Crush Naman Eh! [OneShot]

47.1K 1K 410
                                    


Dedicated ulit sa 'Queen of One Shot' para sa akin. Oo, may tawag na ako sayo Ate Swiss. Hahaha. So, yeah, I really love your stories! Congrats din, na-top 1 ang ongoing story mo na Perfect Possible! Yieee! Lablablab~

---------------------------------------------------------------

CRUSH NAMAN EH! [OneShot]

"Ano ba?" Medyo naiiritang sabi ni Joule.

"Eeeeeeh! Pahiram kasi ako!" Pagpipilit ko.

Napailing na lang siya. "Ang childish mo talaga." Sabi niya pero binigay niya pa rin sa akin 'yung earphone niya.

*_____*

Oh my~

I can't believe it..

Ang earphone niya...

Ang earphone ni crush.

Nasa mga kamay ko.

WAAAAAAH! >///<

"Oy!" Nabalik ang tingin ko kay Joule na takang taka sakin pati sa earphone niya.

 "H-Ha? Bakit?" Utal kong tanong.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Bigla ka na lang natahimik." Tapos nilapit niya pa 'yung mukha niya.

"Wala n-naman. Sige, maiwan ka na crush ko~" Nasabi ko na lang at pumunta sa table naming mga kaibigan kong natatawa sakin.

Yes. Hindi ako 'yung mahiyaing tao na magdi-deny na crush ko ang isang tao. Makapal ang mukha ko. Pero kahit anong ulit kong sabihin na crush ko siya, eto lagi ang sagot niya...

"Ewan ko sa 'yo." At yumuko na siya para magreview. Sakit lang 'di ba? </3

 
Hindi ko alam kung bakit 'yun lang sagot niya sa pagsasabi ko sa kanya ng mga ganoon. Hindi ba pwedeng sabihin niya na lang na 'Sorry may gusto akong iba' o 'yung 'Gusto din kita'? Kasi mas masakit 'yung sagot niya. Pero ayaw mamatay matay ng pag-asa ko na malay mo may nararamdaman din siya para sa akin.

Sinabi kong gusto ko siya mga after one month nung magsimula ang klase bilang third year namin ngayon. Transferee kasi siya. Medyo sumikat din siya dahil sa gwapo rin. Tss. Para sa akin, freebies na lang 'yun. Hahaha.

At dahil nga makapal ang mukha ko, hindi ako nahiya o kinabahan man lang nung sinabi ko sa kanya. Halos lahat ng kaklase ko alam 'yung tungkol dun. Tinatawanan nila ako sa katapangan kong ipinapakita sa tuwing nagsasabi ako kay Joule na crush ko siya.

"Sawi ka na naman ba ulit?" Tanong ni Gail--classmate ko, pagka-upo ko sa table.

"Ano pa bang bago?" Sabi ko ng may halong malungkot na tawa.

"Haay naku, Macey. Go ka lang ng go! Susuportahan ka namin all the way." Pagpapasaya ni Carlos sakin. Nagsitanguan naman ang iba naming kasama.

"Haha. Tama na nga 'yan! Gawa na tayo assignment!" Maiyak pa ako sa support nila sakin. Haha.

Napatingin ako sa table niya kasama ang iba naming kaklase.

Napataas ang kilay ko na parang nagtatanong kung bakit siya nakatingin sa 'kin. Si Joule, nakatingin dito.

Ba-Bakit nakatingin siya sa akin? >/////<

Bumalik siya sa binabasa niya.

Tss. Asa naman ako.

**

"Good morning, crush!" Bati ko sa kanya nung madaanan ko ang upuan niya sa room. Napatingin naman siya sa akin pero kaagad na umiwas ng tingin.

Crush naman eh! [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon