Chapter 1

221 13 17
                                    

RAVEN's POV

"Handa na ba kayong pumasok sa University? Sai? Jackson?" Tanong ko sa kanilang dalawa habang nakatingin sa malalaking Letra na nasa labas ng unibersidad. Nakasulat don ang mga letters na D.R.E.W.F.O.R.D U.N.I.V.E.R.S.I.T.Y


Nakanganga ang dalawa kong kasama dahil labas palang nito ay nakakamangha na. Mayroon ditong malaking gate, ang labas nito ay napapalibutan ng iba't ibang mga stores. Coffee shop, Internet Shop, Japanese Restaurant, Chinese Restaurant, may mall pang katabi ang university.


"Oo handa na kami Raven! " Si Sairille sabay akay sa akin papasok nang university. Pumasok kami sa malaki at magarbo nilang gate. Maraming gwardya agad ang nakita namin na nagmamasid sa ilang estudyante na kasabay namin pumapasok. Pati ang security pala dito ay mahigpit.

Pagpasok namin sa loob ay agad tumambad sa amin ang maraming estudyante na halatang mayayaman. Iba't-ibang porma, pero ang lahat ay nakatingin sa amin? Bakit naman?



Tumuloy pa kami sa paglalakad. Nasa kanan ako ni Sai, at si Jackson naman ang nasa kaliwa.


"Oh my Gush! Super gwapo nila!"

"Hi kuya!"

"Artista ba sila?!"

"Ang gwapo!! Kyaaah!"



Yan ang mga salitang naririnig ko sa mga nadadaanan namin. Mga nagtitiliang babae at ilang beki na todo sigaw mapansin lang namin. Oo ganito kami sa Stein University, pero hindi naman ganito ka grabe na may...



"Kuya Pwede papicture sa inyo?" Na may gusto pang magpa-picture na kasama kami. Isang babae ang humarang sa harapan namin at may hawak itong camera. "Please!" Pagmamakaawa nito.


"Sorry pero, hindi ako mahilig makipag--- What!!?!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita ko si Jackson na nasa tabi na nang babae at nakikipag selfie!



Kasama nya si Sairille at todo ngiti at pose pa! Si Jackson nakadila, si Sairille naman naka nguso. Anung pose yan! Yan na ba ang uso ngayon?!!


"Raven halika rito! Pagbigyan na natin! " May magagawa pa ba ako? Lumapit ako sa selfie king and queen at nakipose na rin. Pinahawak nung girlie yung camera sa isa nitong kasamahan at nagpose sila. Magpapahuli ba naman ako?! Nag smile ako sa camera. "Say Cheese! " Then nag flash, and capture!


"Kuya nasa kanan! " sabi nung may hawak na camera, ako yun ah? Ako ang nasa kanan!

"Bakit? " Sagot ko


"Wala kabang alam na ibang pose? "

---

SAIRILLE's POV




"Wala kabang alam na ibang pose? "


Hahaha, napansin nya pala. Naka smile lang palagi si Raven. Hindi nya siguro alam yung wacky? Pabebe? Hahaa!



"Raven! Gayahin mo ako!" Sabi ko and nagpose ako ng nakadila. Ginaya naman nya, ang cute. Ganito pala dito? Hindi ko akalain na magiging Famous agad kami? Famous daw?! Hahaha! Baka naman ganito lang sila mang-welcome. O baka naman kaya sadyang gwapo lang itong dalawa. Lalo kasi silang kumisig, at gumanda rin ang katawan. Nadagdagan kasi sila ng muscle simula ng nagsanay sila ni daddy.



Okay lang naman sa akin kung may lumalapit na babae kay Raven? Malaki naman ang tiwala ko kay Raven eh. Malapit na nga kaming mag three months eh. Si Jackson naman hanggang ngayon wala pa rin girlfriend. Alam ko na si Kylie ang gusto nya, pero simula nung prom night hindi ko na sila nakita. Even nung graduation wala rin sila. Sabi rin ng daddy nila yung magkapatid daw ang pumapatay, creepy. Hindi ko alam na ganoon sila, pati si Jackson nasaktan nung malaman ang mga bagay na iyon. So sana makalimutan agad nya si Kylie at makahanap sya ng ibang princess nya.









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Modern Vampires and The Vampire MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon