I Love My Parents (ILMP)

113 0 0
                                    

Ano nga ba para sayo ang mga magulang mo? Minamahal mo ba sila? Nirerespeto? Masunurin ka ba sa kanila? O lagi mong pinapa sakit ang ulo nila? Ang buhay ng tao ay binigay lang sa atin ng Puong Maykapal. Hindi natin alam kung kailan Niya ito babawiin. Pwedeng mamaya, pwedeng bukas, pwedeng next month, pwedeng next year o pwedeng mamaya na. Siya lang ang nakaka alam kung kailan ang tamang oras para kunin Niya tayo. Iisa lang ang mga magulang natin. Hindi sila parang laruan na kapag nasira ay basta basta mong papalitan o aayusin. Hindi sila parang damit hinuhabad at pinapalitan. Hindi sila parang ulan na bumabalik balik bawat araw. Isa lang silang ordinaryong tao na utang ang buhay sa Taas. Kapag kinuha na ang buhay nila, wala silang karapatang mag reklamo. Kaya naman dapat, habang malakas at buhay pa sila, ipakita na natin kung gaano natin sila kamahal. Kung gaano sila ka importante at kung gaano natin sila pahalagahan.

Ako si Christina Mae Flores 18 years old na ko at nakatira ako sa Marikina. OFW ang daddy ko at housewife naman ang mommy ko. Isang anak lang ako kaya spoiled bratt ako. Lalu na sa daddy ko. Hindi naman madalas makasama si daddy lalu na pag New year o Christmas. Nasa ibang bansa kasi siya. Si mommy naman, housewife kasi may asthma siya. May trabaho siya noon pero, pinatigil siya ng doctor niya sa pag tratrabaho kasi, bawal na daw sa kanya ang mapagod. Hindi ako matalino, hindi rin naman ako bobo. May alam ako kahit papano. Kaya simula bata ako, hindi pinoproblema ng mga magulang ko ang pag aaral ko. Kasi, hindi naman ako bumabagsak e? Kadalasan nga, honor pa ko. Nerd ako noon. Hindi ako gumigimik. School-Bahay lang talaga ang ruta ko. Good girl pa ako noon. Pero, nag bago ang lahat nang makilala ko ang mga kaibigang nag pabago sa buhay ko. Ang mga kaibigang hindi ko na dapat nakilala. Ang mga kaibigang nag dala sakin sa maling landas.

HIGH SCHOOL LIFE

"Ina, gala tayo after class ha? Bawal kang humindi. Kundi, lagot ka sa barkada pag iinitan ka bukas"

"Ha? Eh, Monday lang ngayon ha? May pasok pa bukas. Tapos, gagabihin nanaman tayo?"

"Syempre. 4 kaya tapos ng klase natin. 10 matatapos yung gimik natin. Hindi daw pwedeng hindi sumama"

"Sige sige, sasama ako. Tatakas nalang ako kay nanay"

Ganyan lagi ang sinaryong naranasan ko nung High school ako. Dahil everyday akong gumigimik, hindi ko naaalala yung nanay ko na nahihirapan kaka trabaho sa bahay. Hindi ko naaalala yung tatay kong nag papakahirap sa ibang bansa para sa akin. Simula nun, nag iba na ang turing ko sa nanay ko.

"Anak, kumain na tayo. 11 na ng gabi pero, hinintay kita para sabay tayong kumain."

"Yoko. Kumain na ko. Kumain ka dyan kung gusto mo"

"Kumain ka na pala, hindi mo man lang ako tinawagan?"

"Eh, wala na kong cellphone e? Binenta ko na para magkaroon ako ng pera at para may pang gimik ako"

"Ha? Eh kakabigay ko lang sayo nung $500 a? Nasan na?"

"Nilibre ko mga kaklase ko. Nay, ang dami mong tanong. Wag ka na lang mag tanong okay?"

Nag iba ang trato ko sa nanay ko dahil sa mga kaibigan ko. Mas masaya kasi kasama ang mga kaibigan ko kesa sa Nanay ko. Boring kausap nanay ko e? Nakaka walang gana. Hanggang mag college ako, ganyan kong trinato ang nanay ko. Mas lumala pa nga e? Kasi, ngayong college ako, natuto akong mag cutting, natuto akong uminom at natuto akong mag yosi. Tumatambay kasi kami lagi ng barkada ko kung saan saan kasama yung mga boyfriend namin. Paulit ulit naming ginawa yun. Kaya naging dahilan yun para patalsikin ako sa school ko. Hindi ko sinabi yung sa mga magulang ko dahil ayokong pagalitan nila ako. Pero, pumapasok parin ako nun para makakuha ako ng pera.

"Nay, pasok na ko. Penge na akong pera. Kailangan ko nga pala ng 10,000 kasi may babayaran ako"

"Ha? Masyadong malaki yun anak. Wala na tayong pera. Pinang bili mo na ng mga mamahaling damit, sapatos at bag"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ILMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon