Si Juan (one shot)

86 6 4
                                    

(a/n: Hi po first time ko pong gumawa ng story. Cliché po ito kaya sana po pagtiyagaan niyong basahin. :)~)

Third person's pov

Sa isang napakaganda, napakalayo, napakamahal na tuition, at napakalaki na school ay may tatlong magbestfriends na babae. Nagkakandarapa lahat ng lalaki sa kanilang campus pwera lang sa isa. At ito ay si

.

.

.

.

.

"OMG! Nakita ko siya, nakita ko si Juan. Yun yung crush ko na napakamatalino at gwapo." sabi ni Dawn. Ang pinakamakulit, outgoing, adventurous, at wild sa kanilang grupo.

"Talaga?" matamlay na sabi ni Mae. Siya ang pinakamahinhin, pinakamaganda, pinakamayaman, humble, at down to Earth na tao sa kanilang tatlo.

"Kakasabi lang girl, bingi lang te?" sabi naman ni Jane. Ang peacemaker, pinakamatalino, at pinakamaingay sa kanila.

"Oo nga Mae. Sabi ko diba 'NAKITA KO SI JUAN!'" pasigaw na sabi ni Dawn.

"Bakit kaya di ako pinapansin nun?" dagdag pa ni Dawn

"Baka bulag o kaya di effective ang ating beauty sa kanya" sabi ni Jane

“Anong atin, akin lang noh!” sabi ni Dawn

Natawa nalang silang tatlo. Pero malungkot parin ang mukha ni Mae. At pumunta na sila sa kanilang tambayan.

.................

Habang forever alone na naglalakad si Mae sa mall ay iniisip niya paring sa lahat ng gusto ni Dawn ay si JUAN pa na kanyang mahal at bigla namang siyang umiyak.

"Bakit sa lahat lahat pa nagustuhan mo siya pa, bakiiiiiit? *sobs* Bakiiiit?"

Mukha siyang tanga sa loob ng mall. Lahat ng tao ay natatakot siyang lapitan. Nawala ang kanyang pagkamahinhin.

"Oy Mae, an drama mo? Para kang tanga diyan. Tumayo ka nga." biglang sabi ni Jane na nasalikuran ni Mae.

"Alam mo girl kung mahal mo talaga siya, agawin mo?" dagdag pa ni Jane.

"Ha? Anong pinagsasabi mo? Sinong mahal? Sinong aagawin ko?" nagmamaangan tanong ni Mae.

"Denial ka pa. Nakita nga kitang tangang umiiyak dito. Alam ko namang pinapaselos ka lang ni Dawn kaya dapat agawin mo hanggang maaga pa"

"Talaga? You sure?" sabi ni Mae.

"Ayan ka nanaman. Oo nga. Kaya 'fighting!'"

Sa oras na ito ay naisipan niya ang suggestion ni Jane.

..................

*Sa school

Hinihintay ni Dawn sina Jane at Mae habang naglalaro ng candy crush.

Papalit na si Mae kay Dawn ng biglang

*slaps*

Sinampal ni Mae si Dawn na ikinagulat niya dahil natapon ang kanyang iPhone 5.

"Mae, bakit mo ko sinampal? Natalo na tuloy ako sa Candy crush. Last life pa naman yon. Wala ka bang trip?" sabi ni dawn na walang bahid ng pagkainis.

*slaps*

Sinampal ni Mae ulit si Dawn.

"ANO BA PROBLEMA MO? WALA NAMAN AKONG GINAWA SAYO HA! NANANAMPAL KA LANG BIGLA."sabi ni Dawn na ngayon ay galit na galit na galit na.

"HINDI ANO ANG PROBLEMA KO KUNDI SINO"

"EDI SINO PROBLEMA MO?"

"IKAW ANG PROBLEMA KO. INAAGAW MO SA AKIN SI JUAN. SI JUAN NA PINAKAMAMAHAL KO."

"M..ma..ma..mahal mo siya? Mahal mo ang Juan ko" naiiyak na sabi ni Dawn.

"Oo at alam ko pinapaselos mo lang ako kaya ko aagawin ko sayo ang Jaun KO. At hindi ko lang siya mahal, mahal na mahal na maha.." napatigil si Mae dahil tinakpan ito ni Dawn.

"Sa tingin mo ipapaagaw ko sayo si Juan. Of course not, coconut!" sabi ni dawn na nakaevil smile.

"Alam ko maagaw ko siya sayo. Mapapasa akin siya!" sabi naman ni Mae

"Let's see" sabi alis ni Dawn

....................

*sa classroom

Habang hinahanap ni Mae ang kanyang assignment ay napatingin siya kay Dawn na papalapit sa kanya.

"Ito bang hinahanap mo? *pinunit ang assignment ni Mae* Ooops! Sorry >:)"  sabi ni Dawn

Habang naglalakad si Dawn ay hinarangan ni Mae ang kaliwang paa niya dahilang nadapa si Dawn.

"Masakit ba mang aagaw?" sabi ni Mae na nakingiting tagumpay.

"Walang hiya ka LOSER!" sabi ni Dawn na kusang tumatayo

"Manstealer!"

"Stupi.."

"STOP! Bakit kayo nag aaway? Kung si Juan ang dahilan tumigil na kayo. Nasisira ang pagkakaibigan natin dahil sa kanya. Ako nalang mahalin niyo. Ako nalang."

"What? Ikaw nalang mahalin namin. Jane, eew ka. So yuck talaga" sabi ni dawn with her disgusting face

"Mga tanga. I mean ako nalang pagtuunan niyo ng pansin. Hindi ako talo no para pumatol sa inyo." sabi ni Jane

Bigla na lang tumahimik ang paligid *akward silence*

"Sorry Dawn. Nabigla kasi ako sa emotions ko at hindi ko na alam ang ginagaw...." sabi ni Mae

"Ssshhh. Sorry rin, nagpasalitaan kita ng masama at napunit ko pa assignment mo" sabi naman ni Dawn

"Infatuation lang ata tong nafifeel ko" dagdag pa niya

"Sayo nalang si Juan, Dawn" sabi ni Mae

"Hindi sayo nalang siya" sagot naman ni Dawn

"Wag na nga lang" sabi nilang dalawa

At nag group hug silang tatlo

"Tara, lunch tayo sa mall. Libre ko" sabi ni Mae

"Game ako diyan!" sabi ni Dawn

"Mauna na kayo, may aasikasuhin pa ako" sabi ni Jane

"Sumunod ka ha?" sabi ni Dawn at Mae

"Oh sure!" sabi ni Jane

Pagkaalis nila Dawn at Mae ay inilabas ni Jane ang kanyang scrapbook na puno ng pictures ni

"I'm so inlove with you Juan. You are my only ONE. HAHAHA >:)" sani ni Jane

Noon paman ay may lihim na pagtingin si Jane kay Juan. Pinag away niya ang kanyang kaibigan para magkagulo. Napakatalino niya talaga

"I'm so clever talaga. Hahahaha"

Sa hindi kalayuan ay nakita niya si Juan na may kahalikan at ka holding hands

.

.

.

.

.

"WHAAT?!"

.

.

.

.

.

At yun ay si Pedro, ang pinakanerd at pinakawalang fashion sense sa kanilang school

"I love you, Pedro! Mwuah! Mwuah" sabi ni Juan

The end~

Si Juan (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon