ikaapat

158 1 0
                                    

Patawad
Dahil kung minsan, mas nauuna pa ang bibig kong pumutak
Kaysa mag-isip ang kulubot kong utak

Patawad
dahil kung minsan
Nauuna pa ang pagmulat ng aking mga mata
Kaysa sa pagtibok ng puso kong hinahapo na

Patawad
dahil kung minsan
Binabalewala ko ang mga tenga mong hindi napapagod sa pakikinig sa bawat pantig na niluluwa ng aking bibig
Kahit minsan wala naman talagang kwenta
Ang mga binibitawan kong salita

Patawad
Kung isa ako sa dahilan ng pagsikip ng ‘yong mundo
Kung ang dating payak ay naging komplikado

Patawad
Kung isa ako sa nagpunla ng takot sa loob mo
Na unti-unting lumaki at ngayon ay iyo nang inaani

Patawad
Kung mas pinili kong magtago
Para lang hanapin mo
Kahit na ang dapat mong hanapin ay ang sarili mo
Naging makasarili ako
Kaya’t heto, nagkasalisi tayo
Sabay tayong naghanap
At sabay rin tayong nagtago

Sa Pagitan Ka NatagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon