Revenge of a Broken Heart

1.4K 22 20
                                    

REVENGE of a Broken Heart 

Written by: CJNC

------------------♥--------------------------♥--------------------------♥-------------------------------- 

"Kung may mga taong sadyang hindi ka pinapahalagahan.. 

Mas mabuting ipamukha mo sa kanila na hindi sila kawalan." 

------------------♥--------------------------♥--------------------------♥--------------------------------

Part one

Masakit. Parang scripted lang ang lahat. Laro lang ba para sa kanya 'yun? Ano bang mali ang ginawa ko? Sa pagkakaalam ko, hindi naman ako nagkulang eh. Bakit ganun sya? Kung kailan pinahalagahan at minahal ko na siya ng sobra sobra, saka naman niya ako iiwan.

"Ash.. tahan na. Hayaan mo na yung walang hiyang lalaking yun!" sabi sakin ni Irene habang pinupunasan yung mga luha ko.

"Masakit Irene eh. Siya yung unang tao na minahal ko ng ganito. Bakit ipagpapalit niya nalang ako, kay Shirley pa ? Si Shirley na kaibigan ko rin." paliwanag ko kay Irene.

Sa lahat ng kaibigan ko, si Irene talaga yung pinagkakatiwalaan ko at malapit sakin. Buti nalang andyan siya. Hindi siya tulad ni Shirley na manggagamit. Bitch!

Hindi na kumibo si Irene. Niyakap niya nalang ako. Bigla siyang nagsalita.

"Wag ka ng manghinayang kung iniwan ka nya.. Pasalamat kapa! Kase binigyan ka nya ng chance para humanap ng mas higit pa sa kanya." seryoso niyang sinabi.

May punto si Irene. Kung hindi lang talaga ako yung taong palaban, iiyakan ko siya hanggang sa maubos yung luha ko.

Pero hindi, sa pagkakakilala ko sa sarili ko, hindi ako ganun. Hindi ako magsasayang ng luha para sa walang kwentang tao. Pinunasan ko na yung luha ko.

"Alam mo Irene tama ka eh! ipapakita ko sa kanya na siya ang nawalan dahil iniwan niya si Ashley Lopez. Ipaparealize ko sa kanya na hindi siya kawalan." Matapang kong sagot kay Irene.

Pagkatapos nun, niyaya ko siyang kumain ng ice cream. Kapag masama daw kasi ang loob mo o kaya kapag nalulungkot ka, kumain ka lang daw ng ice cream at mawawala yun. Nakakatuwa kasi nung una hindi ako naniniwala.

Pero one time na depressed ako sobra, tapos may nakita akong ice cream shop. Bumili ako ng maraming ice cream. Kinain ko lahat.

Guess what? Ofcourse, sumakit yung ngipin ko. Pero after kong maubos lahat yun, parang magic. Nawala lahat ng nararamdaman kong depression. Ang galing no? Basta simula nun, naging paborito ko na ang ice cream. Kahit gabi o malamig yung panahon, kumakain ako.

Revenge of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon