Our LOVE Story PART 1 (One shot story)

30.1K 884 318
                                    

 {A/n: Lahat ng nakasulat dito ay pawang kathang isip lamang ng awtor}

**

 

Kung nakakatunaw lang ang pagtitig,

Siguro noon ka pa nalusaw.

 

Kung nakakamatay lang ang pagtingin,

Siguro noon pa naubos ang mga umaaligid sayong babae.

At kung nasusulat lang ang pinakamagandang love story…

Siguro noon pa tayo magkasama.


Hanggang tingin ka nalang ba talaga sa nangangarap kong mga mata

Habang ikaw ay nagdaraan sa aking harapan…

O balang araw, magiging katotohanan din ang panaginip kong

IKAW AT AKO?

** ** **

How I wish this is true

The quote that I made, for us two.

 

‘Just wait and see.

In the end, it will still be you and me.’

“Jhie ano yan?” Napatalon ako sa gulat at dali daling isinara ang notebook ko. Jusko naman tong si Zel eh, bigla bigla ba namang susulpot!

“Wa—ala.” Nauutal ko pang sagot at binigyan sya ng isang malapad na ngiti.

“Asus! Wala pa daw, eh nabasa ko nga noh!” Umupo sya sa tabi ko at dumikit sakin, saka inakbayan pa ako. Bestpren ko yan … at parang kapatid ko na din. Pareho kasi kami ng blood type eh, AB-normal. Haha!

“N--abasa? Talaga?” Wag naman sanang nabasa nya. Yan ang pinakatatago kong sikreto eh!

“Oo! Love letter yun dba? Ibibigay mo na ba kay Mr. Taken?”

Umiling ako kaagad… at napangiti na din. Mukhang hindi nya naman nabasa yung sinulat ko eh. Whew!

“Hindi. Tsaka, Mr Taken? Sino ba yan?” painosenteng tanong ko sa kanya.

“Asus! Denial ka pa din teh? Gusto mo puntahan pa natin sa gym para maalala mo?” nakangisi nyang sabi at kiniliti pa ako sa tagiliran. 

“Ay ewan ko sayo, di ko sabi kilala yan eh!”

Kilala ko naman talaga ang tinutukoy ni Zel. Kaso, pinipilit kong kalimutan yun. Base na nga sa codename namin sa kanya… TAKEN na sya.

Crush ko yung si Mr. Taken. First ever crush. Nung hayskul ko kasi, di naman uso sakin ang ganyan eh. Paki ko ba sa mga lalaking yan, eh di ko naman yan makakain dba?

Kaso, uulitin ko. Noon yun.

Nakita ko kasi … SYA last sem,  at naging crush din kalaunan. Syempre nakakakilig. Lalo pa kung makikita ko sya na napapadaan, at napapatingin pa sa kung san kami nakaupo o nakatambay.

Di ako assuming ha! Yun talaga ang totoo, napapatingin naman talaga sya. Tsaka, di ko din sinabing… AKO ang tinitingnan nya. Yung pwesto lang namin!

Kaso, sa minalas malas. Nabasag agad ang puso ko sa una palang. May nag mamay ari na kasi sa kanya. Maganda, sexy, mukhang matalino at mayaman. Ako? Di na kelangang idescribe, wala din namang panlaban dun eh.

“Hoi! Tulala AGAIN?? Ano ba, akala ko ba di mo kilala? Mukhang sya pa ang nasa isipan mo ngayon.” Pang aasar nya ulit.

Sinapak ko nga. Adik talaga to, di marunong makainfindi.

Our LOVE Story PART 1 (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon