay sayo. Andito na kasi boyfriend ko eh, bye!" Sabi ko at tumalikod na at dahil hawak-hawak ko pa din ang braso ni server ay naisama ko siya.

Huminto ako nung may naalala ako, nilingon ko ulet si kumag na nakatanga pa din "Nga pala kuya, hindi ako interesadong gawin kang kabit. Mangangaliwa na nga lang ako sayo pa. I actually don't settle for less, I always want the best, just like him." Pahabol ko pa at kahit abot-abot ang kaba ko ay hinalikan sa labi si server. Not a quick kiss, kung nanakawan ko man siya ng halik ay susulitin ko na, so why not deepen the kiss, right? I put my arms around his nape and pulled him closer to me to deepen the kiss. Ang lambot ng labi niya at nalalasahan ko ang minty flavor sa kanya. It's so sweet and cold at the same time. A smile escaped my lips nung naramdaman kong hinawakan niya ang bewang ko, hinila ako palapit sa kanya hanggang sa wala ng space sa pagitan namin at hinahalikan na din niya ako pabalik.

Myyy! Nakaka-high ang halik niya! He's such a good kisser! He know very well how to kiss and it's driving me crazy. I felt my knees weaken habang lalong lumalalim ang halik niya at nagiging aggressive pero nakaalalay naman ang kamay niya sa likod ko. Ugh! Why does it have to be this good!? Yung utak ko lumilipad at yung puso ko naman sobrang nagwawala. Nakakahiya baka marinig niya pa ang pagsasaya ng puso ko. Gulay!!

Parehas kaming napahiwalay sa isa't-isa nung naubusan kami parehas ng hangin pero hindi pa din niya ako binibitawan. Nanlalamig ang kamay ko at nanginginig at the same time, mas lalo na ang puso ko, sobrang nagwawala. 

"Let's go, Dee." Malambing na sabi niya at dahil high pa ako ay tumango lang ako sa kanya at sinunod siya.

Dinala niya ako sa park malapit sa mall at umupo kami parehas sa swing. Tahimik lang siya at nakayuko kaya tumahimik lang din ako at isinisway ng konti ang swing. Awkward eh.

I breathed deeply, "Sorry" sabi ko at hinawakan ng mahigpit ang nanlalamig kong kamay.

"For what? Kissing me?" Natatawa niyang tanong kaya napanguso ako. Walanjo.

"I don't know, but I honestly don't feel sorry for kissing you." Honest kong sagot sa kanya. Yun naman kasi ang totoo. I can't get him kung magsisinungaling pa ako at magpapaka Maria Clara, eto na yun eh.

"You sure are blunt." Natatawa niyang komento. Blunt na kung blunt wala akong pake basta masabi ko sa kanya kung anong nararamdaman ko, yun ang importante I don't care kung maging bad ang resulta what counts is, at least I tried, right?

"I don't feel sorry for kissing you too." Sabi niya pa kaya napatingin ako sa kanya at totoo ngang walang bakas ng kahit anong pagsisisi o kung ano pa man ang mukha niya, I think he looks happy pa nga eh.

"I'm Deanna Silva." Pagpapakilala ko and extended my hand to him.

Agad naman niyang tinanggap ang kamay ko at ngumiti, this time hindi na alanganin, buong-buo na. Gulay! Ang gwapo!! "I know. Lyle Sylvestre" Pagpapakilala din niya, at sa maniwala kayo o hindi, ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya. Hahaha ang baliw ko.

Pero, he knows my name? "You know my name?" Takang tanong ko na nagpatawa sa kanya at nagpailing. Ang sexy ng tawa niya.

"Yeah, sa resume mo. Bakit nga ba pag nagpupunta ka sa shop laging resume mo ang pinapaprint mo? Araw-araw ka bang nagaapply?" Tanong niya na nagpatawa sakin at nagpailing.

RESUMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon