Lost Time [One Shot Stories]
Written by: princessbellagee
****
Ano ba ang meaning ng kasabihang "Lost Time is never found again"
Maraming tao ang nagtatanong kung ano ba ang ibig sabihin niyan.
May saltik ba ang gumawa niyan kaya pati tayo dinadamay niya?
O baka naman katulad ko din siya...
Na sawi din sa pag ibig....
"Yannie!!!!!!" sigaw ng isang tao mula sa likod ko...
... ang taong nagpapatibok sa puso ko.
Nilingon ko siya habang tumatakbo siya, gosh ang gwapo niya talaga, kaya hindi na nakakapag taka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya....
.
...isa na ako dun.
"oh Lance, wala ka bang class bakit andito ka" tanong ko sa kanya ng makalapit siya saakin. Inabutan ko naman siya ng maiinom na binili ko kanina kasi expected ko na magdiditch nanaman siya kaya mas mabuti nang handa ako.
"oo wala akong balak pumasok sa klase ng matandang yun baka mapanis lang laway ko" sabi niya sabay ngiti. Ang mga ngiting yun ang dahilan kung bakit ako nagka gusto sa kanya. Kaya naman hindi ko sinasayang yung mga oras na nakikita ko yun. dahil alam ko.....
.....pagkakaguluhan nanaman siya.
"grabe ka pumasok ka na kaya" sabi ko sa kanya.
"wag na, mas gusto ko kasama ang bestfriend ko"
Right, yan lang naman ang hinihintay kong term eh. BESTFRIEND, isa lang akong bestfriend para sa kanya. At kahit kelan hindi na niya mapapalitan yun ng pagmamahal, dahil hanggang dun nalang yun.
"bestfriend tignan mo si Shane oh,ang ganda niya noh" Tinignan ko naman yung tinuro niya, yeah right si Shane nga yung crush niya, maganda siya at halos perfect na nga kung ikukumapara siya saakin walang walan ako.
At nakita ko namang papalapit siya saamin habang nakangiti. Nakita ko naman ang reaction ni Lance, at nakita kong ang saya niya habang papalapit saamin yung crush niya. Sabagay sino ba namang hindi kikiligin kung lalapitan ka ng crush mo diba?
"hi ikaw ba si Lance?" tanong niya kay Lance, at nakita ko namang hindi niya alam ang gagawin niya kaya naman nginitian ko lang siya, kahit na sa loob ko eh nasasaktan ako.
"y-yeah ako nga" sagot ni Lance na medyo kinakabahan.
Pinapanood ko lang sila mag usap at masasabi kong bagay sila, Hay ang sakit sakit naman may mga oras talaga na gusto ko ng mag confess kay Lance. Pero hindi ko magawa dahil ayokong masira ang friendship namin.
****
Lumipas ang araw na halos hindi na kami mag kita ni Lance dahil kasama siya sa stage play na gagawin sa school namin. Yun yung time na nag kausap sila ni Shane at sila pala yung magkalove team. Sobrang saya ni Lance nun nung kwinento niya saakin yung mga napag usapan nila. Nakikitawa, nakikingiti lang ako sa kanya, kahit na ang sakit sakit na.
"Yannie!!!!" alam nyo na kung sino ang tumatawag saakin. Ang bestfriend ko lang naman. Nagulat ako nang nasa harap ko na siya kahit kelan ang bilsi niya talagang tumakbo.
"Yannie may good news ako sayo" sabi niya habang ngiting ngiti siya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, parang may sasabihin siya na hindi ko magugustuhan.
Ngumiti ako sa kanya kahit na sobra sobra yung kaba na nararamdaman ko.
"a-ano yun"
"Kami na Shane!!!!"
Halos mabingi ako sa mga sinabi niya. Sila na ni Shane, pero paano at kailan?
At dahil hindi na ako makapagpigil at parang anytime pwede nang bumagsak yung luha ko, ay nagpaalam ako sa kanya na may gagawin pa ako. Tinatawag niya pa yung pangalan ko pero hindi ko nalang pinansin dahil isa lang ang gusto ko.....
.....gusto kong mapagisa at umiyak ng umiyak.
Napadpad ako sa isang park, buti nalang at walang tao. At kung minamalas ka nga naman eh umulan pa ng malakas. Kaya naman di na ako nag sayang ng oras at umiyak ako ng umiyak. Dapat pala nung una pa lang sinabi ko na sa kanya para kahit papaano mabawasan naman yung bigat na nararamdaman ko. Para hindi ako ganito ngayon, sobrang sakit ang sakit sakit lang na malaman mo yung taong mahal mo mahal na iba. Sabagay sino nga ba naman ako, isang hamak lang na bestfriend nya at walang karapatang mahalin siya.
Totoo nga yung sinabi nila Lost Time is never Found Again.
Ang nasayang mong oras ay hindi na muling babalik pa.
Ngayon alam ko na kung ano ang nararamdaman ng taong nagsabi nung quote na yun.
Kasi sa buhay ng tao mahalaga ang oras, lalo na sa mga taong nagmamahal
At nasasaktan.
Sana hindi ko nalang sinayang yung mga oras na magkasama kami at masaya kami, at sana hindi ko nalang pinalipas yung oras edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.
Kaya ang tanging lesson na natutunan ko sa buhay ko, ay wag na wag mong sasayangin ang oras na masasabi mo sa taong mahal mo na mahal mo sya dahil ang oras hindi na muling maibabalik pa.
BINABASA MO ANG
Lost Time [One Shot Stories]
RomanceOne Shot Storyll Ano nga ba ang ibig sabihin ng Lost time is never found again? At bakit lahat ng tao ay apektado dito? At paano ito naging connected sa mga taong nagmamahal?