One night, after class, nagopen ako ng facebook at ang dami dami kong notifs, with a friend request.
Kenji Cheng
2 mutual friends
Inaccept ko yung friend reqest niya.
At nakita ko sa notifs na nilike niya lahat ng primary pictures ko at nagcomment siya:
"You are a perfect model, napakaphotogenic mo! :)"
After na inaccept ko yung friend request niya, nagPM agad siya.
"HI! :)"
At nagreply ako. "Hi din! :)"
"You're so pretty, BTW, I'am a photographer baka you want to be my subject of my next project? :)"
Nagulat ako sa sinabi niya. Photographer pala siya, and he wants me to be his model daw?
"Ay, kuya, hindi naman tayo ganun kaclose eh?"
"Edi kukunin ko number mo. Hehe. Then we can go out kung available ka?"
Binigay ko number ko. Hindi ko alam kung bakit.
Pero, mukhang mabait naman siya.
At natuwa talaga ko nung sinabihan niya kong maganda ko.
Nagchat chat pa kami until I need to sleep na.
"Kuya, next time na lang tayo chat ha?"
"Sure sure. Hehe text na lang kita ha? :)"
Then my phone vibrated.
He texted me saying:
"Goodnight. Kenji here!"
Tamad akong tao magtext kaya hindi ko na nireplyan.
The next day nagtext nanaman siya.
"Goodmorning! Musta?"
Ako naman, nahiya naman ako na hindi replyan kaya nagreply naman ako.
Ako: "Eto papasok na ikaw?"
Siya: "Eto nasa family business namin."
Ako: "Ano business niyo?"
Siya: "Sa cars"
Ako: "Ah ok. SIge pasok na ko. Mamaya na lang.
Habang nasa klase ako, busy sa pakikinig ng lesson, tumunog ung cp ko at nagtext si Kenji.
"Hi, pwede ba kita sunduin mamaya sa school mo? Nakita ko sa fb na taga FEU ka lang. Malapit lang kasi ako dun eh."
Gusto daw niya ko sunduin. Pero bakit kaya? Hindi ko pa naman siya ganun kakilala.
Nireplyan ko siya.
"Okay sige, sa may waiting shed sa tapat ng school. 7pm pala ang uwi ko."
"Okay sige. I'll text you. Hindi ako papalate. :)"
Mabilis lumipas ang oras at ilang minuto na lang at malapit na mag7pm. Kasama ko yung kaklase kong bading. Bumaba kami ng hagdan, lumabas ng school at tumawid sa may waiting shed. Habang nasa waiting shed kami may nakita akong lalaking matabi na may hawak ng cp at tingin ng tingin sa kin.
Ako: "Bakla, ikaw lumapit, Yuck!!!"
Biglang may nagtext sa kin:
"Hi Angel, andito na ko sa may shed, I'm wearing blue pala and I have a black car. :)"
Blue daw and a car, wala naman siya dito. Ang andito lang ung matabang lalaki na tingin ng tingin sa kin. Naalala ko, may waiting shed pa sa mismong tapat ng school ko.
"Kenji, andito ako sa shed sa kabila. Sorry. Hehe."
Wala pang limang minuto ay dumating na siya.
Chinito.
Mas matangkad sa kin ng onti
Maputi
Mayaman ang dating.
Maganda ang katawan.
...maganda ang katawan niya. Un talaga tumatak nung una kaming nagkita. He's hot. Really hot. Kahit naka shirt siya ay bakat ang mga muscles niya. Parang kinilig yung katabi kong bakla nung nakita niya si Kenji. Sumakay na ako ng kotse at kumaway sa kaklase kong kitang kita na kinikilig pa rin.
Ang cool ng car niya.
Mabango
Malinis
Malamig ang aircon
..sing cool niya.
For the first time, I go out with a guy na sobrang hot.
At first nahihiya ako magsalita.
Pero madaldal siya.
Kinukwento niya na sobrang nagandahan daw siya sa kin.
At lalo daw sa personal.
Ang mga lalaki talaga likas na bolero noh?
Mabilis ang biyahe.
At wala pang 30 mins nasa bahay na ako.
Gusto daw niya na magkita kami ulit kinabukasan. Dahil hot siya pumayag ako. Di ko alam kung anong urge ang meron sa katawan ko nung moment na yun. Something electrifying na I felt for the very first time.
.
.
.
.
.
at after nun, hindi ko inaasahan na nasundan pa ng nasundan ang pagkikita namin hanggang sa nangyari ang hindi ko inaasahan.