Lansangan

22 0 1
                                    


Dito, lahat ng tao dumaraan. Pati mga sasakyan. Minsan dito mo rin matatagpuan yung naka tadhana sa iyo. Yung mga simpleng banggaan na wala lang sa iyo pero may ibig sabihin pala. Ano bang tawag doon? Yung nangyari nalang basta-basta nang hindi mo inaakala? Ayun! Yung tinatawag na coincidence... Sa dami-rami nga namang tao sa lansangan. Hindi mo aakalaing mangyayari ang isang bagay. Ang layo ko na ata sa "topic". Pasensya...

...

Lansangan, paano nga ba bibigyan ng kahulugan? Daanan ng kotse, tawiran, banggaan ng mga kotse, aksidente, tambayan ng mga pasaway na hindi kayang sumunod sa batas trapiko at siyempre, ano pa ba? Yung mga taong na viral sa internet sa kalagitnaan ng trapiko dahil sa kanilang mga napakainit na ulo. Pinapangunahan kasi ng galit eh. Hindi muna nila inuunawa ang isa't isa para malinaw ang lahat.

...

Mayroon din ditong mga nanghihingi ng tulong tulad ng mga pulubi, tulong upang may ipangkain sa kumakalam nilang sikmura ngunit ang iba ginagamit pambili ng kung ano-ano. Ginawa mo na ang lahat pero parang ikaw pa rin ang lumabas na masama dahil alam mo na yung itinulong mo napunta sa masama.

...

Daanan din ito ng mga ng mga estudyante at mga office worker kasama ang mga trabahador na nagmamadaling pumasok sa kani-kanilang eskwelahan at opisina. Hanggang uwian, dito rin sila dadaan, kung hindi pa pauwi, ay pupunta naman sa kani-kanilang mga bisyo tulad ng bilyaran, o kaya nama'y sa mga computer shop upang maglaro ng tinatawag na LOL(League of Legends).

...

Andito rin ang mga pulis-trapiko na bagaman nagmamando ng trapiko ay nangungupit ng pera sa mga tsuper. Sadyang mga abusado talaga. Yan yung tinatawag na nag te take advantage. Inaabuso nila yung pagiging pulis-trapiko nila para mangupit. Maaari rin nating ihalintulad ito sa tao na inaabuso ang presence ng isang tao dahil alam nilang hindi sila mawawala. Diba? Take advantage pa. Sige lang. Hanggang sa mapagtanto niyo na hindi na pala tama ginagawa niyo.

...

Sa bagay, tayo rin ang may kasalanan kung bakit, tayo na inaabuso, kasi naman nagpapa-abuso tayo. Ang layo ko na naman sa "topic". Nadala na naman ako ng mga kotse sa lansangan na parang mga ala-ala na nagdaan at para bang traffic na nagsisiksikan sa aking isip.

...

Batas trapiko, ano pa ang silbi sa lansangan kung hindi naman susundin? Kaya nga meron nito para naman magkaroon tayo lahat ng limitasyon, hindi yung basta-basta ka nalang aarangkada nang hindi mo iniisip ang magiging resulta.

...

Andito rin yung tinatawag nating mga "paasa", "umaasa", at yung mga "manhid". Ipapaliwanag ko pa ba? Yung mga paasang tricycle driver na akala mo isasakay ka pero iba pala yung isasakay at yung mga umaasa ring tricycle driver na akala nila sasakyan sila pero yung isang tricycle pala ang sasakyan. Meron pa, yung mga jeep at tricycle na pinara mo pero hindi ka naman pinansin... Ano ang tawag? Manhid ang tawag para sa karamihan o kaya yung tinatawag na pa-fall.

...

Eto na yun, yung mga lovers na habang naglalakad ay magkahawak kamay, yung hawak na hindi talaga kayo mag kakahiwalay. Minsan, nagbabangayan naman. Naalala ko tuloy yung babaeng nasaksihan kong umiiyak sa lalaki at hindi ko alam kung bakit ganito kaming mga lalaki. Ang mahirap pa doon, sa lansangan pa nag-away kung saan napakaraming tao, kung saan maraming kritisismo. Babae na nga ang siyang nagmamakaawa, umiiyak, at sumusuyo pero, heto pa rin kami, tinataasan ang aming pride.

...

Sabi nga nila, mahirap lunukin ang pride lalo na kung bareta, pero sana naman, isipin nating mga lalaki na sa dinami-raming taong mamahalin sa mundo, tayo pa minahal nila diba? Kasi bakit pa kami nagmamadaling magkarelasyon eh kung sa huli iiwan namin ang mga babae. Kaya para sa akin, hindi pa ito ang tamang panahon. Oo, aaminin ko, naiingit ako sa mga may karelasyon pero minsan sinasabi ko sa sarili ko na kailangan kong maghintay. Kasi para sa akin, ang pag-ibig ay hindi hinahanap, ito ay kusang dumarating, pero kailangan mo nga lang maghintay. Minsan kasi, nandyan na yung nakatadhana sa iyo eh, hindi mo lang siguro pansin dahil maaaring nabahing ka lang o napuwing. Pero kung mahanap mo man siya o kaya'y nakita mo na siya at ilang beses ka nang na-reject huwag kang sumuko. Para lang yang pagpara ng sasakyan, kahit ilang beses tayong hindi nakasakay dahil "I don't feel the same way," o kaya dahil ayaw nila at puno na, huwag tayong sumuko dahil darating din ang sasakyan na magsasakay sa atin. Kahit ilang beses taong ma-reject, huwag tayong sumuko kung talagang mahal natin ang taong iyon. Ngunit kung alam nating wala na tayo sa lugar at wala na talagang pag-asa, bumitaw nalang tayo. Parang kapag nakasakay na tayo sa sasakyan at nagsisiksikan na, kailangan na nating bumaba. Subalit ako, eto pa rin, hindi pa bumababa kasama ang mga nagsisiksikang mga pasahero sa sasakyan at umaasa na balang araw, mayroon akong kasabay sa pagtahak ng walang hanggang lansangan. Nalayo na naman ako sa "topic". Pero magkakaugnay naman diba, yung mga sasakyan na iniugnay ko sa tao.

...

Ang gusto ko lang naman iparating sa mga tao na ang lansangan ay hindi lugar para sa pag-aaway. Daanan ito ng mga kotse at mga taong madalas mapanlait na kapag may nagawa kang mali ay huhusgahan ka na agad, hindi muna nila inuunawa ng sitwasyon.

...

Eto ha, kaunting payo lang sa mga taong nagbabasa at nakikinig ngayon sa akin. Sana sa pag-ibig o kahit hindi man ito pag-ibig ay mayroon ding dapat na lansangang nabubuo, hindi laging one way na nagsasalubong na kapag may problema ang isa, sasalubungin pa ng isa pang problema tapos sa huli, isang.problema na parang dalawang kotseng nagbanggaan. Oo, mayroon tayong two way pero sana, kahit mayroon nito dapat pa rin nating magbigay para naman sa mga one way. Dapat tayong mag give and take. Kung baga sa aatras na kotse, dapat tayong magbigay ng daan.

...

Isa pa, dapat huwag mag U-turn na kapag may problema ay hindi reresolbahin at para bang babalewalain nalang ang problema. Nag U U-turn din ang isang tao kapag nagkamali siya nang pinili, piniling iibigin, at dadaan sa ibang daan. Kaya't sana, pag-isipan munang mabuti ang gagawin bago tumahak sa iyong gagawin o daraanan.

...

At pang huli, kaming mga lalaki ay hindi shortcut, daraanan lang kapag kinakailangan at siyempre hindi rin dapat kami ganun sa mga babae. Para sa mga babae naman, dapat sumusunod kayo sa mga traffic lights o yung mga stoplights na tinatawag dahil doon niyo malalaman kung kailan kayo aandar at hihinto. Hindi yung basta-basta niyo nalang gagawin ang gusto niyo. Magbibigay ako ng halimbawa. Kapag sinagot niyo yung mga nangliligaw sa iyo, naging kayo, nararapat ba? Tapos kalaaunan, nagkahiwalay kayo dahil sa isang pangyayari na may dahilan. Tama, "Everything happens for a reason," pero minsan, napaisip ba kayo na bakit hindi natin alam ang dahilan? Tapos pag dating sa huli ang, sisi sa aming mga lalaki at sasabihin niyo na lahat ng mga lalaki ay pare-parehas lang. Gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi lahat ng lalaki ay pare-parehas. Sa bagay, minsan nasa aming mga lalaki rin ang pagkakamali.

...

..

.

Sadyang napakalayo talaga ng pamagat sa opinyon ko at masyado akong nalayo sa topic. Pasensya.

...

Siguro, kaya "The Road" ang pamagat ko dahil para sa akin ang buhay ng tao ay parang lansangan, walang hanggan ang pakikipagsapalaran at walang katapusan ang ating paglalakbay. May mga oras na tayo lang ang tumatahak sa ating destinasyon, pero asahan natin na may kasabay tayong tatahak nito sa hinaharap na sabihin na nating nandyan lang sa tabi at masasabi mo rin natin sa ating kasabay na "Halika't sabay nating tahakin at harapin ang mga problema patungo sa buhay na walang hanggan kahit na maraming hadlang sa atin", at kung hindi man siya, si Jesus, ang sasabay sa atin sa pagtahak ng ating destinasyon.

Yun lang po at maraming salamat sa inyong pagbabasa at pakikinig.

The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon