“This is my best time of my life... so far” – Homer Simpson
Minahal ko siya, yun nga lang di ko alam kung minahal nya nga ba ako dahil hanggang ngayon isang malaking palaisipan pa rin kung bakit pa rin naming to ginagawa sa isa’t isa.
Minsan na akong nagtrabaho bilang isang guro sa isang paaralan, Masaya ang buhay ko dun dahil mahal ko ang eskwelahan. Simple at alam mong may napupuntahan ang lahat ng pinagaralaln mo depende nalang kung paano mo ito ibabahagi sa iba. Siya ay isang college student, varsity ng volleyball, simple pero kilala sa eskwelahan nila dahil na rin sa magaling ito maglaro. Nagkakilala kami dahil ako ang guro nya sa isang subject. Di ko siya pansin ng una dahil na rin sa busy akong tao at napakarami ng estudyante.
Minsan akong pumasok gamit ang pabango kong Victoria Secret – Vanilla Lace at agad itong napuna ng iba dahil na rin sa amoy nitong napakatamis at masarap langhapin. Sa araw araw lagi ko tong ginagamit kaya alam na ng mga estudyante ko na malapit na ako pag naamoy na nila ang pabango kong ito. Minsan naka tnaggap ako ng mensahe sa di kilalang tao. Sabi pa niya “Ang bango mo lagi” na ikinagulat ko pero di ko pinansin. Dahil ayaw naman magpakilala. Hanggang sa may nagtext sa akin kinabukasan na isang numero ulit na nagtatanong kung ano daw ba yung assignment na ibinigay ko... itinanong ko kung sino siya at agad naman nyang sinabi na siya yung Volleyball player na estudyante ko. At dun nagsimula ang lahat.
Lagi na nya akong sinisendan ng group message nya pero kapag itetext mo at kakamustahin para sabihing wag puro text ay di siya magrereply. Matagal na panahon din kaming naging ganito parang halos di magkakilala samantalang sa loob ng classroom ay lagi siyang nakatingin sa bintana na akala mo ay laging may hinihintay. Na agad ko namang sinisira sa pagsisita ko sa kanaya upang makinig.
Minsan ay wala siguro siyang magawa ay nakipagtext na siya sakin. Di ko namalayan na buong araw nap ala kaming magkatext, nakilala ko siya ng lubos at bakit lagi nalang siyang ganun. Transferee lang pala siya sa school kaya wala siyang masyadong kakilala. Mabait siya at maalalahanin kung iisipin. Ngunit iniisip ko nalang na kaya siya ganun ay paggalang na lang sa isang gurong tulad ko.
Tumagal pa ito ng ilang linggo. At umabot ng ilang buwan. Sabay sabi ng “gustong gusto ko yung amoy mo, parang ang sarap mo pong kagatin” na tinawanan ko lang.
“Inaayos ko ang iyong isipan, ngunit di ka nakikinig, lahat na nang bagay ay aking ginawa ngunit wala parin...”
Minsan kapag papasok na ako sa room nila inaabangan niya ako sa hallway... at sinasabayan nya ako. hanggang sa pag alis ko ng classroom sasabayan nya parin ako. Hindi na siya nakatingin sa labas lagi... nakikinig na siya sa lesson ko. Kapag nagpapaquiz ako at mababa siya mag aanounce lang ako ng “Kasi mag ARAL ng hindi bumabagsak” maya maya lang ay may marerecieve na akong message na “Sorry napuyat po kasi ako kagabi eh T.T” na ngingitian ko lang.
Simula nun din a ako mapakali kapag wala siya sa klase ko at siya di rin siya matigil sa kakatext kapag may sakit ako. sa kanya ko lang naranasan na magpaload ng madaling araw para lang makapagreply. Alam kong mali tong ginagawa ko. Alam kong may nabubuo ng di dapat. Pero di ko rin alam kung paano ito nangyari at kung paano ko pipigilan.
“If one does not understand your SILENCE, S/he does not deserve your words.” – Paulo
Minsan ko ng sinubukan, buong araw siyang nagtetext pero di ko sinasagot, sa school kung anong tanong nya yun langdin ang sagot ko. Di ako gumamit ng pabango dahilan upang ipagtaka nya kung bakit iba ang kilos ko. Lumapit siya at nagtanong “May sakit kaba? Bakit ka ganyan ngayon?” na may kasamang pagaalalang tono at mapungay na mata. Di ko sinagot at agad akong umalis. Pag balik ko sa table ko sa faculty may nakita akong isang papel na may nakasulat na “Sorry” at may kasamang chocolate na favourite ko (Dark Chocolate with almonds) kahit walang nakalagay kung kanino galing alam ko na kung saan to nagmula dahil na rin sa penmanship nya.