Chapter 4

440 40 2
                                    

Chapter 4

Four Months

__________

 LOUIE's POV

Apat na buwan na ang nakalipas pagkatapos mula ng huli naming pagkikita ni Atalie. At sa apat na buwan na iyon, wala akong ginawa kung di ang mag trabaho ng mag trabaho. Kapag kasi di ko gawin iyon, baka tuluyan na kong mabaliw, bakit?

Dahil kay Atali! Sheet, di na talaga siya nawala sa isip ko.

“Oy! Oy! Oy!” Napatingin kaming lahat sa sumigaw, si CJ lang pala. We did our manly hand shake tsaka siya umakbay sakin. “Ano problema neto?” tanong pa niya, habang nakaturo pa sa akin.

“In love.” Nangaasar pang sabi ni Sam.

Napatingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Lalo akong naasar nung tinawanan lang nila ako. Kumuha ako ng mani sa lamesa at pinagbabato ko sa kanila. Pero umiwas lang sila at tsaka nagtawanan uli.

 

“Mukang wala pa ding good news, ah?”

“Oo, apat na buwan na kaya iyang ganyan.”

 

Parang wala ako dito, kung makapagusap sila. Hindi ko nalang sila inintindi at tinuloy ko nalang ang pag-inom.

 

 “Pare!” Si Andy naman ang sumunod na dumating.

“Oy! Oy!”

“Oh Andy, bakit ngayon ka lang?” tanong ni Sam.

“Kanina pa ako, nandun lang ako nakapwesto malapit sa entrance.”

“Anong ginawa mo dun?”

“Babae, ano pa ba?” bale walang singit ko sa usapan nila.

Tumawa na naman ang mga mokong. Napapailing nalang ako.

 

 “May mga chicks kasing nagdatingan! Sheet, pare, wooh!” parang nahihirapan pa siya sa pagsasalita, basta babae talaga.

“Sexy ba pare?” tanong kaagad ni Sam.

“Oo!” sagot niya naman kaagad.

“Maganda?”

“Oo!”

“Malak—“

“Sobra!”

“Pare, ayun sila, oh, yung limang babae dun.”

Napatingin din ako sa kanila at nakita kong nakaturo si Andy sa may bar counter, sinundan ko din naman kung sino iyong tinuturo nila.

“Tignan mo yung naka Gold pare”

Kung ano ano na lang pinagsasabi nila habang tinitignan yung mga babae dun, psh. Babalik na lang sana ako sa inom nang may mapansin ako. Mabilis kong naibalik ang tingin ko dun sa mga babae at mabilis na tumayo. Sheet!

Worth The WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon