48 Hours

37 1 0
                                    

Micah's POV


"Galing atang Amerika"


Nakakunot ang noo na tiningnan ako ng katabi kong si Raine na bestfriend since birth ko, maganda si Raine, mahaba ang buhok na rebonded, morena at cute siya. Mas matanda siya ng isang taon kesa sakin.


"Pano mo naman nasabi?" tanong niya.


Tiningnan ko siya at ibinalik ang tingin sa isang lalaki na kasama namin dito sa isang malaking esteraha na pag-iistayan sana namin ngayon. Matangkad yung lalaki, siguro hanggang sa may baba niya ako, bilog yung mata niya, maayos naman ang gupit ng buhok, naka-earphones, naka-jacket, tapos naka-converse pa. Nakasuot siya ng t-shirt at man shorts yung hanggang tuhod. O diba talagang nakadescribe siya!


"Tanga tingnan mo ang porma, naka jacket" iiling-iling kong sagot sakanya.


"Sino kaya ang mga yan?" tanong ni Raine kaya nagkabit-balikat ako kasi di ko alam kung sino sila


May kasama yung lalaki na babaeng hanggang balikat lang niya. Maganda yung babae, short hair pero hindi ganung ka short yung hanggang balikat niya at naka-jacket din tapos halos parehas sila ng porma pero yung babae nakasleeveless tapos naka-shorts, may earphones din siya na nakasaksak sa tenga niya


Micah nga pala, 15 years old. Andito kami ngayon sa isang esteraha na ni-rent ng a-attendan namin ng kasal bukas somewhere in Laguna, nakatayo lang kami since may balak atang lumipat nila Mommy ng place dahil hindi sila comfortable dito. Like what I said a-attend kasi kami bukas sa kasal ng isang family friend namin, eh parang reunion nadin ng iba pang mga family friend kaya ayan ang dami namin.


"Micah, magpractice muna kayo habang may pag-uusapan kami" utos ni mommy kaya bumalik ako sa van na sinakyan namin para kunin ang gitara ko at bumalik kila Raine.


Si Kuya Gab ang ikakasal bukas, family friend namin dahil magkakasama kami noon sa community.


Anyways, kinuha ko sa bag ko ang mga kopya ko ng chords at inilapag iyon sa lamesang nasa harapan ko.


"O ano dali tara, ano unang titirahin natin?"


Namili muna sila Raine at yung kapatid kong si Mia ng kanta at saka sinabi sakin, nang tumugtog na ako napansin kong tingin ng tingin yung lalaki at babae samin pero ang talagang palaging nakatingin ay yung lalaki, yung parang gusto niyang lumapit.


Since sobrang nacurious na ako kung sino ang dalawang iyon tinanong ko na si mommy.


"ma, sino yung dalawa?" tanong ko sabay nguso dun sa direksyon ng dalawa na pinapanood ang anak ng ate ko na naglalaro.


"Ahh, pamangkin ni Tita Bertha mo yan" sagot ni Mommy


SI Tita Bertha ay family friend din namin na isa sa ninang ng kasal ni Kuya Gab. Bumalik na ako kila Raine at nagsimula na kaming magpractice.

48 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon