Chapter 1

27 1 1
                                    

Gail's POV

"Naaakkk!! Baba! Bilissss!"
Ay! Grabe maka tili si mama ah. Panira moment to eh. De joke. Eh kasi naman oh nag d-daydream pa ko kay Wade mylabs. Huehuehue wala nang kokontra. Panget lang kayo. Dyosa ako!

"Yes mama? Anong kailangan mo sa isang dyosa?" Tanong ko kay mama nang makababa na ko.

"Nak, iba ang maganda sa nagmamaganda.  Wag asumera ha?. Anyways, tignan mo yong t.v!! Oh my goddess nak. Yummy!" Sagot ni mama. Ay iba, parang yun lang eh -_- Hindi ko po to kilala. Honest me.

"Oh. Eh ano namang kinalaman ko jan m- teka ma! Bakit parang may naamoy akong sunog?!" Tanong ko.

"Hala nak! ,.............Patay! Nagluluto pala ako. nak!!!! Nasunog ata!!" Sigaw ni mama.

Deretso kaming pumunta sa kusina.

Nakahinga talaga ako ng maluwag ng makitang walang nasira o nagliliyab.

"Mama naman !! Echos karin eh. Muntikan na yon ha! Talagang ginanahan ka pa sa sight seeing mo ng abs kanina ha. Wow lang ma. Sa susunod ma, wag ganern, kung gusto mong mag sight seeing wag na wag kang magluluto ! Okay?!" Sabi ko kay mama. Naman kasi -_- . Parang ako pa yata nanay dito ah? Pansin ko lang talaga.

"Wow nak ah. Ikaw ata nanay sating dalawa ah. Ay babyface naman kasi akong dyosa. Ha-ha-ha-ha" Saan nga ba ako magmamana? Alangan namang sa alaga naming aso diba? Wag tanga mga guys.

Natapos ang aking araw ng Maganda. Pero of course mas maganda parin ako. Wala ng mas gaganda sakin. Huehuehue(Tawa ng mga sosyal).
.
.
.
.

Ngayon papunta na ko sa lungga ng mga insecure na inggitera. Saan pa ba? Edi sa impyerno, alangan naman sa langit? Joke ho. Papunta na ko ngayon sa school namin ni Wade mylabs. Kaming dalawa lang ang anghel don. Huehuehue.

"Witwew, wala ka paring pinagbago Gail ang hangin mo parin . Hahahaha" Sabi ng isang uod sa daan.

Aba't marunong na pala magsalita ang mga uod ngayon ?

"Sorry dear, hindi pa ko na inform na nagsasalita na ngayon ang mga uod. Sa susunod kase, magpaalam ka muna bago ka magsalita ha?"

"Hahaha. Feelingera as ever! Really Gail? Hindi ka ba nahihiya? hahahaha."Sagot ng uod. Again. Aish.

"Ah-ha-ha. Tawa pa. Mawalan kana sana ng hininga. But dear, ba't ko naman ikakahiya ang kagandahan ko? Eh ikaw nga proud na proud ka sa kapangitan mo?"

"Aba't sumasagot ka pa?! As if i know nung nag-ulan ng kapangitan naligo ka ata sa ulan."

"My my. Aminado akong nung nag-ulan ng kapangitan nabasa ang mga kuko ko. Eh ikaw, nagswimming ka sa putikan noh? Ayee. Aminin. Anyways, ayoko nang mag aksaya ng oras sayo so tsupe sa daan ko kung ayaw mong ipalapa kita  sa boyfriend mong aso."

At dumireto nako patungo sa ming classroom. Gamit ang aking pa bonggang rampa, linagpasan ko lang lahat ng aking classmates. Oh ano kayo ngayon? Hue hue hue.

"Araa-ouch." Napatili ako ng mabangga ko ang paa ng aking upuan. Buti nalang napigilan ko at ouch lang ang nasabi ko. Dis is unbilibable. Anyways, stand straight and walk like nothing happened.

"Hahahaha. Wag kang mag-alala panget ako lang nakakita non. Hahahah. Epic. Hinde yong eksena hah? Yung mukha! Haha."
Sino pa bang tumatawag sakin non? Wala ng iba pa kundi ang mukhang satanas na si Dwayne.

"Ang saya mo ata ah?  Pero iba ka rin ha. Tumatawa ka na nga nagmumukha ka paring hampas lupa." Sagot ko sa kanya. Aber, anong akala nitong lamok na to? Na gwapo sya? Aba no. Talagang NO. May maipagmamalaki naman sya. Oo, pero papansin masyado eh.

"Pero ikaw nga Gail kahit anong nararamdaman, mukha paring hampas lupa hahahah." Tawa ng lamok. Alam ko na mga moves ng lalake ngayon eh. Sorry ka nalang Dwayne.

"Whatever. Talk to my hand." Sagot ko at pag maganda ka. Talagang swerte ka. Pumasok na ang first subject teacher namin at nag simulang mag-discuss ng bla bla chu chu.

Pagsapit ng break, nag unat-unat muna ako tumambling, nagbackspring at nagsplit, tapos kinuha ko na yong bag ko para pumunta sa cafeteria. Oh Im so goddess! Excited na kong makita si Wade mylabs. Wala eh, minalas ako eh di kami magclassmate. Ang sakit lang. So ayun, dire-diretso na ko sa cafeteria.

"Mylabs Wade!!!" Sigaw ko ng mahagip ng aking pretty eyes si Wadeey.

Ngunit ng marining ata ni Wade ang tawag ko eh biglang nagmadali? Ganern ? Kilig much si kuya? Hue hue hue. Ang lakas talaga ng effect mo kay Wade teh! Higher level!

Habol-habol mode.

"Oie! Psst! Wade!" Kalwit ko kay Wade ng maabutan ko siya.

"Ano ba?! Tantanan mo nga ako! Shit. Punong-puno na talaga ako sayo! Kung di ka lang talaga babae! Aish!! Just.. Fu*k off!" Sigaw sakin ni Wadeyy. Galit na naman eh. Pini-PMS?

"Ai. Wag feelingero masyado Wade. Isusuli ko lang tong panyo mo eh. Assuming ka masyado. Oh eto! Nahulog mo kasi. Aish. Akala mo naman mahal na mahal kita eh! Pero ganon na nga." Sagot ko kay Wade sabay lakad papunta sa linya.

"Wag mo kong ma-miss masyado Wade ha! If you need me just call my name........ at walang sasagot sayo. Wag kang uto-uto. Nakakaturn off yon."

"Shut the fu*k up." Sagot ni Wade sabay alis.

Nag-order nalang ako ng Coffee cake, Strawberry Coffee, 1 slice of pizza and 1 spag. Hanep noh? I'm a modern cavewoman. Malakas akong kumain ngunit Im still slim. Why? Ewan ko rin. Wag mo ng tanungin.

Oh and I forgot to introduce myself! Aish. Matatapos nalang ang chapter na to,di nyo pa ko kilala. I am Gail Andrea de los Reyes. Isang magandang goddess. Student of  La Corda Academy. Medyo mayaman. At soon to be wife ni Wade Raven Tan. I have a little brother named Shawn Alexander de los Reyes. Just 3 years behind me. Bestfriends? Meron naman . We have a squad. Ma me-meet niyo rin sila. Bonding moment nila ngayon eh. Iniwan ako. Mga panget. Anyways, I am NBSB. NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Ipapasure ko lang kesa sa iba dyan NBSB- NO BEAUTY SINCE BIRTH. Hue hue hue. Hue hue. Haha. Huhu. Hoho. He-

"Aack!!" Nabilaukan ako. Shet ang sakit non ha! Buti nalang may kape pang natira. Grrr kahiya. Ang raming nakatingin sa-

"Wahahahahah. Talagang sa tuwing nakikita kita ang epic talaga ng mukha mo panget hahahaha." Pagputol ni Dwayne sa iniisip ko. Nandon lang pala siya sa malapit na table? Weh. Di kapansin pansin tong taong to. Sabagay, mukhang lamok eh.

"Nagsasalita ka? Akala ko kasi umuungol. Diba lahat ng aso umuungol naman? Iba karin eh." Sagot ko sa satanas na to.

"Hahahaha. Barado ka pre eh. Hanep." Kantsaw ng mga barkada ni Dwayne.

"Hahahaha. Lage naman pre. Oh? Bat ang sama mong makatingin sakin Gail Andrea? Hahah" Sagot ng lamok.

"Eh bat ang sama mong tignan?! At hoy! Wag mo kong ma tawag tawag sa full name ko! FYI, HINDI TAYO CLOSE!  At para malinawan ka naman, hindi ka nakakatawa! Maka-alis na nga. Ang raming peste dito eh. Nakaka-haggard. Psh."

At umalis na nga ako! Pagdating ko saking locker, agad ko itong binuksan at sa kasamaang palad may nahulog na love letter galing don.

Haaaays. Imba talaga basta Dyosa. Sabi ko sa inyo eh ! Totoo talaga, pramis, maganda ako. Mahahabang  pilik-mata, hindi masyadong matangos ngunit di rin naman pango na ilong , in short. Cute. Ano DAW? Hue hue hue. Pink lips. Maputi. Pink cheeks. Oh diba? Hahays. Beauty Problems. Yan pinoproblema ko. Ikaw? Wag na. Wala kang problema. Wag kang mag-alala.

Pretty MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon